Chapter 19

9.2K 186 19
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang matipunong lalaki sa harapan ko. Inihahanda niya ang mga pagkaing niluto kanina. Ibang-iba ang mukha niya ngayon kaysa noong nakaraan na seryoso at walang ekspresyon.

"What are you staring at, Eli?" he asked. His one side of lips lifted up.

Napasandal ako sa likuran ng upuan ko, "Wala naman, Hector," sagot ko sa kaniya. I nibbled my lower lips.

Nilapag niya ang pinggan sa harapan ko. Nilapit niya ang mukha sa gilid ng labi ko, "Ah-huh? Really?" he asked playfully. The amusement in his voice.

Mahina akong tumawa, "Wala nga, bakit ba? Masama bang pagmasdan ka?"

Pinatakan niya ako ng halik sa ulo bago nilagyan ng pagkain ang pinggan ko, "Wala naman, gusto mo ba 'to?" tanong niya habang hawak ang mangkok na may lamang ulam. He cooked potchero.

Tumango ako, "Yeah! Mukhang masarap naman, as usual. Ang sarap mo naman talaga magluto," sabi ko sa kaniya. Nilagyan niya ako nito.

"Talaga? Akala ko masarap ang nagluto?"

Umuwang ang mga labi ko habang nililingon siya. Lumawak ang ngiti kong ng makita siyang matamis na ngumiti at magkibit-balikat.

"That's unusual of you, Hector. Ngayon ka lang bumanat ng ganiyan," I said surprisingly. Parang hindi ko naman naalala na nagsabi siya ng mga ganiyan. He is serious type of man, serious like pati mukha niya.

Naglakad ulit siya para kuhanin ang juice. He poured it on my glass, "Parang hindi naman, Eli, I am like this," sabi niya.

Naghila siya ng upuan niya matapos maglagay ng pagkain sa'kin. Umupo siya sa tabi ko. Siya naman ang naglagay sa sarili niyang pinggan.

"Like that? Ang seryoso mo kaya!" tumaas ang boses ko sa kaniya. Pero hindi naman ako galit.

Umismid siya, "Because that's your first impression on me, Eli. Tumatak na kasi 'yan sa utak mo," tugon niya sa'kin.

Bigla ko namang napagtanto na parang may point naman siya. Mahina akong tumango at nagsimulang kumain, "Siguro nga gano'n 'yon."

"Anyways, mamaya nasa library ako ah? Baka hanapin mo ako."

"Sige, ano ba ang gagawin mo?" kuryoso kong tanong.

"Magta-trabaho ako, may kailangan akong i-check lalo't malapit na akong babalik na ako sa trabaho," seryoso niyang sagot.

Pinaglaruan ko ang aking hawak na tinidor, "O, sige. Magpapahinga na lang ako," mahina kong sambit sa kaniya.

"Don't be mad, okay?"

Mariin akong tumango, "I won't. Malapit na palang umuwi si daddy, paano tayo?" nag-aalala kong tanong sa kaniya. Aaminin ba namin kaagad? "Babalik ka na sa trabaho mo 'di ba?" tipid akong ngumiti sa kaniya.

I heard him sighed, "Pupuntahan naman kita dito, Eli. I promise that," sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Good thing that I am still on his time slot.

"Thank you. Paano kapag naging busy ka?" tanong ko ulit.

"I'll make it up to you then. I'll make time for you, Eli. Don't think about it," sabi niya. He gave me an assurance smile so I nodded my head.

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na niya ang mga pinggan. Sinamahan ko siya sa kusina habang hinihintay siyang matapos. Paano na lang kung magkatuluyan kami? Eh, hindi ako marunong gumawa ng gawaing bahay. Ngumuso ako at nilagay ang dalawang palad sa magkabilang pisngi.

"Why are you frowning? Sabi ko naman sa'yo, okay lang ako dito," sabi niya.

"Hindi naman gano'n 'yon. Hihintayin kitang matapos para sabay tayong pumunta sa taas," tugon ko.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon