Thirty-First Changed

3.6K 221 63
                                    

Thirty-First Changed

From: Stephen

I Miss you.

Agad akong napangiti nung mabasa ko yung message sa akin ni Stephen. Kanina pa sya text ng text ng ganyan samantalang kanina pa rin kami nagkakasalubong dito sa loob ng bahay.

To: Stephen

Sampung taong di nagkita?

Reply ko sa kanya. Wala pang isang minuto ay nagreply na rin sya kaya napatigil na naman ako sa pagpupunas ng mga gamit nila.

From:Stephen

No, just 5 minutes and 46 seconds.

Sasagot na sana ako ng paluin ako ni Nanay.

"Mamaya na yan oy. Tapusin mo muna yang ginagawa mo. Tong mga batang to, kala mo sampung taong di nagkita." sita ni Nanay sa akin. Halos kalahating oras na rin ako sa salas pero hindi ko pa natatapos magpunas. Dati naman sampung minuto lang to sa akin.

Ibinulsa ko yung cellphone ko at nagsimula ulit na magpunas.

Maya-maya ay naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. Pinigilan ko yung sarili ko na huwag kunin dahil kapag ginawa ko, malamang sa malamang hindi ako makakatapos.

Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko kasabay nun ang pagvibrate rin ng cellphone ko. Napa-roll eyes na lang ako, hindi talaga sya marunong makaramdam.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at pinatay para wala ng istorbo. Inilapag ko yun sa center table para madali kong maalala mamaya.

Hindi ko alam kung ilang oras rin kami naglinis ng buong salas ni Nanay. Pinabago kasi ni Mam Saira yung mga pwesto ng furnitures kaya natagalan kami.

Kasalukuyan akong nainom ng tubig ng sumulpot si Stephen sa harapan ko at ipakita sa akin yung patay kong cellphone.

"Why are you not answering my text and calls and why is you cellphone off?" tanong nya.

"Lowbat" maikling sagot ko pero mukhang hindi sya kumbinsido. Pinindot nya yung button sa gilid at bumukas yung cellphone ko.

"Yeah right, its lowbat that's why it still 85%" sarkastikong sabi nya habang ibinabalandra sa mukha yung percent ng battery ng cellphone ko. Kinuha ko yun mula sa kamay nya at ibinulsa.

"Marami akong ginawa ok? Sorry na" sabi ko at nagsimula an akong maglakad palabas ng kusina.

"Apology not accepted"

"And why Mr. Stephen Min?" muli akong humarap sa kanya at nagcross-arm pa. Minsan talaga immature tong si Stephen.

"Say the three words first" demand nya na nagpalito sa akin. Anong three words?

"C'mon I'll teach you say I" sabi nya tapos inakbay ako.

"I" ako naman si tanga, sumunod.

"Love"

"Love"

"You"

"Myself too" isang matalim na tingin ang nakuha ko mula kay Stephen nung marinig nya yung sinabi ko. Naintindinhan ko na rin kasi kung ano yung three words kaya napagtripan ko na naman sya.

Inalis nya yung kamay nya mula sa pagkaka-akbay sa balikat ko at magkasalubong ang kilay na lumabas sa kusina samantalang ako ay naiwan na tawa ng tawa. Ang epic kasi ng pagmumukha nya eh.

At dahil sa kalokohan ko kanina ay maghapon akong hindi pinansin ni Stephen. Ilang beses akong nagtry na lapitan at kausapin sya pero ang lolo nyo todo maka-iwas.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon