Tae Joon Min

4.1K 170 82
                                    

Tae Joon Min

"Taejoon!" Galit na sigaw ni Stephen habang nauunang maglalakad sa kanya papasok ng bahay si Taejoon. Nakasabit sa balikt nya ang polo nya at may bangas ang mukha nya.

Agad akong lumapit sa kanya at tinignan ang mukha nya, putok ang labi nya at may sugat din ang kilay nya. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot, inalis nya ang kamay kong nakahawak sa mukha nya at umakyat nasa taas.

Nilingon ko si Stephen at nakita kong napapa-iling na lang sya. "What happened?" Tanong ko, umupo si Stephen sa sofa at tumabi ako sa kanya.

"He had a fight with his classmate and right now it can't walk.  He's suspended for a week." Paliwanag nya sa akin. Napatingin na lang ako sa taas, sa kwarto ni TaeJoon.

Recently, palaging napapasabak sa away si Taejoon sa eskwelahan. Hindi ko alam kung bakit dahil kapag tinatananong ko sya ay hindi sya nasagot. Kagaya kanina, tumawag yung principal ng school nya dahil nakipag-away na naman sya. Buti na lang at nandito si Stephen dahil may sakit si Daphne kaya hindi ako pwedeng umalis ng bahay.

"Its about Erika, Dana" napatingin ako kay Stephen dahil sa sinabi nya.
When it comes to Erika, Taejoon was very sensitive. Naiintindihan ko naman na mahal na mahal nya ang Mama nya pero hindi maganda na nakikipag-away sya.

"Kausapin mo" sabi sa akin ni Stephen at hinawakan pa yung kamay ko. Tumango ako sa kanya at tatayo na sana ako ng hilain ako palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit.

"Stephen ano ba! Ayan ka na naman!" Asik ko sa kanya, maglalandi na naman to, tanda-tanda na eh napakalandi pa.

"Kiss mo muna ako, nakakapagod kayang makinig sa sermon ng principal nila" sabi nya sa akin at nakanguso na at nakapikit pa. Pitikin ko nga yun noo nya para matauhan sya.

"Dana!" Maktol nya,inalis ko yung pagkakayakap nya sa akin at agad umakyat sa taas.

Kumatok ako sa kwarto nya bago buksan ang pinto. Naabutan ko syang nakahiga sa kama nya at may naritinig akong mga hikbi.

"Umma, bogoshipo" mahinang sabi nya habang nagcacrack yung boses nya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at nakita kong hawak-hawak nya ang litrato ng Umma nya.

Siguro nga kailangan nya ng time para sa sarili nya sa panahong ito, nalaki na sya at alam kong mas maiintindihan nya ang nangyari sa Umma nya.

Lalabas na sana ako ng kwarto nya ng tawagin ny ako. Paglingon ko sa kanya ay agad nyang pinunasan ang mga luha sa mata nya. Napitan ko sya at umupo sa tabi nya, hinawakan ko ang kamay nya ay ngumiti.

"Pwede mong sabihin kay Umma lahat. Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya, hindi sya nakatingin sa akin pero kita kong namumuo na naman ang mga luha sa mata nya.

"They keeps on telling me that I was a disgrace in this family." Sagot nya sa akin. Mas hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Iyon ba ang nararamdaman mo?" Balik na tanong ko sa kanya, matagal bago sya sumagot.

"No, not at all" sagot nya at nailing pa. Hinawakan ko ang mukha nya at pinaharap sya sa akin.

"You're not a disgrace to this family and you will never be ok? Hindi man ako ang biological mother mo, kahit anong sabihin nila ako pa rin ang Nanay mo, anak kita at hindi mababago yun Taejoon-ah." Paliwanag ko sa kanya, pinunasan ko ang mga luha na pumatak na naman mula sa mga mata nya.

He's always been finding who is he. Madalas syang mabully dahil alam ng lahat na hindi ako ang tunay na nanay nya pero hindi nila alam ang dahilan kung bakit. Marami rin syang tanong tungkol sa Mama nya at willing naman kaming sagutin iyon ni Stephen. Pero hindi nya pa rin maiwasan na magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao.

Niyakap ko sya ng mahigpit, maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto nya at pumasok si Deniel sa loob.

"I don't know if you'll like this but Hyung, Happy Birthday" sabi nya sabay aboy ng isang paper bag kay Deniel, kinuha naman nya iyon at nagpasalamat. Matapos nun ay nagbrofist silang dalawang magkapatid kaya napangiti ako.

Matapos nun ay sumunod ma pumasok si Daphne na nakapanjama at may dala-dalang cake kasunod ang Appa nila.

"Happy Birthday Oppa! I'm sick but I managed to make you a cake" napangiti naman si Taejoon dahil sa sinabi ni Daphne. Inilapit ni Daphne yung cake na ginawa nya para kay Taejoon. "Make a wish Oppa!" Utos sa kanya ni Daphne. Pinunasan nya yung mukha nya gamit ang mga palad nya at saka pumikit.

Matapos ang ilang minuto ay dumilat sya at inihipan yung kandila na nasa ibabaw ng cake na ginagawa ni Daphne para sa kanya. "Yey! Ahjusshi na si Oppa!" Sabi ni Daphne kaya sumama ang tingin sa kanya ni TaeJoon. Kinuha yung cake na hawak nya at inilapag muna iyon sa mesa sa gilid. Tumabi si Daphne kay Taejoon at sinakal naman sya nito.

"Oppa! May sakit pa ako!" Asik nya.

"Magaling ka na, kung asarin mo ko eh parang wala ka ng sakit" Napatingin ako kat Stephen at nakita kong nakangiti sya habang nakatingin sa Kambal at kay Taejoon.

Lumapit ako sa kanya at binangga sya ng mahina dahilan para mapatingin sya sa akin. "Ibigay mo na" mahinang sabi ko sa kanya, tumango sya then lumapit sya sa mga anak nya.

"Pwede ba akong sumali?" Singit naman ni Stephen kaya natigil sa paghaharutan yung magkakapatid.

"Appa, mianhe" seryosong sabi ni Taejoon habang nakatingin kay Stephen.

"I just want you to know that you're not a nobody in this family. You're a part of this family and this family wouldn't be complete without you, arraseo?" Paliwanag ni Stephen sa panganay nya, tumango naman si Taejoon at may iniabot sa kanya ang Appa nya.

"Happy Birthday Taejoon-ah" sabi ni Stephen, nanlaki naman ang mga mata ni Taejoon ng makita nya kung ano yung iniabot sa kanya ng Appa nya, isang susi ng sasakyan.

Masaya nya iyong kinuha mula sa kamay ni Stephen at agad bumaba ng bahay para itesting ang sasakyang regalo sa kanya ng Appa nya. Sumunod naman sa kanya ang kambal kaya naiwan kami ni Stephen sa kwarto ni Taejoon.

Susunod na din sana ako sa baba ng pigilan ako ng Stephen. "Bakit?" Tanong ko, hinila nya ako papalapit sa kanya "18 na si Taejoon, malapit na ring mag-11 ang kambal baka naman pwede na natin silang sundan ulit?" bulong nya sa tenga ko.

--------------
Hello!

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon