Chapter 18

9.6K 178 0
                                    

The first thing I feel in the morning is soreness. I couldn't move my legs. So Hector decided to re-schedule our flight. We cuddled each other. Tinutulungan niya akong pumunta sa banyo kapag kailangan ko, binubuhat niya ako. Hindi ko alam na ganon pala ang magiging epekto no'n.

The next day, natuloy na ang flight namin pauwi. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng kirot pero hindi na kagaya ng kahapon. Kasalukuyan na kaming sumasakay sa van.

We are living palawan. I missed the island hopping. Dapat pala nag-suggest ako no'n but still I enjoyed my stay.

"Hey, Eli. Are you okay?" tanong niya sa'kin. He is holding my hand. Nakasandal ako sa balikat niya.

"Yes, Hector. Don't worry," sabi ko sa kaniya. Ngumiti ito ng tipid at nagnakaw ng halik sa mga labi ko. Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang tamis ng ngiti ko.

Nasa unahan kasi si kuya guard kaya hindi niya puweding makita 'yon. Kailangan muna ni dad malaman may relasyon kaming dalawa ni Hector. He'll surely surprise about it.

Nanginit ang balikat niya dahil sa mahinang pagtawa. Parang nagnanakaw lang kami ng sandali.

Dumating na kami sa airport. Binuksan ng driver ang pinto kaya magkasabay kaming lumabas ni Hector. Binababa naman ni kuya ang mga gamit naming lahat. Sobrang dami pala talaga.

Tinulungan siya ni Hector na itulak papasok lahat ng mga maleta namin. Nauna na akong naglakad sa kanila. Advanced kaming pumunta kaya maghihintay pa kami ng ilang minuto.

Umupo kami sa waiting area. Ako, si Hector at kuya. Magmula ng pumunta kami doon ay hindi na kami masyadong nagkikita, pinupuntahan naman siya ni Hector minsan para i-check.

"Kuya? Kamusta ang bakasyon mo?" tanong ko sa kaniya. Sumandal ako sa balikat ni Hector. Wala naman sigurong masama dito.

Lumawak ang ngiti niya at parang may kinakalikot sa cellphone niya. Kumunot ang noo ko. Nagulat ako ng lumingon siya sa'kin. Kinabahan ako.

Pinakita niya sa'kin ang phone niya, "Ma'am, tingnan mo po. Kuha ko 'yan sa palawan!" sambit niya. Hindu mawala ang liwanag ng mukha niya dahil sa saya. May litrato pala ito, "Salamat, ma'am. Ngayon ko lang naranasan magbakasyon dito." Dagdag pa niya.

Ginantihan ko siya ng ngiti. Akala ko trabaho pa rin ang ipinunta niya dito. Mabuti naman at nag-enjoy siya. Nakakapagod kaya ang rumunda sa mansion.

"Wala ano man, kuya! Naku! Wala lang 'yon, magpasalamat ka na lang kay daddy," tugon ko sa kaniya.

Napakamot siya ng ulo, "Hindi niyo naman po dapat ako isasama, eh. Wala naman po siyang sinabi." Nakaramdaman ko ang hiya sa pananalita niya. Dinala ko lang naman siya dahil walang magdadala ng madami kong gamit at maleta. Okay na rin 'yon.

"Sa kaniya ang pera, kuya. Ako lang 'yong taga-gastos." Mahina akong tumawa at tumingin kay Hector. He is staring at me amusingly.

"I agree with that, Eli. Taga-gastos ka nga talaga," sabi niya sa'kin.

Pumuot ako. Totoo nga 'yon, si dad lang naman ang nagtatrabaho sa'min at ngayon ay nagbabakasyon lang sa States.

"Minsan lang naman tayo lumabas, eh," depensa kong sagot. Kailan kaya ulit kami lalabas? Gusto kong mag-enjoy na kasama siya, "Teka, Hector. Ayaw mo bang bisitahin ang family mo?" tanong ko habang may ilaw na nakatatak sa utak ko. Ngumisi ako sa kaniya.

"Gusto, I am still on my duty, Eli. Siguro pagdating na lang ni Don Eden," tugon niya. Siniksik ko ang sarili sa kaniya. Gusto kong makita ang pamilya niya. May mga kapatid kaya siya?

"Hector, punta tayo doon. O dumaan tayo kahit sandali." Suhestyon ko sa kaniya. Gumagalaw ng mabilis ang tindig ang mga paa ko habang hinihintay ang sagot niya.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon