Chapter 38

8.5K 183 11
                                    

Gusto ngang makipagkita ni Sam sa'kin. Magkasama kaming dalawa ni Hector, para siyang buntot na sunod nang sunod sa'kin.

"Alam mo, Hector! Naiinis talaga akong makita ang pagmumukha mo!" niirita kong sabi sa kaniya. Napahampas ako sa pintuan ng kotse niya.

Umismid siya, "Naiinis? O natatakot ka lang na mahulog ulit sa'kin, Eli? Ano ba talaga? Are you afraid to fall in love with me again or afraid to admit that you still have feelings for me?" napangisi siya. Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. Naiinis talaga ako! Gusto kong magwala, "Choose the right answer, Eli."

"I don't have feelings for you! Matagal na 'yon nawala! Nalusaw!" sigaw ko. Namumula ang mukha ko habang mahigpit na hinahawakan ang seatbelt.

"Weh? I can see it through your eyes, Eli."

Malakas na kumabog ang puso ko. Hindi na ako nagsalita pa at ipinikit ang mga mata ko. Umilaw ang utak ko ng makaalala ng magandang ideya. Pagselosin nga natin siya.

"Someone is silent. Silent means yes." He teased me. Bahala ka diyan, Hector. Tingnan natin kung hanggang saan 'yang pagbibiro mo na 'yan. Umirap ako.

Pagdating namin sa cafe ay nauna akong lumabas sa kaniya. Nakit ko ang pagkataranta sa mukha niya kaya nagmadali akong naglakad. Papasok na ako at palabas pa lamang siya ng kotse. Agad kong hinanap si Sam.

"Eli! Here!" tumakbo kaagad ako sa kaniya. Sinalubong niya ako ng yakap, "Oh my gosh! How are you? I'm sorry," he said. Wala naman sa'kin 'yon. Ang importante at ligtas ako.

"Sam, andito si Hector. Let's pretend that we are on, magpaka-sweet ka para mainis siya," bulong ko sa tenga niya.

Biglang humigpit ang yakap niya, "What?! Damn, Eli! Baka bugbugin ako niyan. Nasa likuran mo na siya!" pabulong ngunit may diin nitong sambit.

"Sh*t! Ayusin mo, Sam." May pagbabanta kong sambit sa kaniya.

"Babe, i'm really sorry. I lost you in the middle of the crowd." He cupped my face. Pigil ng ngisi ko nang pinanlakihan niya ako ng mga mata. Natatakot na 'yan.

"No, it's okay. I understand, babe." Sagot ko at pinaikot ang aking mga mata. Pinadausdos niya ang kaniyang kamay sa beywang ko at hinila paupo sa tabi niya.

"I ordered cappuccino for you." Tinulak niya sa harapan ko ang isang cup. Ngumiti ako sa kaniya, "Oh? Hector, you're here? Sinong kasama mo?" kinakabahan nitong tanong. Pinagsaklop ko ang mga daliri naming dalawa na ikinalaki ng mga mata niya. Hihilahin na sana niya pero hinigpitan ko.

"Yeah, actually, I am with your girlfriend, Sam." Nakita ko na naman ang paggalaw ng panga niya at umupo sa harapan ko. Napaiwas ako ng tingin.

Kinuha ni Hector ang cappuccino sa harapan ko, "Hindi siya umiinom nito. She prefer milk than anything," matigas niyang sambit. Napalunok ako.

"N-no, mara--mi na ang nagbago, Hector. Iba na ngayon ang gusto ko," nauutal kong pagtutol sa kaniya. Malutong akong napamura ako sa isip ko.

Napatingin siya sa kamay naming dalawa na nasa ibabaw ng mesa. Ngiting matagumpay.

"O-oo, tama siya, Hector. At isa pa, we're almost two yea---rs in a relation----,"

Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang gulat. Tumama ang kamao ni Hector sa pisngi niya at natumba siya upuan nito.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Sam!"

Bago ko pa malapitan si Sam ay agad akong hinila ni Hector sa likuran niya. Pinuntahan niya ito na nakatumba. Hindi pa si Sam nahimasmasan ay kwenelyuhan siya ni Hector.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon