Twenty-Second Changed

4.5K 217 68
                                    

Twenty-Second Changed


Alam kung anong weird? Ako. Kanina pa kasi ako nakatitig dito sa message na natanggap ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang nahihirapan akong huminga tapos pinapapawisan ako kahit mahangin dito sa pwesto ko. 


Nakailang-ulit ako ng basa kung kanina galing yung message pero iisang pangalan yung nakalagay.


From: Stephen

Take Care :-)


Yan lang yung nakalagay sa message pero parang feeling ko ang haba-haba ng binasa ko.

Netong mga nakaraang araw palagi akong nakakatanggap ng mga ganyang mensahe galing sa kanya. Simula noong tanggapin ko yung cellphone na ibinigay nya ay nagsimula na syang magpadala ng message sa akin. Noon isang beses sa isang araw or dalawa pero ngayon di lalampas sa lima.


Pinindot ko yung Type message pero wala akong maisip na ilagay. Kung meron man agad kong buburahin.


"Dan-dan!" inexit ko yung messages ko saka tinago yung cellphone ko ng may tumawag sa akin. Nakita kong natakbo papalapit si Isay sa akin. Umupo sya sa tabi ko saka ngumiti.


"Musta?" tanong nya. Ngumiti din ako bago sumagot. Miss ko tong babaeng to.


Christmas break namin sa school at pinayagan kami nila Mam Saira na umuwi sa amin dahil pupunta sila sa Korea. Dapat isasama ako kaso sinabi ni Nanay na uuwi kami kaya next time na lang daw.


"Ok lang, ikaw? Nataba ka ah?" sagot ko sa kanya. Para naman syang kinilig nung sinabihan ko syang nataba. 


"Si Rem-rem kasi eh, araw-araw akong may chocolate" kinikilig na sagot nya. Ah kaya pala may lab layp.


Nagkwetuhan kami tapos nagpunta kami sa mga bahay ng dati naming kaklase. Lahat sila ay masayang nakita ulit ako, ako din naman kasi ilang buwan na rin akong nawala dito. May mga nagbago pero konti pa lang.


Medyo madilim na nung nakabalik ako sa bahay. Sakto naghahanda na si Nanay at Ante para magluto kaya nakitulong na rin ako. Pagkatapos naming magluto ay kumain na kami. Si George, yung pinsan ko ang nakaatas na maghugas kaya lumabas ako ng bahay at umupo dun sa kawayan na upuan sa labas. Kung ako tatanungin, mas gusto ko dito keysa sa Maynila. Hangin pa lang mas presko dito tsaka tahimik, yun nga lang mas advance sa Maynila kesa dito.


"Kelan ka pa nakabalik?" naramdaman kong may umupo sa gilid ko matapos may magsalita. Paglingon ko, nakita ko si Sam kaya nagulat ako.


"Sam? Ikaw na ba yan? Wow di kita nakilala!" sabi ko sa kanya. Iba na kasi yung style ng buhok nya, dati bao ngayon nakataas na. 

"Maganda ba dun?" tanong nya. Tumango ako.


"Oo maganda pero mas maganda pa rin dito" sagot ko. Tumango tango din sya. Iba na si Sam ngayon, parang nung huli kaming nagkita totoy pa sya ngayon para binatang-binata na. 

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon