Twenty-Eight Changed
"Wag kayong mag-away. Bad yun"pangaral ko sa dalawang batang lalaki na naabutan naming nag-aaway kanina. Wala kasi kaming teacher dahil may General Meeting sila ngayon kaya naisipan namin ni Cherry na maglibot-libot hanggang sa makarating sa Elementary Department. Nakita namin na tinulak nung mas matangkad na bata yung batang maliit kaya nadapa ito at nagkasugat sa tuhod.
"Sya po yung nauuna huhu" sumbong nung batang maliit habang nakaturo dun sa batang matangkad na hawak ni Cherry ngayon. Tinulungan ko yung batang tumayo at inupo ko sya sa may swing sa malapit. Inilabas ko yung panyo ko at pinunasan ng dahan-dahan yung sugat nya. Pagkatapos kong punasan yung sugat nya ay nilagyan ko yung ng band-aid. Buti na lang at parati akong may dalang band-aid sa bulsa ng palda ko.
Narinig kong pinapagalitan ni Cherry yung batang hawak nya. Pagkatapos nun ay lumapit sa amin si Cherry kasama yung bata at nagsorry ito. Agad naman syang pinatawad nung batang kasama ko. Magka-akbay silang umalis sa harapan namin. Nakakatuwa lang silang dalawa.
Nung maka-alis na sila ay nagyaya si Cherry na kumain kaya nagpunta kami ng Cafeteria. Naunang maglakad si Cherry dahil nakita nya si Colene habang ako naman ay nakasunod lang sa kanila.
"Dana" agad akong napalingin nung marinig ko yung boses na iyon. Galing yun sa isang taing gustong-gusto kong makita ngayon. Nakalagay ang dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon habang nakasandal sa isang puno. Nakangiti nya pero nakikita ko na naman ang mga lungkot sa mata nya. Lumapit ako sa kanya at mas lumaki ang ngiti nya kasabay nun ang mas paglungkot ng mga mata. Ayoko ko syang nakikitang ganito. Gusto ko yun nakangiting sya at walang lungkot sa mga mata nya.
"Jimuel" tawag ko sa kanya. Kinuha nya yung isang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya. Pati boses nya malungkot. Gusto kong magtanong pero walang nalabas sa bibig ko. Tumango ako bilang sagot saka kami naglakad.
Nakarating kami sa rooftop. Naalala ko tuloy noong umamin sya sa akin dito. Ipinatong nya yung dalawang kamay nya sa railing at tumingin sa kawalan. Ganun din ang ginawa ko. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, parang may mangyayari.
Katahimikan ang naghari sa aming dalawa, walang gustong magsalita. Ang markrinig lang ay ang malakas na ihip ng hangin na halos tangayin na buhok ko.
"Dana" tawag nya sa akin kaya napatigil ako sa pag-aayos ng buhok ko. Humarap sya sa akin at tumingin sa mga mata ko.
"I miss you"napa-iwas ako ng tingin matapos nyang sabihin yon. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko.
"You don't have to say something, I just want you to know that I missed you" dagdag nya pa. Bumalik sya sa mga railings habang aki nakatingin pa rin sa ibaba.
Guilt
Naguguilty ako kasi wala akong masabi sa kanya. Sya yung palaging nandyan para bantayan ako, para protektahan pero ano? Walang akong magawa para ibalika yung kabutihan nyang yun.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"