Nineteenth Changed

4.4K 214 48
                                    

 Nineteenth Changed


"Cherry anong ibig sabihin kapag gusto mong malaman lahat ng bagay tungkol sa isang tao?" napatingin sya sa akin dahil sa tanong ko na iyon. 


Nandito ako sa bahay nila dahil nagyaya syang magmovie marathon kami. Kasalukuyan kaming nandito sa kusina nila kasi gusto daw nyang magbake. 


Ibinaba nya yun hawak nya rubber scrapper bago sumagot. "In love ka ba?" balik na tanong nya. Tumingin ako sa kanya habang hinahalo yung batter na ginawa namin.


"Love ba agad yun?" tanong ko ulit. 


"Malamang, gusto mo malaman lahat sa kanya eh" sagot nya. Napa-isip naman ako. Love ba yun? Mahal ko na ba sya? Parang wala pa naman ako sa puntong yun.


"Sino ba yan? Si Jimuel?" ani nya. Hindi naman ako sumagot. "Naku ang swerte mo, matapos syang bustedin ni Maybel noong grade 6 kami di na namamansin yun lalo na nung naging sila ni Ste—" napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko yung kwento nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatakip yung kamay nya sa bibig nya. Para bang may nasabi syang hindi dapat.


"Kilala mo si Maybel?" tumalikod naman sya sa akin at nag pre-heat ng oven. Pagkatapos nya ipre-heat yung oven ay kumuha sya sa ref ng tubig at uminom.


"Cherry, kilala mo sya?" ulit ko. Humarap sya sa akin at parang ayaw nyang pag-usapan yun.


"Dana ano kasi eh..." uneasy na sagot nya. Bakit ayaw nilang pag-usapan yun? 


"Bakit lahat ng tinatanong ko tungkol kay Maybel ganyan yung sagot.?" inis na sabi ko, pinagpatuloy ko na lang yung paghahalo nung batter. Naiinis ako, ano bang meron sa topic na yon at ayaw nila pag-usapan.  


Natapos kami sa pagbebake ng tahimik lang ako. Nandito na rin kami sa salas nila at naghahanda na si Cherry ng papanoorin namin.


"Maybel was the most beautiful girl in our campus. She's the Queen Bee and most of our boys like her. Matalino, mabait, friendly, palaging nakangiti at down to earth." nagsimula syang magkwento tungkol kay Maybel. 


"Wala makatalo sa kanya, elementary pa lang maraming ng nanliligaw sa kanya isa na doon si Jimuel. Hindi naman cold si Jimuel dati eh, masayahin yun pero nung hindi sya siputin ni Maybel noong Valentines ball namin naging cold na sya. Mas lalo pa nung" biglang naputol yung pagsasalita nya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong napalunok sya. Ibinaba nya yung tingin nya at pinaglaruan yung mga daliri nya.


"Nung?" tanong ko. Inangat nya yung tingin nya.


"Nung naging si Stephen at Maybel" pagpapatuloy nya. Muli s syang tumahimik pero mamaya-maya ay nagsalita ulit. "First year kami nung naging sila, walang nakaka-alam kung paano dahil hindi naman palagi nakikitang magkasama si Maybel at Stephen. Basta isang araw nakita silang nakaupo dun sa may puno sa field at nakahiga si Stephen sa hita ni Maybel." Ganun din yung ginawa sa akin ni Stephen noon. Noong hinalikan ako ni Mark. 

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon