Sa sumunod na araw ay dumalaw ulit ako dahil inaya ako ni Hector na mag-date pero hihintayin ko ulit siya sa office niya. Sa hindi magandang panimula ay pumasok na naman ang demonyitang si Xia.
"Alam mo na ang laman ng folder?" tanong niya sa'kin.
Boring lang ako na sumadal sa swivel chair ni Hector, "Bakit ko naman papakialaman ang bagay na 'yon? Hindi naman akin 'yon!" sagot ko sa kaniya. Umikot ang mga mata ko sa inis. At oo, gusto kong malaman ang sinasabi niya pero hindi ako nangingialam ng gamit ng iba.
Sumandal siya sa pintuan, "Para malaman mo ang totoo! Ikaw na nga ang tinutulungan," sabi niya. Umismid siya at ipinag-ekis ang mga braso sa gitna ng dibdib, "Sige ka! Ikaw din, baka magsisi ka sa huli."
Iniwanan na naman niya ako ng isang bomba. Parang ako na ang bahala sa bomba na magtapon para sumabog ito. Ano ba ang sinasabi niya?
I sighed heavily. Hinawakan ko ang handle ng drawer para buksan ito at binitawan din kaagad. Napakagat-labi ako.
"Bakit naman ako kinakabahan? Baka pinagtitripan lang ako ng babaeng 'yon!" sabi ko sa sarili. Bakit ba gustong-gusto niyang makita 'to?
"Wala namang masamang tingnan, Eli." Napatampal ako sa sarili. Ano ba ang ginagawa ko? Umiling ako, "Hindi, hindi ko bubuksan 'yan."
Huminga ako ng malalim. Pero ang kamay ko ay parang may sariling katawan dahil sa kusang paggalaw nito para hawakan ulit ang handle. Nakakainis!
"Hindi! Ano bang ginawa..." Dahan-dahan kong hinila ang drawer palabas para buksan ito, "Ko...El---,"
"Love!" nagmamadali kong sinara ang drawer at tumayo. Sinalubong ko siya ng isang yakap.
Namawis ang noo ko dahil sa kaba pati na rin ang palad ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil parang hindi niya naman napansin 'yon.
"Are you okay? Mainit ba dito sa loob? You are sweating!" nag-aalala niyang tanong. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang noo ko. Napalabi ako, ang totoo ay may aircon dito sa loob kaya hindi naman puweding namawis sa lamig.
"Hindi naman, malamig nga, eh."
"Okay. Aalis na ba tayo agad?" tanong niya sa'kin. Umiling ako.
"Puweding hindi, kasi alam kung pagod ka. Magpahinga ka muna," sagot ko sa kaniya. My side lips lifted to give him my smile. Pinadausdos ko ang aking kamay mula sa braso niya hanggang sa kaniyang palad. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya hanggang sa upuan niya.
"Thank you, love. Come here, I wanna hug you," sabi niya.
Hinapit niya ang beywanhg ko habang nakaupo. Niyakap niya ang beywang ko ng mahigpit. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang aking mga daliri. His soft hair.
"Saan tayo magde-date, Hector?" I asked curiously. Hindi niya kasi sinabi sa'kin.
"Hmmm...secret, malalaman mo mamaya. Pero hindi naman gano'n ka layo," he answered. Mukhang ini-enjoy niya ang pagsuklay ko sa buhok niya.
I smiled secretly, "Bakit may secret? Date natin 'yon, eh," saad ko sa kaniya. Gusto ko din malaman dahil excited na ako. May date kaming dalawa.
"I don't want to spoil you, love. Malalaman mo din naman mamaya. Basta you will enjoy it."
Kuminang ang mga mata ko. Ano-ano na ang nai-imagine kong date namin. Saan kaya? Ehh...parang ito palang ata ng naging date namin dito. Agad na tumikom ng bibig ko dahil sa pigil na ngiti.
"Excited na ako! Pero sana naman hinayaan mo akong sumuot ng magandang damit!" naiinis kong sambit sa kaniya. Nakasuot lang kasi ako ng jeans at t-shirt.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Hot Maid(COMPLETED✔)
RomanceWarning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang substitution para maging maid sa mansion ng mga Reyes sa loob ng isang buwan. Elizabeth Reyes, she is a...