Eleventh Changed
Matapos kaming sigawan ni Minah ay narinig ko na naman yung pang-aasar ng ma kaklase namin sa amin ni Stephen. Hindi ko lang pala guni-guni yung pagtawa nya, nakita rin nila ay ayun todo sila kung mang-alaska.
Hindi ko alam kung paano namin natapos ni Stephen yung natira kasi sumeryoso sya ulit, ako naman nakaramdam ng akwardness kaya tumahimik na lang din ako.
Para pala sa play ng ng First Year students yung ginawa naming background. Ewan ko bakit kami nadamay sa paggawa ng nga props nila, di ba dapat sila nagawa nun? Anyways ok lang kasi may extracurricular activities naman kami dahil dun. Libre din kaming nakapanood, well yung section lang namin. Halos hindi ko nga rin naintindihan dahil daldal ng daldal si Cherry. Kesyo nabasa na daw nya yun sa libro at napanood sa DVD. Kesyo ang pangit daw ng make-up nung isang gumaganap pati pagpapawis ng kili-kili nung isang performer napansin. Hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya noon.
"Dana wag mong papabayaan si Stephen ha?" eto namang si Mam Saira kung makapagbilin kala mo di na babalik. Sabado ngayon at 4 pa lang ng umaga. Paalis sila Mam Saira dahil naospital yung Nanay nya na nasa probinsya at kailangan sya nito, isasama nya si Nanay para may kasama raw sya papaunta doon at may tutulong sa kanyang mag-alaga sa Nanay nya. Wala si Sir Ethan, out of the Country samantalang may Medical Mission naman si Kuya Steven. Wala rin yung ibang katulong dahil Day Off nila kapag Weekends kaya kaming dalawa lang ni Stephen ang ang maiiwan dito sa bahay. Kagabi pa nga bilin ng bilin tong si Nanay. Sabi kasi ni Mam Saira baka raw mga isang linggo silang mananatili doon.
"Opo" sagot ko naman sa kanya habang pipikit-pikit ng mata. Aba pasensya, sobrang aga pa kaya at hindi ito ang oras ng gising ko bastat sabado.
"Dana yung mga sinabi ko sayo wag mong kalimutan ha?" si Nanay naman ngayon. Sunod-sunod ang tango na ginawa ko.
"Yung perang panggastos nyo binigay ko na kay Stephen kagabi. Tapos kapag maagang naka-uwi si Steven sabihin mo na lang na nasa Lola nya kami ha?" paalala ulit ni Mam Saira. Ngumiti ako sa kanya kahit na hinihila pa rin ako ng antok. Pagkatapos malagay ni Mang Oscar yung mga dala nila sa likod ng kotse at umalis na sila.
Hinintay ko munang mawala sa paningin ko yung sasakyan nila bago ako tuluyan pumasok.
Pagkasarado ko ng gate aya agad akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin na dumaan. Naka pantulog kasi ako kaya manipis at madaling makapasok ang hangin. Tinakbo ko papasok ng bahay at muling ikinandado yung front door dahil maaga. Makakabalik pa ako sa tulog.
Napahawak ako sa dibdib ko ng pagharap ko ag nasa harapan ko na si Stephen at nagkukusot ng mata. Itinaas nya yung sketchpad nya
They already left?
Tumango ako bilang sagot. Tumalikod sya at nagsimulang maglakad paakyat sa taas kaya naglakad na din ako papunta sa kwarto namin ni Nanay. Agad akong humiga at chineck kung
naka set yung alarm clock sa gilid ng kama ko baka mamaya hindi ako magising mamayang 6. Nung masiguro ko na Ok na ay pumikit na ako.
Makukuha ko na yung tulog ko ng mapabalikwas ako ng bangon at malaglag sa kama. Naranig lang naman ako ng malakas na busina mula sa labas ng gate. Napakamot na lang ako ng ulo ko, baka may nakalimutan sila Mam Saira.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"