Ninth Changed
Agad silang lumapit sa amin at pinuntahan si Jimuel. Hanggang ngayon ay nakasandal pa rin sya sa balikat ko. Si Jimuel pala tong humila sa akin.
"Hyung!" sabi ni Jimin tapos tinapik ng mahina si Jimuel sa pisngi nito. Halata sa kanila ang pag-aalala. Lumipat yung tingin nila sa akin.
"Dana?" tanong ni Jimin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" dagdag nya pa.
"Hinatak ako ni Jimuel dito kasi may naghahabulan kanina." nagtaka ako nung makita ko syang napa-iling.
Inilawan ni Jungkook yung mukha ni Jimuel at nakita kong kumunot ang noo nya.
"Shit!" mura nya tapos napahawak pa sa sintido nya.
"Hyung nandito na naman sila" sabi ni Jungkook kay Jimin at nakita kong nag-iba din yung aura ng mukha ni Jimin.
"Gagung mga yon, wag talaga silang papakita sa akin" sabi ni Jimin na para bang nagbabanta. Inakay nila si Jimuel na nawalan ata ng malay dahil kanina.
Nung palabas na kami ay biglang hinawakan ng mahigpit ni Jungkook ang isang kamay ko.
"Huwag kang bibitaw kahit anong mangyari ha?" paalala sa akin ni Jungkook. Kahit nagtataka ay tumango na lang ako.
Akay-akay nilang dalawa si Jimuel habang yung isang kamay ni Jungkook ay nakahawak sa akin. Madilim na pala at wala ng tao sa loob ng school.
Malapit na kami sa may gate ng bigla may humarang sa aming mga lalaki. Naka-itim sila at may takip yung mga mukha.
"Sabi na't nandito pa yang si Jung eh" sabi nung lalaking nasa gitna. Nakakatakot yung boses nya. Naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak ni JungKook sa kamay ko at itinago nya ako sa likuran nya.
"Hindi ka pa rin talaga nadadala eh no?" mayabang na tanong ni Jimin dun sa lalaki kanina. Narinig ko yung paglakad nya. Mas matangkad kasi sa akin si Jungkook kaya hindi ko makita kung anong nanyayari sa unahan.
"At mukhang may kasama pa kayo ha?" narinig kong tanong nya kaya napasiksik ako sa likuran ni Jungkook.
"Wag nyo syang idamay dito" sabi ni Jungkook pero tumawa lang yung lalaki. Naramdaman kong may humawak sa isang kamay ko at hinila ako.
"Jungkook!" natatakot na tawag ko sa kanya. Hindi naman nya binitawan yung kamay kong hawak nya. Bale parang tug-of-war ang nangrarayari ngayon. Hawak ni Jungkook yung kanang kamay ko samantalang hawak nung isang lalaki yung kaliwang kamay ko at hinihila nya ako.
"Boss maganda!" sigaw nya kaya hinila ko rin yung kamay ko mula sa kanya pero mas malakas sya sa akin.
"Bitawan mo sya!!" sigaw ni Jungkook dun sa lalaki pero ngumisi lang ito.
"Dana, shit!" rinig kong sabi ni Jimin. Pilit ko paring hinihila yung kamay ko dun sa lalaki ng makarinig ako ng isang tunog kasabay nun ang pagkakabitaw ni Jungkook sa kamay ko at pagbagsak nya, dahilan para makuha ako nung lalaki. Inilagay nya yung kamay nya sa may leeg ko kaya natrap nya ako.
"Jungkook!!" sigaw ko habang pilit na kumakawala. Pagtayo kasi ni JungKook ay may dugo na sa labi nya. Hindi mabitawan ni Jimin si Jimuel dahil kapag iniwan nya ito mas mapapahamak lang ito.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"