Second Changed

6.6K 283 65
                                    

Second Changed

Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa ako pinaglalamayan. Paano kanina ko pa ramdam ang mga malakutsilyong tingin ng mga bago kong classmates sa akin. Simula nung iwan ni Ilong yung baunan na may Cookies. Eto pa, hindi pa kasi sya nakuntento na iwan na lang yung baunan bumalik pa sya at ginulo yung buhok ko kaya kung kanina malakutsilyo lang yung tingin ng mga classmate ko eh naging itak na.

"Hi ako nga pala si Cherry" pakilala nung katabi ko kaya tumigin ako sa kanya at ngumiti.

"Dana" pakilala ko at ibinalik ko yung tingin sa blackboard.

"Naku wag mong pansinin yung mga yun ha? Insecure lang yun kasi panansin ka ni Jungkook" sabi nya. Ang daldal pala nitong si Cherry.

"Bakit? Sikat ba sila dito?" tanong ko. Di ba ganun yun kapag sikat madaming fangirls tapos kapag nilapitan ka, ikaw yung aawayin?

Ngumiti sya at inilagay yung mga kamay nya sa lamesa. "Oo, sikat na sikat" Sagot nya.

"Bakit artista ba sila?" tanong ko ulit, tumingin naman sya sa akin ng nagtataka tapos bigla syang tumawa.

"Haha, di sila artista. Sila kasi yung Dance Troupe ng school at magagaling sila" paliwanag nya. Tumango naman ako. Ah sayaw, magaling silang mag sayaw.

"Mamaya may performance sila sa Orientation, panuoorin natin!" masayang sabi nya. Sa tingin ko tagahanga si Cherry nila Ilong.

Mamaya pang hapon yung Orientation na sinasabi ni Cherry kaya magkaklase pa kami ng isang subject.

Habang hinihintay namin yung teacher namin ay kwento lang ng kwento si Cherry kaya nakinig na lang ako. Maya-maya ay biglang may tumili kaya napatigil sya sa pagkuwento at pareho kaming napatingin sa pinto.

"Jimuel!"

"Shocks he's so Hot!"

May pumasok na isang lalaking nakangisi at nakalagay yung dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya.

"Jimuel hyung!" tawag ni Ilong dun sa lalaki.

Teka parang pamilyar sya?

"Hoy Jimuel si Stephen?" tanong sa kanya nung isang kasama ni Ilong. Sorry di ko pa sila kilala at wala akong balak.

"I don't know" walang gana nyang sagot tapos naglakad papunta dun sa pwesto nila Ilong.

"Hoy, natulala ka dyan?" pukaw ni Cherry sa atensyon ko. Napatingin naman ako sa kanya pero iniisip ko parin kung saan ko sya nakita.

Pamilyar talaga sya eh.

"Ha?" yun na lang ang nasabi ko sa kanya kaya tinignan nya ako ng parang may nagawa akong mali.

"Na Love at First Sight ka kay Jimuel noh?" asar na tanong nya sa akin kaya napakunot ang noo ko. Love at First Sight? La uso pa ba yun?

"Ano? Ni hindi ko nga alam kung sino yang Jimuel na sinasabi mo eh!" sagot ko sa kanya.

"Ayun oh! Yung lalaking pumasok kanina!" sabi nya tapos palihim na tinuro yung lalaking pumasok kanina.

"Naku ingat ka, gangster yan. Palaging nakikipag-away" dagdag nya kaya naalala ko kung saan ko sya nakita.

Sya yung lalaking natutulog dun sa abandonadong classroom.

Sa nalaman ko tungkol sa kanya, wala na talaga akong balak kilalanin ang grupo nila. Panigurado gugulo lang ang buhay ko.

Dumating na yung sunod na teacher namin kaya umayos na ang lahat para makinig.

"Bilis Dana, gusto ko sa unahan tayo para mas mapanood natin yung performance nila Jungkook" sabi ni Cherry sa akin habang hila-hila ako. Natakbo kami papuntang auditorium para dun sa Orientation for this school year.

"Teka lang Cherry nahihilo ako" angal ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan bagkus eh binilisan nya pa.

Pagdating namin sa Auditorium ay hinila nya ako papunta doon sa unahan na upuan at doon kami umupo.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong konti pa lang ang tao.

"Cherry wala pa atang program eh" sabi ko sa kanya habang nililibot pa rin yung tingin sa paligid.

"Mas ok na to kesa maunahan tayo no" sagot nya. Tumahimik na lang ako at umayos ng upo.

Mukhang tama nga sya dahil wala pang ilang minuto ang nakakalipas ay halos puno na yung Auditorium.

Nagsimula ng magsalita yung mga Head ng School. School Regulations, Policies, Punishment sa mga Lalabag and etc.

Pagkatapos magsalita ng Presidente ng school ay may tumunog na pangsayaw na music kaya sumigaw yung mga tao sa Auditorium kabilang na si Cherry.

Kanya-kanya sila ng tawag ng pangalan.

"Go Jimin!!!!" sigaw ni Cherry. Akala ko si Ilong yung gusto nya? Tsaka sino si Jimin??

"I know that all of you is waiting for this moment. So lets get the party started!! Let us all Welcome the BTS Academy Dance Troupe!! Bangtan Sonyeondan!!" sabi nung MC tapos mas lumakas yung sigawan. Naging Dim yung ilaw tapos may mga lalaking naglalakad papunta sa gitna nung stage.

Pagbukas nung ilaw ay para akong nakakita ng 7 Diyos na bumaba mula sa langit.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon