Twenty-first Changed
Paggising ko kaninang umaga ay may isang cute na teddy bear sa may study table ko. Meron syang hawak na purple na bulaklak. Hindi ko alam kung anong tawag dahil hindi naman ako mahalig sa mga bulaklak.
Paglabas ko sa kwarto namin ay may naipit sa door knob na bulaklak. Katulad din sya nung nakalagay sa teddy bear. Kinuha ko iyon at isinama dun sa maliit na vase kung saan ko nilagay yung mga bulaklak na nakuha ko kanina.
Pagdating ko sa may gate ng school ay tinawag ako nung guard at may ibinagay ulit na bulaklak na kagaya kanina. Tinanong ko kung kanino galing pero ngumiti lang sya sa akin.
Habang naglalakad ako papunta sa room ay patuloy akong nakakatanggap ng bulaklak na kulay purle. Nakakapagtaka kasi lahat sila ay binibigyan ako ng ganung bulaklak. May babae, lalaki pati yung mga elementary students at teachers! Mamatay na ba ako at binibigyan na nila ako ng bulaklak?
Pagdating ko sa room at agad kong binitawan yung mga bulaklak na hawak ko saka umupo sa upuan ko. Halos matabunan na ako sa dami nila.
"May kaaway ka ba?" bilang tanong ni Cherry kaya napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. Kaaway? May kaaway ba ako? Wala naman ha.
"Wala, bakit?" sagot ko sa kanya. Umupo sya sa upuan sa harap ko bago sumagot.
"Wala? Eh bakit ang dami mong purple hyacinth?" purle ano daw? Labyrinth? Asin?
"Purle ano?" balik na tanong ko sa kanya. Tinuro nya yung mga bulaklak na nasa desk ko.
"Ayan purple hyacinth yan. Meaning I'm sorry" paliwanag nya. I'm sorry? Si ano lang naman yung nagsabi sa akin nun kagabi eh. Pero imposible namang sa kanya galing yun.
"Humingi lang sya ng sorry ganun?" tumango naman si Cherry bilang sagot.
"Sorry? Feeling ko pinaglalamayan na ako dahil sa dami nyan eh!" napatawa naman sya sa sinabi ko.
"Pero sinong kaaway mo?" seryosong tanong nya. Umiwas ako ng tingin. Sya ba? Magka-away ba talaga kami?
"Wala" sabi ko. Tumayo sya at kiniliti ako sa tagiliran.
"LQ ba yan?" pangungulit nya. Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumigil.
Pagka-uwi ko sa bahay ay naabutan kong paalis si Nanay para mamalengke. Sasama sana ako kaso wala daw tao sa bahay kaya iniwanan ako.
Kasalukuyan akong nasa kusina ng may kumalabit sa akin. Paglingon ko si Kuya Steven lang pala. Nanlaki ang mga mata ko kasi ilang buwan din syang wala sa bahay dahil sa iba't-ibang medical mission na sinasamahan nya.
"Hi Dana namiss kita!" nakangiting sabi nya sa akin. Ngumiti din ako ng malaki kasi namiss ko rin yung kakulitan ni Kuya Steven.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"