Naisipan kong mag-mall para malibang ang sarili ko. Hindi pa rin uuwi si dad at hindi ko alam kung bakit. Napanguso ako habang nilalagyan ng pulang lipstick ang mga labi ko. Hindi ko mapigilang mapaisip, bakit kasabay no'n ay hindi din pagbalik ni manang?
Napailing ako para iwakli ang haka-haka sa ulo ko. Binilisan ko ang pag-aayos. Magsasama ako ng dalawang guards dahil wala si Hector.
Nakasuot ako ngayon ng kulay baby pink na dress. It's like filipiña style kaya ang cute niya. I let my hair fell behind with one clip on it. My dress matches my korean sandals.
Bumaba na ako mula sa aking kwarto dala ang gucci bag ko. Pagtapak pa lang sa ground floor ay hinanap ko kaagad si kuya Albert. Inikot ko ang tingin at sa pagtataka ay hindi ko siya makita.
"Kuya Albert!" tawag ko sa kaniya, "Kuya, aalis na tayo!" sigaw ko. Siya pa talaga 'yong late ah? Umismid ako at dumeretso sa front door. Binuksan ko ito at humakbang palabas.
Maghahanap na lang ako ng ibang papalit sa kaniya. Kumunot ang noo ko ng makitang nasa labas na pala silang dalawa at nakatayo sa labas ng kotse namin.
Palapit ng palapit at naririnig ko ang usapan nila, "Oo, pare. Sinabi ko na sa'yo, nagpunta ako ng mall para bilhin ang damit na gusto ng bunso ko, nakita ko siya," malakas na sabi ni Albert sa kasama niyang. Matikas na lalaki. Nakasuot silang pareho ng pants at t-shirt. Ang pinagkaiba lang ay kulay puti kay kuya Albert at grey naman 'yong sa isa.
"Sinumbong mo ba?" mahinang tanong ng kasama niya. Parang ayaw na ayaw nila itong marinig ng iba.
Tumaas ang dalawa kong kilay. I putted my hands over my waist dahil parang madami pa ata silang mapapag-usapan.
Napakamot siya ng ulo, "Hindi nga, eh. Baka nagkakamali lang naman ako ng akala," sagot niya.
"Pare, walang magkaibigan na naghahalikan!" paliwanag nito.
Lalong kumunot ang noo ko sa kanila. Sino ba ang tinutukoy nila? At bakit ako naku- curious sa pinag-uusapan nila? Bumuntong-hininga ako.
I cleared my throat from their backs. Agad silang nagsilingunan sa'kin at halata sa mukha nila ang kaba at taranta.
Nagtinginan silang dalawa, mukhang nagkakaintindihan sila.
"Ma'am, pa-pasok na po k-kayo. Ka-kanina pa ba kayo diyan?" nauutal niyang tanong kasabay no'n ang pagbukas niya ng pinto sa backseat.
Tumakbo na rin ang kasama niya papunta sa driver's seat at nauna nang pumasok. Agad kong narinig ang pag-andar ng makina ng kotse kaya umismid ako.
"Hindi naman. Bakit may problema ba?" I smirked on him. Lalong kinabahan ang mukha niya.
Umiling siya sa'kin, "Wala po, ma'am," sagot niya.
I started to walks towards the open door. Pumasok na ako at umupo ng maayos. Marahan niya itong sinarado.
The car is tinted and bulletproof. Pero hindi lahat ng kotse namin ay bulletproof.
Nagsimula nang tumakbo ang kotse kaya tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana. Ngayon lang ulit ako nakalabas.
Hindi ko na namalayan na nasa harapan na pala kami ng malaking mall. Napaayos ako ng upo sa pagpasok ng kotse sa loob ng carpark.
"Ma'am, andito na po tayo," sabi ni Albert sa'kin. Nauna siyang lumabas sa kotse at binuksan ang pinto sa gawi ko.
Dahan-dahan akong lumabas at doon napansin na nagmamasid na pala ang isang guard sa paligid. Malalaki ang katawan nila kaya alam mo talang personal guard.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...