Seventh Changed
Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula nung malaman kong anak pala ng amo ni Nanay si Stephen. Wala naman sa akin yun, hindi din naman kasi ako pinapansin nun. Minsan nakakasabay ko sya sa pagpasok pero hanggang dun na lang yun. Kapag magkakasalubong naman kami sa loob ng bahay ay wala lang di katulad ni Kuya Steven na sobrang kulit. Pero hanggang ngayon pa rin ay nagtataka ako kung bakit si sya nagsasalita. Tinanong ko kay Nanay pero ayaw nya sabihin sa akin, gusto kong itanong kay Kuya Steven pero nahihiya ako.
Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan ng maramdaman kong parang may dumaan sa likod ko. Lumingon ako pero wala akong nakita kaya kumunot ang noo ko. Binalewala ko na lang at muling itinuon ang tingin dun sa niluluto ko. Maya-maya konti ay parang may kumakaluskos naman dun sa may ref, yung parang may hinahanap? Napatigil ako sa ginagawa ko at nagsimula ng tumayo ang mga balahibo ko. Hindi ako matatakutin na tao pero ewan ko kung anong meron ngayon.
Hinanaan ko yung apoy ng niluluto ko at hinawakang mabuti yung sandok na hawak ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kung saan nandun yung ref.
May nakita akong hindi pamilyar na lalaki na parang may hinahanap sa loob nung ref.
"Si-sino ka!" sigaw ko sa kanya. Lumingon naman sya at nanlaki yung mata ko nung makitang si Stephen sya. Kumunot ang noo nya pero agad din nyang ibinalik yung tingin dun sa loob ng ref.
You're always starring at me. You're creppy. Muling nanlaki ang mga mata ko nung makitang nakaharap sa akin yung sketch pad nya at yan ang nakasulat. Wala na pala sya sa may ref, nasa lamesa ba sya at nakain ng mansanas. Ito ang unang beses na kinausap nya ako, kung paguusap ba ang tawag mo dun.
"Ako creppy?" bulong ko. Creppy ba ako? Parang di naman.
Nakita kong inalis nya yung takip ng marker nya at muling nagsulat.
Yes, you are.
P.S: Sunog na yung niluluto mo.
Agad naman akong napatakbo sa may stove para tignan yung niluluto ko. Shemms nakalimitan ko, lagot ako neto kay Nanay eh.
Pagdating ko dun ay nandoon si Kuya Steven at hinahalo yug niluluto ko. Naramdaman nya siguro yung presensya ko kaya lumingon sya.
"Mukhang madami na naman akong makakain ngayon Dana, ang sarap mo talagang magluto!" sabi nya sa akin habang nakangiti ng malaki. "Hey Kiddo!" tawag nya pero hindi sya sa akin nakatingin. Napailingon ako sa likod ko at nandun na pala si Stephen.
I'm going up.
Basa ko dun sa sinulat nya. "Ok" sagot naman ni Kuya Steven na busy pa rin dun sa niluluto ko. Lumapit ako sa kanya at hinila sya paalis dun sa niluluto ko. Kapag pinabayaan ko kasi sya eh walang makakain mamayang hapunan dahil napapak na nya.
Pagkatapos kong maluto yung mga pagkain ay naghanda na si Nanay at tinawag na sila. Kanina, kaka-akyat lang ni Kuya Stephen pero nasa lamesa na sya ngayon.
"Steven,where's Stephen?" tanong sa kanya ni Mam Saira habang naupo ito. Tumigil muna sa pagsubo ng kanin at ulam si Kuya Steven bago sumagot.
"Nasa taas pa ata Mom" sagot nya. Tumango si Mam Saira at tinignan ako.
"Dana, can you do me a favor? Please call Stephen, pakisabi kakain na" utos nya sa akin. Tumango naman ako at nagsimulang umakyat.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"