Chapter 27

7.1K 143 7
                                    

Napabalikwas ako sa kama dahil sa malakas na pagtunog ng telepono ko. Kahit gulo-gulo ang buhok ko at walang damit ay pilit kong inabot ito sa ilalim ng lamshade.

Bigla akong bumalik sa sarili ng makita ang pangalan ni dad sa screen. Napatingin ako kay Hector at napalunok. He is sleeping peacefully, nakadapa siya.

Kahit kinakabahan ay sinagot ko ang tawag niya. Nilagay ko kaagad ito sa tenga ko, "D-dad?" nag-aalangan kong bungad.

"Hello, Eli. Bakit ang tagal mong sumagot? Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya.

Inikot ko ang tingin patungo sa wall clock at nakitang mag-aalas-nwebe na pala ng umaga.

"Dad, kakagising ko lang. Why? Why did you call?" tanong ko sa kaniya. I bite my fingers.

"Why did I call? Of course, I am checking you out! Anyways, uuwi na diyan si Linda," he said that makes me shook. Agad akong napatingin kay Hector, nanlalaki ng mga mata ko.

"N-ngayon na, dad?" I asked. Bumuga ako ng malakas na hangin mula sa'king baga. Paano si Hector?

"Yes, Eli. Bakit mukhang hindi ka yata masaya?" nagtataka niyang tanong. Lumabi ako, nahulog ang balikat ko at naisipang humiga sa tabi niya at yakapin siya.

"Of course, I am happy, dad! W-what...about Mr. Montenegro?"

Parang hindi ko ata kayang wala siya sa tabi ko.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa hubad kong balat. Hinila niya ako papalapit sa kaniya.

"Send him home once Linda is there, Eli. Sabihin mo sa kaniya, the payments are already sent to his bank account," tugon niya. Lalong sumama ang mukha ko.

"O-okay, when will you're going home, dad?" naiinis kong tanong. Umikot ang mga mata ko dahil sa inis. Paano ko masasabi sa kaniya ma boyfriend ko na si Hector?

"I still don't know. We're enjoying the place. You should come to me some time," he answered.

"Umuwi ka na kasi!" sigaw ko sa kaniya habang pumapadyak ng mga paa ko. Kumukunot ang noo.

Mahina itong tumawa, "Come on, Eli. Kapag nandyan ako, hindi ka rin naman makakalabas," sabi niya.

Bigla ko na naman naalala ang pagiging mag-isa. Laging nasa bahay at tanging si manang lang ang makakausap. Bumuntong-hininga ako na napagtanto ko.

"Sige na nga! 'Wag ka na lang umuwi!" napangisi ako. Kapag wala siya dito malaya akong makakadalaw kay Hector sa trabaho niya at makakalabas pa.

"W-what?" hindi siya makapaniwala sa naging sagot ko sa kaniya.

I decided to end the call. Tinago ko ang phone sa ilalim ng unan at hinarap si Hector na may matagumpay na ngiti sa aking mga labi, samantalang siya ay nanatiling nakapikit.

I cupped his face, "Good morning, Hector!" bati ko sa kaniya.

Agad na kumurba ang kaniyang mga labi at minulat ang kaniyang mga mata, "Good morning, love. What did your dad said?" tanong niya. Mabilis niya akong hinalikan sa bibig at siniksik ng mukha sa leeg ko. I can feel his breath.

I sighed heavily, "Sabi niya nasa bank account mo na daw ang bayad, kapag dumating si manang ay puwedi ka na daw umalis," mahina kong sagot. Ayokong sabihin sana kasi nalulungkot ako na isipin 'yon na wala na siya dito sa bahay lalo't ngayon ako na lang mag-isa sa kwarto ko.

Humigpit ang yakap niya sa'kin. Ramdam ko ang pagkagulat niya, "I'm sorry, love. Kailan daw siya uuwi?" he asked.

Kinagat ko ang aking labi saka nagsalita, "Hindi pa niya alam, eh. Nakakainis! Pero okay na 'yon, dadalawin kita sa trabaho mo," sambit ko, "Puwedi ba 'yon, Hector?" I asked curiously. Kasi ayaw niya talaga akong pumunta do'n.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon