Kahapon ay hindi kami nagkakausap ni Hector. Nahihiya ako sa kaniya. Kapag gumagawa siya ng gawain sa bahay ay umiiwas ako. I didn't know how to talk and interact with him.
Pababa ako ngayon mula sa kwarto. I am hungry so I need to eat breakfast. Nanatiling tahimik ang bahay at hindi ko alam kung nasaan siya. Deretso akong pumasok sa dining at nakitang nakalatag na ang mga pagkain sa mahabang mesa.
Nagmadali kaagad akong umupo at kumuha ng pagkain.
"Waahh! Adobo!" sigaw ko dahil sa pagtili. Napapalakpak ako dahil sa excitement. Mabuti pa siya marunong magluto. Katakam-takam tingnan.
Agad kong tinikman ito. Nanlaki at kuminang ang mga mata ko sa sarap, "Oh my! I love this!" I blurted out. Tamang-tama lang ang timpla, I love its sweetness and sour, "Hmmm..."
Nag-enjoy ako sa pagkain hanggang sa maubos ko ang kanin na nailagay sa pinggan. Hindi ako puweding magpadami ng pagkain. I want to be physically fit.
Bukas na ako maggyy-gym. Pagkatapos kong kumain ay agad akong tumayo. Naisipan kong tingnan kung nasaan si Hector.
Curious lang ako!
I walked out from dining. Nasaan ba kasi siya? Pasilip-silip ako sa pamamagitan ng glass window na kita ang nasa labas. Parang hindi ko naman siya makita sa labas.
Umirap ako umayos ng lakad ng bigla akong mabunggo sa bulto ng tao. Nataranta kaagad ako at umatras.
"S-sorry- sorry po," sabi ko sa kaniya. Napakagat-labi ako ng makitang isa ito sa mga bodyguard ni Dad.
Nagtataka itong tumingin sa'kin. Nanatilinh seryoso ang mukha niya, "Okay lang ba kayo, ma'am? Natakot ko po ba kayo?" tanong niya sa'kin.
"Kuya, okay lang ako," sagot ko sa kaniya. Akala ko kasi si Hector kaya kinabahan ako. Napalunok ako at umiwas ng tingin, "Kuya, may itatanong ako sa'yo." Napakamot ako ng ulo.
"Ano po 'yon, ma'am?"
Sumenyas ako na lumapit siya sa'kin, "Kuya, ibubulong ko lang ah?" ngumisi ako, "'Wag mong sabihin sa iba," dagdag ko na may halong pagbabanta. Baka kasi ano ang sabihin nila.
Lalo siyang nagtaka sa'kin. Nilapit niya ng tenga niya, "Nasaan si Mr. Montenegro? May kailangan kasi ako sa kaniya, eh," sambit ko at saka tinikom ang bibig.
Tumingin siya sa labas, "Nasa garden ata siya, ma'am. Sa tingin ko ay inaayos niya ang mga bulaklak doon," sagot niya, "Gusto niyo po ba tawagin ko siya?" tanong niya.
Agad akong umiling sa kaniya kasabay ng kamay ko. Sa sobrang bilis ay tumaas ang kilay niya sa'kin.
"Hindi na, Kuya! Naku, maaabala pa kita. Ako na ang bahala," sabi ko sa kaniya. I give him a wide smile.
"Okay lang po, ma'am. Wala naman po akong ginagawa," aniya at akmang aalis kaya agad ko siyang pinigilan sa braso.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi puwedi, "Hindi na talaga, kuya. Kung ako sa'yo, magpapahinga na ako." Pamimilit ko sa kaniya. Ilang ulit akong huminga ng malalim at nginitian siya ulit nga malaki.
"S-sige po." Napakamot siya ng ulo, "Aalis na po ako."
I putted my hands behind my back while smiling widely. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng kitchen. Lumingon pa siya sa'kin kaya tumango ako at kumaway sa kaniya. Napakamot na naman siya ng ulo at dumeretso na.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa nang mawala siya sa paningin ko. Nagmadali kaagad akong lumabas sa bahay. The rays of the sun kiss my bare skin. I am only wearing a spaghetti strap and pajama pants.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...