Chapter 3

12.4K 267 16
                                    

Pasikot-sikot ako sa bahay at hindi ko siya makita. Nasaan ba kasi siya?

Bakit ko ba siya hinahanap?

I sighed. Biglang kuminang ang isip ko nang maalala ko ang library namin.

"Nando'n kaya siya?" pabulong kong tanong. Parang na-excite ako bigla. Mahina akong naglakad papunta sa taas ng hagdan. Malaki ang library na 'yon kaya nilagay sa second floor. Doon ako nag-aaral no'ng nagho-home schooled ako.

Pasipol-sipol akong naglakad. Ang library ay ilang kwarto pa ang layo mula sa kwarto ko. It has a wooden door.

Pagdating ko sa harapan ng library namin ay huminto ako. Kailangan ba makita mo siya araw-araw, Eli? Parang tanga. Umiling na ako at hinawakan ang sikadura ng pinto. Pinaikot ko ito at dahan-dahang binuksan. Una kong pinasok ang ulo ko para tingnan kung nasaan siya.

Parang nagkaroon ako ng mata ng lawin dahil sa sipat nito. Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng computer ko, sa kanilang parte ng shelf, may hawak siyang malapad na papel.

Mahina akong naglakad para hindi niya mapansin. Agad akong namili kunu ng librong babasahin. Puro naman mathematics ang libro dito. Lumipat ako sa kabilang parte, sa parti niya kaya napatingin siya sa'kin.

"Hector, andito ka rin pala?" tanong ko at ngumisi.

Nakatingin lang siya sa'kin, "Yeah, I am doing my work here. Ikaw? Why are you here?" tanong niya. Ni wala akong nakitang expression sa mukha niya.

"A-ano, magbabasa kasi ako ng libro. Alam mo naman ito lang 'yong naging past time ko," sagot ko sa kaniya. Kumuha ako ng libro na hindi ko naman alam kung ano pero sobrang kapal nito at ang bigat kaya nahirapan akong buhatin sa braso ko.

"Do you need help, ma'am?" tanong niya at tumayo mula sa upuan niya. Parang lumakas ang hangin na tumama ito sa buhok kong biglang lumipad. Napatingin ako sa kaniya. Her handsomeness. Nakita ko ang pag galaw ng panga niya, "Ma'am?" tawag niya sa'kin.

Agad naman akong natauhan at iniling ulo ko. Ano ba naman ako? Baka mapaghahalataan ako nito.

"O-oo, sige. Mabigat kasi, eh." Pagdadahilan ko. I tried to smile on him pero kinuha lang niya ang hawak ko at nilapag sa mesa na malapit sa kaniya. Dapat pala palagi siyang may dalang mabigat para gumanda lalo ang kaniya muscles.

Sumunod ako sa mesa, "Thank you," sabi ko sa kaniya.

"That's for architecture book," sambit niya. "Do you plan to study again?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata kong tiningnan ang malaking libro. Napakagat-labi ako. Sa sobrang dami ng libro dito 'yong para pa talaga sa architecture ang nakuha ko. Gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko dahil sa hiya.

Humarap ako sa kaniya na nakangiti, "Actually, nage-enjoy kasi ako sa mga ganito, eh. Gusto ko 'yong madami akong matutunan," sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa loob niyan.

"I think all of that ars floorplan and measurements, more on mathematical equation," sagot niya sa'kin at bumalik sa upuan niya.

Bigla akong nakaramdam ng pagtulo mula sa ilong ko kaya hinawakan ko ito. Sa laki ng pagkagulat ko sa sinabi niya ay dumugo ang ilong. Na-nosebleed ako! Measurements? Mathematical equation? Wahhhh!

"Oo, alam ko naman. Kaya ko nga kinuha 'to, eh." Umupo ako sa upuan. Bale one seat apart kaming dalawa.

"If you say so."

Kinakabahan akong binuksan ang librong hawak ko. Unang pahina pa lang ay may nakita na akong numero. Napapikit ako sa inis. Puwedi naman akong kumuha na lang ng literature na libro.

I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon