Forty-First Changed
A/n: Totoo na talaga to
"Ayoko nga. Tinatamad ako" sabi sabay upo pero agad nya akong hinila patayo at tinignan ng masama.
"Sige na Dana! Ngayon nga lang ulit tayo gagala tapos ganyan ka pa. may kasalanan ka pa sa akin baka nakakalimutan mo" pangungumbinsi nya sa akin. Naparoll eyes naman ako saka hinila yung mga kamay kong hawak nya saka umupo. Ganun din ang ginawa nya.
"Naging boyfriend mo pala si Suga Min di mi man lang sinasabi. Ikaw pala yung babaeng inspirasyon nya sa paggawa ng magagandang kanta at ikaw pala yung babaeng matagal ko ng gustong kalbuhin!" napatingin ako sa kanya at nakita kong gigil na gigil ang pagmumukha nya kaya napakunot naman ang noo ko.
"Alam mo Michelle umuwi ka na at baka ikaw ang makalbo ko" masungit na pagpapaalis ko sa kanya.
"Aalis lang ako kung sasama ka sa akin sa concert ni Suga mamaya" kondisyon sabay beautiful eyes, napangiwi ako.
"Magsama kayo ni Vincent" Paano ang loka binigyan na ni Vincent ng VIP ticket para sa concert ni Stephen mamaya ay gusto kasama pa ako. Alam naman nya kung anong nagyari sa amin NOON ng idol nya, nang-aasar ata to.
Tumayo ako mula sa sofa at pumuntang kusina para uminom ng tubig. "Seriously Dana, bakit kayo nag-break?"
Napahinto ako pag-inom at napatitig sa basong hawak ko."Hindi nagwork ang relationship nyo? Or may 3rd party?" dagdag nya pa.
"None of the above, Michelle kaya please stop talking non-sense" inilagay ko yung basong hawak ko sa gitna ng lababo saka bumalik ulit sa salas ng apartment ko.
"Eto naman nagtatanong lang galit ka agad eh." lambing nya sabay hawak sa mga braso ko at nginitian pa ako ng matamis. Naparoll eyes naman ako.
"Uwi" maiksing sabi ko habang inaalis yung kamay nya kaya napapout sya.
"Samahan mo na kasi ako, sayang naman tong mga ticket ko oh" pangungumbinsi pa rin nya sa akin. Si Michelle talaga parang si Cherry lang. Kung anong gusto nya dapat nakukuha nya.
"Bakit di si Vincent ang isama mo?" tanong ko. Total si Vincent naman ang nagbigay ng ticket sa kanya eh doon sya magpasama.
"Ayoko nga" sagot nya agad." Busy daw sya mamaya" may bitterness sa tono ng boses nya.
"LQ agad?" tanong ko. Syempre hindi naman ako papatalo kung asaran lang ang usapan.
"Shut up Dana, kayo ni Suga Min ang usapan dito hindi kami ni Vincent" tignan mo to, kanina sya tong malakas mang-asar tapos ngayon ako ang nang-asar sa kanya mapipikon.
"K.Dot" tumahimik sya matapos kong sumagot. Inilabas ko yung cellphone ko at tinignan kung may nagtext ba. Sa pagkaka-alam ko ay ngayon ang release ni Seojin mula sa ospital. Isang linggo at kalahati rin syang naconfine dahil sa pagkakabundol sa kanya.
"Pero di nga Dana, bakit kayo nagbreak?" akala ko tapos na sya sa bagay na yon hindi pa pala.
"Kasi may mga bagay na kahit anong higpit ng kapit mo ay dudulas at dudulas mula sa pagkakahawak mo"
------
"Suga! Suga! Suga!"
"Oppa! Saranghae!!"
"Whaaa!!!"
Halos hindi ko marinig ang sarili ko dahil sa lakas ng sigawan dito sa concert ni Stephen. Kahit na nasa unahan na kami ay pakiramdam ko sasabog ang mga ear drums ko dahil sa mga sigaw nila. Hindi ba sila napagod? I mean hindi pa kasi nalabas si Stephen mula sa backstage ay ang lakas-lakas na ng sigawan nila.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"