Thirty-Sixth Changed

3.4K 217 167
                                    

Thirty-Sixth Changed

6 years later..

"Umma! Are you day dreaming Umma?" tanong ng isang batang babae habang natayo mula sa pagkakahiga nya sa hita ko. Inipit ko sa likod ng tenga nya yung mga buhok na tumatakip sa mukha nya tsaka ako umiling.

"No, Umma wasn't day dreaming. She just remembered something" sagot ko pero maya-maya ay sumilay ang isang mapang-asar na tingin at ngiti sa kanya.

"Yiee you remembered Appa? Don't worry Umma, Appa will come anytime soon so you don't have to worry" sabi naman nya. Tumango na lang ako sa kanya at inilapit sya sa akin. Itong batang to manang-mana sa tatay nya, makulit.

"Seojin!" sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Isang lalaki ang lumabas mula sa isang itim na kotse at ngumiti. Agad naman bumaba si Seojin mula sa kinauupuan namin at sinalubong ang Appa nya. Nakakatuwa silang tignan habang pinauulanan ng halik ni Seojin yung pisngi ng Appa nya. Pagkatapos nilang magharutan ay lumapit sila sa akin.

"Hi" bati nya sa akin, ngumiti ako at inurong yung bag ni Seojin para maka-upo sya ng maayos.

"Appa look I got a star" ipinakita naman ni Seojin yung star na nakatatak sa kamay nya at nagsimulang magkwento tungkol sa mga nangyari sa kanya sa eskwelahan kanina. Nung matapos na syang magkwento ay tumingin sya sa akin at kinuha yung atensyon ng Appa nya.

"Appa, did you know that Umma was thinking of you before you came here. She's starring at nowhere as if she will not able to see you" kwento nya. Tumingin sa akin ang Appa nya at tumaas naman ang mga kilay ko. Ibinaba nya si Seojin at inutusang makipaglaro muna sa mga batang wala pang sundo.

"Ang kulit ng anak mo, manang-mana sayo" sabi ko na sinagit naman nya ng "Well" sabay taas ng mga balikat.

"It runs in the genes" dagdag nya pa. Kinuha ko yung bag ni Seojin at inabot sa kanya. "Oh, baka mamaya ay tumawag ka na naman sa akin ng madaling araw at hanapin sa akin yang bag ng anak mo" kinuha nya yung bag ni Seojin at itinabi sa gilid nya. Tumingin sya sa akin at parang may gusto syang sabihin pero hindi nya matuloy.

"Are you--" hindi nya tinapos yung sasabihin nya.

"Are you what?" tanong ko din. Pasuspense pa tong lalaking to.

"Are you going later?" napa-iwas ako ng tingin ng marinig ko yung buong tanong nya. Kailangan ba?

"Do I need to?" tanong ko sa kanya. Sa tingin ko naman hindi ko na kailangan pang pumunta doon.

"Of course, Dana look. Ilang taon na simula nung huli kang pumunta don at palagi akong kinukulit ni Nanay pati ni--" biglang syang tumigil sa pagsasalita at may kinuha sa bulsa ng pantalon nya, inilabas nya yung cellphone nya at bumuntong hininga.

"Speaking of the Alien, Vincent keeps on asking me if you're going later" sinagot nya yung tawag ni Vincent at maya-maya ay inabot sa akin yung cellphone nya.

"The Alien wants to talk with you" kinuha ko yung cellphone nya.

"Are you going later?" napangiti ako ng marinig yung American accent ni Vincent.

"I don't know" sagot ko in British accent. Syempre hindi ako magpapatalo sa kanya, nag-aral kaya ako ng British accent kaya gagamitin ko sa kanya.

"Si Dana ba tong kausap ko?" nakakaproud naman na slang na syang magtagalo samantalang dati ay english carabao sya.

"Yes, Daniela Santos speaking" sagot ko in British accent pa rin.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon