Epilouge

4.4K 209 47
                                    

Epilouge

Sabi nila 'Change is the only Permanent thing in this World'. Na kahit anong gawin mo ay hindi mo mapipigilang may magbago sayo at sa mga nasa paligid mo. Na kahit umiwas ka ay pipiliin ka pa rin ng tadhana para maranasan mo ang pagbabago na iyon.

Wala naman talaga akong balak na pumunta sa lugar na alam kong magiging iba ang tingin sa akin. Masyadong iba ang Maynila para sa akin na lumaki sa probinsya, pero naisip ko na kaya nangyari ang mga bagay na iyon ay para makilala ko rin ang sarili ko.

Marami akong nakilala na bumago sa buhay ko. Unang-una ang Bangtan na tinuring akong kaibigan, si Cherry na palaging nandyan para sa akin. Si Jimuel na akala ko masama pero sya pa palang poprotekta sa akin. Si Mark, na naging dahilan kung paano ko narealize na gusto ko yung taong naging malaki ang bahagi sa pagbabago ng buhay ko, Si Stephen.

Hindi ako yung klase ng tao na nangingielam sa buhay ng may buhay pero simula nung makilala ko sya ay palaging may SINO at BAKIT na naglalaro sa isip ko. May mga tanong na gusto kong magkaroon ang sagot. Pero hindi ko din alam na sa kagustuhan kong magkaroon ng kasagutan ang mga tanong sa isip ko ay may isa pa akong mararananasan na isang bagay, ang masaktan.

Masaktan dahil sa bawat paghahanap ko ng kasagutan ay nahuhulog na pala ako sa kanya. Kaya pala sa tuwing ngumiti sya at bumibilis ang tibok ng puso ko at sa bawat pagsasalita nya ay tumitigil ang mundo ko. Pero sa bawat nalalaman ko tungkol sa nakaraan nya ay may bumabaon sa dibdib ko na kung ano na nagiging dahilan din ng pagsikip ng dibdib ko at pagtulo ng mga luha ko.

Akala ko magiging maayos na ang lahat kapag nasabi ko na yung nararamdaman ko sa kanya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay pareho pala kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. Pero hindi pa pala, siguro nga may mga bagay talaga na hindi para sa akin, kagaya nya.

"Sabi ko matulog ka na di ba?" naparoll eyes ako dahil sa sinabi ng isang epal na lalaki dyan sa tabi-tabi.

"Mamaya na, matatapos ko na to" hirit ko. Paano kanina pa nya ako pinapatulog eh hindi pa nga inaantok yung mga mata ko tsaka gusto ko ng tapusin tong ginagawa ko para wala na akong gagawin sa susunod.

Lalo pa ngayon at malapit na.

"It's already 9 o'clock Dana" yung tono ng boses nya halatang naiinis na. Nakaka-inis talaga tong lalaking to, kapag gusto kong matulog palagi akong ginigising tapos ngayon gising ako pinapatulog naman ako. Hindi ko na lang sya pinansin at ipinagpatuloy yung pagtatype sa laptop ko.

Tumahimik naman sya kaya akala ko okay na, akala ko lang pala yon. Naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko at paglingon ko nakita ko sya na masama ang tingin sa akin. Nginitian ko sya para magpacute pero walang epekto kasi.

"Naman Stephen, malapit ko na kayang matapos yun eh! Wala pa namang auto recover dyan sa laptop ko!" inis na sigaw ko sa kanya. Sinarado ba naman yung laptop ko, eh nagloloko na yun kasi matagal na.

"I told you to sleep right? But you are not listening to me!" asik nya. Gusto ko tuloy umiyak, kapag nawala lahat ng tinype ko patay sya sa akin.

"Malapit ko na--"

"Shhh stop. I don't want to hear your excuses. Now get up from that chair and go to sleep." pagpuputol nya sa sasabihin ko. Ang sama-sama talaga sa akin ni Stephen, nakaka-inis sya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa kama namin at humiga. Nagtalukbong ako ng kumot para hindi ko sya makita.

Maya-maya ay naramdaman kong umupo sya sa gilid ng kama kung nasan ako.

"Hey, I'm sorry. I didn't mean to disturb you while you were writing its just, its already 9 o'clock and you need to sleep. I don't want our baby to have big eye bags like yours" inalis ko yung kumot na nakatalukbong sa akin at tinignan ko sya ng masama.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon