Thirty-Ninth Changed

3.3K 197 60
                                    

 Thirty-Ninth Changed

Dana's POV

Nagising ako dahil naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa tyan ko. Dahan-dahan kong iminulat yung nga mata ko at napansin kong umaga na pala. Gumalaw ako ng konti at gumalaw din yung nakapatong sa tyan ko kaya napamulat ako.

Nakita ko si Stephen na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya ngayon at ayoko sa nararamdaman ko. Parang may mali.

Dahan-dahan kong hinawakan yung braso nya at inangat para alisin sa tyan ko pero mas hinigpitan nya lang ang pagkakayakap sa akin. Muli kong inulit yung ginagawa ko hanggang sa matangal ko yung kamay nya sa tyan ko at saka ako tumayo. Hindi ko gusto yung maliliit na boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko dahil sa nakalagay yung braso nya sa tyan ko.

Napadako yung tingin ko sa orasan na nakapatong sa night table at 7:14 na pala. Inaalala ko yung anong nangyari sa akin kagabi at kung paano ako nakapunta sa kwarto na to at nakatabi ko pa sa pagtulog si Stephen.

Ang huli kong naaalala ay umupo sya sa tabi ko doon sa may veranda at may narinig akong nag I miss you tapos wala na. Paano naman ako napunta sa kwarto na to?

Iniisip ko pa rin kung paano ako napunta sa kwarto na to ng biglang pumasok sa isip ko si Seojin.

"Si Seojin!" bulong ko at dali-dali akong tumayo sa kama pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ay may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kay Stephen. Nakahawak yung kamay nya sa isang kamay ko pero nakapikit pa rin sya.

"I love you" pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko dahil sa sinabi nya. Para sa akin ba yon?

Unti-unti lumuwag yung pagkakahawak nya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na nyang mabitawan ang kamay ko.

Hindi ko alam na may tumulo na palang luha sa mga mata ko, ang tagal ko syang hindi nakita. Ang tagal kong hindi narinig ang boses nya at ang tagal kong hindi naramdaman ang mga yakap nya. Matagal din akong umasa na babalik sya at magpapaliwanag sa akin pero sa tingin ko hindi na mangyayari yon dahil masaya na sya sa pamilya nya. Masaya na sya kay Erika at sa anak nila.

Pinunasan ko yung mga pisngi ko at lumabas ng kwarto na yon. Pababa na ako ng hagdan ng makaamoy ako ng pamilyar na amoy. Amoy ng paborito kong pagkain na palaging niluluto ni Nanay para sa akin.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan kong naka-upo sa may counter si Seojin at isa pang batang lalaki.

"Yay Champorado! You know what Nanay? My Umma also cooks Champorado for me!" kwento nya kay Nanay na kasalukuyang nagluluto ngayon. Humarap si Nanay sa kanila at ngumiti.

"Talaga? Masarap ba?" agad na tumango si Seojin at tumayo pa sa kinauupuan nya.

"Of course Nanay, my Umma was best at cooking just like you!"

"Aisshh so noisy!" sigaw nung batang naka-upo sa may kanan ni Seojin. Tinignan nya ito ng masama at nagpawewang pa.

"I don't care Mr. Aissh so noisy" sarcastic na sabi ni Seojin kaya kumunot ang noo ko. Saan nya natutunan yon?

"Shh Seojin-ah!" tawag ko sa kanya. Sabay naman silang napatingin sa akin at nagpout agad si Seojin. Lumapit ako sa kanya at pinaupo sya dahil nakatayo pa rin sya sa kinauupuan nya at baka mahulog sya, clumsy pa naman tong batang to.

"What did I told you about fighting?" tanong ko sa kanya, imbea na sumagot ay mas pinahaba nya pa ang nguso nya. "He started it first" dahilan nya. Nilakihan ko sya ng mata, alam na nya ibig kong sabihin don.

"Kahit na, say sorry to what's your name little boy?" pagkatingin ko dun sa bata na katabi ni Seojin doon ko lang napansin na sya pala yung small version ni Stephen.

"I'm Taejoon and I'm going to marry you" bigla naman akong napatawa dahil sa sinabi ni Taejoon.

"Yah you can't marry my Umma!" singit naman ni Seojin at pinalo pa si Taejoon.

"Umma, tell him that he cannot marry you!" parang iiyak na sabi sa akin ni Seojin. Inalo ko sya at napatingin ako kay Nanay na naiiling ngayon.

"Shh don't cry. Taejoon, Seojin was right. You cannot marry me, you're too young to think about that kind of thing" nagcross arm si Taejoon at umiling.

"No, Seojin's Umma. I'm going to marry you when I grew up and that's final" matigas na sabi nya. Stubborn, mana sa tatay.

"Oh sya tama na yan, kumain na kayo" papuputol ni Nanay sa away ng dalawa. Hinainan sila ni Nanay ng pagkain at akala ko mag-aaway pa sila pero hindi naman na.

Pagkatapos nilang kumain ay dumating si Jimuel na may dalang isang bag.

"Tita asked me to let Seojin stay here for a while, pumayag na ako since nandito ka din naman" sabi nya habang inaabot sa akin yung bag na may laman na damit ni Seojin. "I also brought you some clothes"

"Pero may seminar kami ngayon" gusto ko sanang magstay since ngayon lang ulit ako nakadalaw kay Nanay pero naalala ko may seminar kami sa Tagaytay mamaya. Balak ko na ring umuwi mamayang tanghali eh.

"I already called Michelle, I told her that you can't come because you're here and she said hindi ka din naman daw kailangan sa seminar na yon kaya ok lang" naroll eyes naman ako dahil sa sinabi ni Michelle. Baliw talaga yong babae na yon, tama bang sabihin na hindi ako kailangan kahit na ako ang nag-organize ng seminar na yon?

"Bye, just call me when something happen. I need to go" paalam nya. Tinawag nya si Seojin at nagpaalam din sya dito bago umalis.

Napatingin na lang ako sa bag na ibinigay nya sa akin, mukhang mahabang araw to.

Sa tuwing magkakasama si Seojin at Taejoon ay hindi lilipas na hindi sila magsisigawan. Sa kahit anong bagay ay mag-aangilan silang dalawa pero dikit pa rin sila ng dikit sa isa't-isa.

Mga bandang hapon ay dumating si Erika mula sa kung saan. May dala syang laruan at agad namang naglaro yung dalawa sa may garden.

"Is she really your daughter?" nagulat ako sa tanong na iyon. Naka-upo ako sa may bench at may hawak na damit ni Seojin dahil kakapalit ko lang sa kanya. Tumangin ako sa kanya at ngumiti tapos ibinalik ko yung tingin ko kila Seojin.

"Bakit mukhang hindi ba?" tanong ko. Maraming nagsasabing kamukha ko si Seojin kaya hindi nila nahahalata na hindi talaga ako ang tunay nyang ina.

"Oo" mabilis nyang sagot. "Her nose, lips and cheeks were Jimuel's but her eyes it's different. It doesn't look like yours as well so tell me, is she really your daughter?"

"She's my daughter."

"Yes she is, but it doesn't mean that she came from you right Dana?"

"What do you want?" anong pinaglalaban ng babaeng to?

"Nothing. May dalawa lang kasing tanga dyan sa tabi-tabi. Halata namang mahal pa nila ang isa't-isa pinahihirapan pa ang mga sarili nila" pagkatapos nyang sabihin ang mga iyon ay sumali sya na makipaglaro kay Seonjin at Taejoon. 

Anong ibig nyang sabihin?

-----------------------------------------

Don't Kill me please T^T

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon