Twenty-Seventh Changed
Dana's POV
Nagising ako dahil sa sinang ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kwarto namin ni Nanay. Dalawang araw na rin simula noong makalabas ako ng ospital. Sabi ng doktor ay dapat magpahinga pa ako pero nagpumilit na akong lumabas dahil nakakahiya naman kila Mam Saira dahil sila yung nagbabayad ng mga gastusin ko. At ngayon papasok na rin ako, isang linggo at kalahati yung hindi ko pinasok kaya ang dami kong hahabuling lesson at requirements. Nagmadalali akong tumayo at nagpunta sa banyo ng mapatigil ako dahil sa isang rosas na nakalapag sa study table ko. May nakadikit na yellow na papel kaya binuksan ko.
Good Morning.
-S
Yan yung nakalagay kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko feeling ko buo na tuloy yung araw ko.
Bago pa ako tuluyang malate ay inilagay ko yung sa malapit na vase at pumasok na ng banyo.
Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan ko ay lumabas na ako. Nagulat pa ako dahil pagmumukha ni Stephen yung bumungad sa akin. Kakatok ata sya kasi naka-angat yung kamay nya na parang kakatok.
"Bakit?" tanong ko. Tumikhim naman sya at hinawakan yung unahan ng kwelyo nya.
"Can you move faster? We're going to be late" masungit na sabi nya tsaka naunang naglakad. Nung nakarating ako sa may sala ay napatingin ako sa may malaking orasan doon.
6:15
6:15 pa lang pala pero kung makasabi sya ng malalate na kami akala mo 6:45 na. Sumunod ako sa kanya sa kusina at nakita kong naghahain sya.
Lumapit ako sa kanya at kukunin ko na sana yung hawak nya ng ilayo nya iyon sa akin.
"Sit down, I can manage" utos nya. Pero syempre hindi ako nagpatalo ako yung katulong dito tapos sya ang amo tapos sya ang maghahanda para sa akin. Di ba ang pangit tignan?
"Ako na, ikaw na lang ang umupo." sabi ko. Inilapag nya yung hawak nya tapos hinila ako tsaka pinaupo. Pagkaupo ko ay nilagyan nya ng kanin yung plato sa harapan ko kaya kinuha ko sa kanya pero gaya kanina ay pinigilan nya lang ako. Ang weird naman ni Stephen ngayon.
"Ako na, kaya kong hainan ang sarili ko" sabi ko pero patuloy pa rin sya. Ang dami nyang nilagay na kanin at ulam sa plato ko.
"I want to do this, just eat" sabi nya. Umupo sya sa katabi kong upuan at kumuha na rin ng pagkain. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasandok sya. Ganun pa rin naman yung mukha nya, poker face pwera na lang sa ilang galos at sugat na nagaling na rin. Tumingin sya sa akin at kumunot ang noo nya.
"What?"
"Ang weird mo ngayon" sabi ko. Anong meron? Di ko pa naman birthday di ba?
"You will eat or I will be the one who will feed you, choose" masungit na tanong nya. Hindi ko nalang sya sinagot at kumain na rin ako.