Thirty-Fourth Changed

3.6K 185 20
                                    

Thirty-Fourth Changed

Yung akala mo magiging OK na ang lahat pero hindi pa pala. Akala mo kapag naging kayo na tapos na yung problema? Oo, kami na nga ni Stephen pero hindi ko pa nararanasan yung feeling ng may boyfriend ay maaantala pa.

"Are you mad?" hindi ko sya sinagot. Alam ko naman na wala akong karapatan na pigilan sya dahil para rin sa kanya yung gagawin nya.

Kinuha nya yung kamay ko at saka pinisil iyon. Pilit nyang sinasalubong yung mga tingin ko pero naiwas rin ako. Ayokong tumingin sa kanya dahil baka hindi na sya maka-alis.

Stephen needs to study at Korea. Doon sya kailangang mag-aral dahil iyon ang gusto ng Lolo nya. Syempre ako ayoko kasi nagkapag-entrance exam na kami sa BTS University at pareho rin kaming pumasa. Nagkapag-enroll na nga rin kami eh kaso pinacancel yung kanya dahil nga sa bagay na to. Last week nakatanggap sila ng tawag mula Korea at pinapapunta na si Stephen doon.

Stephen plead na dito na lang sya mag-aaral pero naayos na rin ng Lolo nya yung mga requirements nya don.

"Look at me, Dana" sabi nya. Ayoko talagang tumingin sa kanya. Hinila nya ako saka niyakap. Isipin ko pa lang na aalis sya, tumutulo na yung mga luha ko. "Sorry if I will leave you here, but promise I'll be back. I'll be back for you"

May magagawa ba ako? Wala kasi girlfriend nya lang naman ako. Ni hindi nga ako kilala ng Lolo nya sa Korea eh.

"Ngayon lang yan, pustahan tayo ako naghihintay dito tapos ikaw may iba na sa Korea. Marami na akong napanood at nabasang ganyan Stephen. Siguro mas magandang mag-break muna tayo atleast--" hindi nya pinatapos yung sasabihin ko. "No, I don't want to break up with you."

"Pareho tayong mahihirapan kapag nagkataon. Please" kahit anong paki-usap ko sa kanya ay ayaw nya. Sino bang may gusto sa LDR? Wala kasi walang nagtatagal na realasyon kung malayo kayo sa isa't-isa. Siguro meron pero mas marami yung magkarelasyon na naghihiwalay dahil malayo sila sa isa't- isa

"Still, I don't want to break up with you. Were just starting Dana"

"That's it. Nagsisimula pa lang tayo pero kailangan mo ng lumayo agad. Alam mo bang masakit dito sa tuwing naiisip kong aalis ka at doon mag-aaral ng apat na taon. Ang tagal nun Stephen, maraming pwedeng mangyari sa apat na taon." wala akong alam sa mangyayari sa loob ng apat na taon at mas lalo akong walang kakahayang pigilan ang mga iyon.

"Sorry. I know it's hard. Kung nasasaktan ka mas lalo na ako. Ayokong nakikita kitang ganito, umiiyak. Don't you trust me Dana?" tanong nya.

"I trust you pero yung mga taong makakasalamuha mo at makikila mo dun, I don't trust them" pinunasan nya yung mga luha kong kanina pa rin patuloy ang pagbagsak.

"Then just trust me Dana. If you want hindi ulit ako magsasalita. I will talk to them using my sketch pad so that you don't have to worry" umiling ako. Ayoko ng makita syang ganun. Para kasing ikinukulong nya yung sarili nya kapag ginagawa nya yun.

"Ayoko, ayoko na ulit makita kang ginagamit yun" nailing na sagot ko.

"Then just trust me Dana please" ayoko ng ganito pero wala talaga akong magagawa. Tumango na lang ako at ibinaon yung mukha ko sa dibdib nya. Ang sikip-sikip ng dibdib ko at halos hindi na rin ako makahinga sa sobrang pag-iyak.

"Nakaka-inis ka Dana, ngayon nga lang ulit tayo nagkasama ganyan ka pa!" napatakip ako ng tenga dahil sa biglaang pagsigaw ni Cherry. Nagpasama kasi sya na bumili ng gamit para sa pasukan pero wala ako sa mood ngayon. Bukas na rin kasi yung flight ni Stephen.

"Hay nako! Alam mo this is the first na nakita kitang ganyan. You look wasted, yung eye bags mo parang bag ng maglalayas sa sobrang laki at nagdudrugs ka na rin ba?" lintaya nya. Napaduko na lang ako sa lamesa. Naalala ko na naman ba aalis si Stephen kaya ayan na namab yung mga luha ko.

"Ganyan ba kapag may boyfriend?" dagdag nya. Inaangat ko yung ulo ko at tumingin sa kanya.

"Aalis sya Cherry, aalis sya" sabi ko kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. Nagulat naman sya pero inalo nya ako.

"Saan sya pupunta?"

"Sa Korea"

"Anong gagawin nya dun?." tanong nya ulit.

"Doon sya mag-aaral. Sabi ng Lolo nya dapat doon na sya mag-aral. Cherry alam mo ba yung--"

"Shh tahan na. Sorry di ko alam" bigla naman syang nataranta dahil sa sinabi ko.

Inaya na lang ako ni Cherry na pumunta sa kanila kasi nagtitinginan na rin yung mga tao sa amin. Pagdating namin sa bahay nila ay agad syang naghanda ng maraming pagkain at nasalang ng comedy movie.

Sa buong maghapon ko sa kanila ay nalimutan ko pansamatala yung mangyayari bukas. Mabuti na lang at may Cherry akong kaibigan na handa akong intindihin.

"Did you enjoy?" tanong ni Stephen pagkababa ko ng taxi. Hinintay nya ako sa labas. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo, tumango naman ako.

"Sinong di mageenjoy kung maraming pagkain sa harapan mo" sagot ko. Kinuha nya yung paper bag na dala ko at pumasok kami sa loob.

Pumunta kami sa kwato namin ni Nanay at humiga agad ako. Napagod din ako sa mga pinag-gagagawa namin ni Cherry.

"Change your clothes" utos nya. Umupo ako mula sa pagkakahiga at ngumiti sa kanya. I'm still trying na wag isipin na aalis na sya bukas at wala ng mangungulit sa akin sa mga susunod na araw. Na sa susunod na apat na taon ko na ulit makikita ang mga ngiti nyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Na pansamantala ko munang hindi mararamdaman yung init ng yakap at kamay nya. Na pansamantalang walang hahalik sa akin para lang mapatahimik ako. At pansamantalang walang Stephen sa buhay ko.

"Why? Is there something wrong on my face?" napatawa naman ang nung nagtanong sya. Naconsious siguro sya kasi tinititigan ko sya.

"Ano yan?" sabi ko sabay turo sa mukha nya. Agad naman nyang hinawakan yung parte na yun at nakakunot ang noo nya.

"Bakit ang pogi mo?" dagdag ko pa. Tumingin sya sa akin na para bang may mali sa sinabi ko.

"I know right. That's why you're head over heels on me" confident na sagot nya kaya pinalo ko sya.

"Yabang mo" sabi ko tapos tumawa sya ng malakas. Napatulala naman ako sa kanya, ang gwapo nya kapag natawa. Nawawala yung mga mata nya.

"Tawa much eh?" ayaw nya parin kasing tumigil sa pagtawa eh. Para na syang baliw.

"Haha that's why I love you. You can make me laugh like that"

"Ah so clown ako ganon? Edi sana naghanap---"

"I love you" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla nya akong halikan at sabihan ng I love you.

"Mahal ko nga din ang sarili ko" biro ko sa kanya. Buti naman at hindi sya nagalit. Lumapit sya at niyakap ako ng mahigpit.

"I will miss you Dana" niyakap ko rin sya pabalik.

"Mamimiss din kita. Mag-iingat ka don ha. Kumain ka ng marami at uminom ka ng maraming tubig. Tapos yung mga lesson mo, pag-aralan mong mabuti. Ay matalino ka pala. Tsaka wag mo kong kalimutang itext o tawagan kapag may oras ka. Tsaka wag mo ding kakalimutang Mahal kita" paalala ko. Humiwalay sya ng pagkakayakap at tinignan ako. Hinawakan nya yung mga kamay ko at pinisil iyon.

Ngumiti ako sa kanya sabay sabing

" I love you"

Sa huling pagkakataon ngayon ay nakita ko yung mga ngiti nya.

------------------------------------------

Sinong nagsabing sila magkakatuluyan sa huli?? Edi kayo na XXD.

So last two chapters na lang to ah.. Chapter 35 tapos Epilogue.. Tama na wala ng hihirit ha!! Gusto ko na rin kasing maUpdate yung Noona eh.. Para matapos na rin at makapagsimula sa mga susunod na story sa Bangtan Series.. Ok?? Basahin nyo din ha?? Please XD

Yun lang..

I'll try to post the last two chapter this week...

Babye!!!

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon