Eight Changed

4.9K 237 23
                                    

Eight Changed

Hindi ako agad nakasagot sa tanong nya. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko ay natatakot ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin at kitang-kita sa mukha nya ang galit. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko, hindi ko alam kung bakit.

Naramdaman kong lumuwag yung pagkakakapit nya sa braso tapos inilayo nya sa akin ang mukha nya. Binitawan nya yung kamay ko tapos naglakad sya papuntang kama nya at umupo doon. Agad kong pinunasan yung mga luhang tumulo sa pisngi ko at huminga.

"Sorry" yun na lang ang nasabi ko at saka lumabas ng kwarto nya. Pinagsisihan kong naging curious pa ako kanina. Sabi nga nila Curiousity Kills a Cat. Masyado akong nagpadala sa curiousity ko, eto tuloy napala ko.

Bumaba ako at nagtuloy-tuloy sa kwarto namin ni Nanay. Umupo ako sa may kama at inaalala yung nangyari kanina. Napadako yung tingin ko sa braso kong hinawakan nya at namumula iyon. Ganun ba talaga sya?

"Dana gising na may pasok ka pa" agad napamulat ang mga mata ko ng marinig yung boses ni Nanay. Umaga na pala? Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kagabi.

"Hindi ka kumain kagabi." sabi ni Nanay habang inilalabas mula sa tukador yung uniform ko. Doon ko muling naalala yung nangyari sa akin sa kwarto ni Stephen. Tinignan ko yung braso kong hinawakan nya at hindi na iyon mapula. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumuntang banyo para maghilamos at magtoothbrush. Sumunod din sa akin si Nanay. 

"Kumain ka bago umalis para may laman yang tyan mo. Pagkatapos mo sumunod ka na sa kusina" paalala sa akin ni Nanay habang natotoothbrush ako. Tumango ako bilang sagot.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay kinuha ko yung bag ko at sumunod kay Nanay sa kusina. Naabutan kong naglilipit na sya ng mga pinagkainan. Baka tapos na sila Mam Saira. Ibinaba ko yung bag ko sa isa sa mga upuan at tinulungan si Nanay pero hindi nya ako pinatulong.

"Huwag na, tawagin mo na lang si Stephen at sabay na kayong mag-almusal para makapasok na kayo" agad naman akong umangal kay Nanay ng marinig lo yung inuutos nya. Naalala ko kasi yung nangyari kagabi at ayaw ko ng maulit yun. Masyado palang nakakatakot yung si Stephen, akala ko mabait sya. Ang amo kasi ng mukha nya.

"Nay ako na lang dyan at kayo na lang ang tumawag kay Sir Stephen" palusot ko sa kanya pero nilayo nya sa akin yung mga pinggan na hawak nya.

"Ay hindi madudumihan pa yang uniporme mo. Hala! dalian mo't tawagin mo na yung batang yun, malelate kayo nyan." ulit nya kaya wala na akong magagawa. Magagalit na yun panigurado kapag hindi ko pa sya sinunod. Umakyat ako sa second floor at tumigil nung malapit na ako sa kwarto ni Stephen. Naramdaman ko yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Natatakot akong maulit na naman yung nangyari kagabi. Si Nanay kasi eh!

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang maglakad papalapit sa kwarto nya. Inangat ko ng ang kamay ko para sana kumatok ng kusang bumukas yung pinto ng kwarto nya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita sya, ibinaba ko yung kamay ko at umiwas ng tingin.

"Kumain ka na daw po sabi ni Nanay" sabi ko, tumango sya at inunahan ako maglakad. Habang nasa unahan sya ay napatingin ako sa sketchpad na dala nya.

Si Maybel kaya yung dahilan kaya hindi sya nagsasalita?

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa dining table at nakatayo pa rin ako samantalang sya ay nakain na.

"Dana! Huy. Kay aga-aga tulala ka dyan" sabi ni Nanay habang inaabot kay Stephen yung tinapay. Umupo ako sa tapat nya at nagsimula na ring kumain.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon