Chapter 7

9.6K 232 8
                                    

Nakahanda na lahat ng mga gamit ko. Oo, sobrang dami pala ng dala ko. Okay na siguro ang apata na maleta. Pantulog, pang-ligo, dresses at tsaka for personal hygiene.

Napalingon ako kay Hector. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa lahat ng dala ko. Baliktad naman kaming dalawa, noong nakaraan apata ma maleta ang mga dala niya pero ngayon isa na lang.

"Sigurado ka, Eli? Lahat ng iyan ang dadalhin mo?" tanong niya sa'kin.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Besides, isinama ko si kuya sa'min dahil kahapon naisip ko na kailangan talaga namin ng kasama.

"Oo naman, ikaw? 'Yan lang ba ang dala mo?" tanong ko sa kaniya.

"Yes, this is enough. Kapag kinulang ako sa damit puwedi naman akong bumili do'n," sagot niya sabay suot ng backpack niya.

"Oh, sige. Teka, nasaan na ba si kuya?" tanong ko at inikot ang mga mata ko, "Kuya! Aalis na tayo!" sigaw ko.

"Andiyan na po, ma'am!" sigaw niya pabalik at tila ay natataranta. Nakasuot siya ng Bohemian polo katulad ni Hector. Bigla akong natawa sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng ganiyan.

Medyo mataba si kuya tapos matangkad siya kaya kung hindi mo siya kilala nakakatakot siya lalo na kapag seryoso ang mukha niya.

"Okay na ba, ma'am? Wala ka na bang naiwan?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako sa kaniya, "Wala na, kuya. Ready na ba ang van sa labas?" tanong ko sa kaniya pabalik.

"Opo, nasa labas na. Ako na po ang bahala dito, mauna na kayo," sambit niya kaya napatango ako sa kaniya.

"Tara na, Hector. Excited na ako." Hinawakan ko siya sa malaki niyang braso kaya agad siyang lumayo sa'kin. Kumunot naman ang noo ko, "Bakit?" I asked in doubt.

Inikot niya ang tingin na parang tinitingnan kung may nakakita, "Baka makita tayo ng mga guards at akalain na boyfriend mo ako," sabi niya sa'kin at nagkamot ng ulo.

Sinamaan ko siya ng tingin at umirap, "Ang OA mo. Hawak lang naman, eh," tugon ko at nauna ng naglakad sa kaniya. Nakakainis.

Naiwan siya sa loob na hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa niya. Pumasok ako sa loob ng kulay puting van. Inayos ko ang buhok na nakatirintas at nakita siyang nakatingin sa'kin habang naglalakad.

Pumasok siya at akmang uupo sa tabi ko ng pigilan ko siya, "Hep! 'Wag ka dito, sa likuran ka! Ayoko ng katabi!" mataray kong sambit sa kaniya. Hindi naman siya nagreklamo sa'kin at pumaroon na sa likod na bahagi ng upuan ko.

I crossed my arms and put my shaded on. Narinig ko naman ang pagpasok ng mga maleta naming lahat. Nagtulong-tulong silang lahat na maipasok ito hanggang sa naipasok na. Sa unahan si kuya umupo katabi ng driver.

"Okay na po ba, ma'am? Aalis na tayo?" tanong niya.

"Oo, kuya. Tara na."

Naging tahimik ang byahe maliban na lang sa cellphone na tumutunog sa likuran ko. Naglalaro ba naman ng games. Lalong uminit ng ulo ko sa kaniya.

"Puwedi bang i-silent mo 'yan cellphone mo, Hector?! Nakakarindi!" singhal ko sa kaniya.

"Ay, sorry." Naging mahina naman ang games niya pero bigla na naman tumunog ang messenger nito pero lagi niyang pinapatay. Tumawag na naman ulit kaya nagsasalpukan na ang mga kilay ko sa inis.

"Hector, ano ba! Nakakainis 'yan!" sigaw ko. I gritted my teeth while clenching my jaw.

"May tumatawag kasi, sige na. Papatayin ko na nga," sabi niya sa'kin. Parang ang sarap niyang sipain sa paa. Nakakabwesit.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon