Twenty-Ninth Changed
Habang papalapit yung ala-singko ay parang gusto ko na lang mawala bigla. Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog dahil sa pag-iisip kung anong gagawin ko sa araw na ito. Hiniling ko rin na sana wag ng mag-linggo pero heto sya, ginising pa ako ng maaga para ipamukha sa akin na 'Hello its already Sunday, its time to choose.'
Hindi ko nakita si Stephen mula umaga pero nagtext sya na wag ko daw kalimutan mamayang ala-singko, tinext rin nya yung lugar kung saan kami magkikita.
"Anong oras na Dana, hindi ka pa ba mag-aayos?" napatingin ako kay Nanay ng sabihin nya yon. Nalaman ni Mam Saira na niyaya akong magdate ni Stephen kaya binilhan nya ako ng damit na susuotin.
"Nay, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong makasakit ulit Nay" sabi ko sa kanya. Umupo sya sa tabi ko at hinaplos yung buhok ko.
"Bakit ka naguguluhan?" tanong nya.
"Hindi ko alam kung sinong pupuntahan ko. Si Stephen ba o si Jimuel" naikwento ko na kay Nanay lahat kagabi. Alam nyang naghihintay sa akin si Jimuel sa airport at si Stephen.
"Sino ba si Jimuel para sayo?"
"Mahalaga sya sa akin kaya ayoko syang umalis"
"Sino si Jimuel sayo?" ulit ni Nanay sa tanong nya. Bukod sa mahalaga sya sa akin ano pa ba?
"Kaibigan. Isang mahalagang kaibigan" sagot ko.
"Si Stephen sino sya para sayo?" bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit sya lalo na kapag nakangiti sya. Isa pa gusto kong malaman lahat ng tungkol sa kanya.
"Hindi ka makasagot kasi ayaw mong aminin sa sarili mong gusto mo sya." napatingin ako kay Nanay dahil sa sinabi nya. Gusto ko si Stephen?
"Kung anong magiging desisyon mo susuportahan kita, matalino ka Dana. Isipin mong mabuti kung sino si Stephen para sayo" iniwan na ako ni Nanay sa kwarto namin.
***
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa dinadaanan ko. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero napakaganda ng pagkaka-ayos nito sa nilalakaran ko. Pagdating ko sa may dulo ay may isang maliit na mesa na may pagkain at may nakatayong lalaki sa gilid nun.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit. Biglang tumigil sa pagtibok yung puso ko nung humarap sa akin yung lalaking iyon. Nakasuot sya ng simpleng mga damit pero binigyan nya ito ng ibang dating dahil sa pagkakadala nya.
Ngumiti sya akin at may narealize ako. Napangiti din ako sa narealize ko.
Tama si Nanay, ngayon alam ko na kung sino si Stephen sa buhay ko.
Inilahad nya sa harapan ko yubg kamay nya at inilagay ko yung kamay ko doon. Inalalayan nya akong umupo bago sya umupo sa katapat na upuan.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"