At Min's Residence
"Dana!" rinig kong sigaw ni Stephen mula sa taas. Napatigil ako sa paghihiwa ng mga gulay at napatakbo sa itaas. Pagdating ko sa kwarto kung nasaan sya ay naiyak ng malakas si Deniel habang hindi naman alam ni Stephen ang gagawin sa naiyak na si Deniel at sa hawak nyang diaper.
"Help?" sabi nya sa akin kaya napailing ako. Isang buwan na syang nagpapalit ng diaper ng anak nya ay hindi nya pa rin makuha. Natataranta sya kapag naiyak si Deniel habang pinapalitan nya ng diaper.
Lumapit ako sa kanila at kinuha sa kanya ang hawak nyang diaper. Binuhat ko si Deniel at saka pinatahan. Habang ginagawa ko yun ay nakatingin lang sa akin si Stephen. Para bang manghang-mangha sya kung paano ko napapatagan ang anak namin.
"Ligpitin mo na yung mga hindi kailangan dyan" sabi ko sa kanya. Agad naman syang sumunod at inayos yung mga dapat ayusin.
Ng tumahan na si Deniel ay sinuutan ko sya ng diaper at saka ibinilin kay Stephen.
"Patulugin mo ba si Deniel para mamaya makakain na tayo" sabi ko saka hinalikan sa noo si Deniel na karga na ni Stephen ngayon.
"How about me?" tanong ni Stephen kaya hinalikan ko rin sya sa noo.
"Yah! Not there!" angal nya, nagmakeface ako sa kanya saka lumabas ng kwarto ni Deniel.Bumaba ako sa kusina at ipinagpatuloy ang pagluluto.
Tatlong buwan na simula nung manganak ako at ang masasabi ko lang ay masaya pala maging isang Ina. Sa tuwing nakikita kong nakangiti si Deniel ay nawawala lahat ng pagod ko. Lalo na kapag magkasama sila ni Stephen, feeling ko kumpleto na ang buhay ko.
"Umma!" tawag sa akin ni Taejoon na natakbo papasok ng kusina. May dala-dala syang isang supot ng prutas at mga laruan.
"Wag kang tumakbo!" sabi ko sa kanya saka sya sinalubong, kinuha ko yun dala nya at inilapag sa lamesa.
Umakyat sya sa stool at agad binuksan yung supot na dala nya "Tito Jimuel gave me this" sabi nya at kinuha yung kotse-kotsehan.
Jimuel? Di ba nasa Korea sila ni SeoJin ngayon? Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag na tumatakbo.
"Umma!!" sigaw ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Seojin kasama si Jimuel at si Stephen na karga ang tulog na si Deniel.
"Seojin-ah!!" tawag ko sa kanya at sinalubong sya ng yakap. Halos dalawang taon ko din syang hindi nakita dahil umuwi sila ni Jimuel sa Korea. Ni hindi nya nga abutan si Deniel ba pinagbubuntis ko samantalang nung bagong kasal kami ni Stephen ay excited syang magkababy kami.
"I miss you Umma" sabi nya kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Dalaga na si Seojin ko.
"Where's your baby Umma?" tanong nya nung humiwalay sya ng yakap sa akin. Lumapit sa kanya si Stephen at inilapit sa kanya si Deniel.
"He looks like Tito Stephen" komento nya ng makita si Deniel. Hinawakan nya yung maliit na kamay ni Deniel at bahagyang ngumiti si Deniel.
"He smiled, omo he's kyoepta!" she exclamined. Lumapit si Taejoon kay Seojin at hinila ang kamay nito.
"Let's play" sabi ni Taejoon at pumunta sila sa salas.
Inilapat ko yung tingin ko kay Jimuel na nakangiti din ngayon.
"Kelan pa kayo naka-uwi?" tanong ko.
"Noong isang araw pa" sagot nya.
"Bakit di kayo nagsabi, edi sana sinundo namin kayo" pagkasabi ko nun ay tinuro nya si Stephen kaya napasimangot ako. Malamang alam nya pero hindi nya sinabi sa akin.
Lumapit ako kay Jimuel at niyakap sya, na miss ko rin tong lalaking to.
"I miss you Dana" sabi nya, sasagot din sana ako ng I miss you ng biglang umubo ng malakas si Stephen.
Napahiwalay kami sa isa't-isa at nakatinginan tapos sabay kaming natawa. Hanggang ngayon pa rin ba?
"Oh sya magluluto na ako para makakain na tayo mamaya at dadating din sila Mama" sabi ko.
"Pabuhat nga ako kay Baby Deniel" sabi ni Jimuel kay Stephen at saka kinuha si Deniel. Lumabas sila ng kusina kaya naiwan kami ni Stephen.
Ipinagpatuloy ko na yung ginagawa ko na naudlot kanina dahil sa mag-ama ko. Maya-maya ay naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod at inamoy yung leeg ko.
"Dun ka nga" taboy ko sa kanya. Lalo akong hindi matatapos kung mangungulit pa sya ngayon.
"I don't want" sabi naman nya.
"Mamaya darating na sila Mama oh, wala pang nakahain na pagkain" imbes na umalis ay sinimulan nyang halikan yung leeg ko.
Yung moment na nagmamadali kang makatapos ng paluluto dahil darating yung mga biyenan mo pero may mangungulit sayo ng ganito? Ang sarap nya pong sapokin.
Ako na ang humiwalay sa kanya para matapos ko na tong ginagawa ko. Maya-maya ay biglang umiyak si Baby Deniel. Tumingin ako kay Stephen at "Puntahan mo yun, mas natataranta yung isang yun kapag naiyak na yung bata" sabi ko sa kanya. Mas natataranta kasi si Jimuel kapag naiyak na yung bata at sya ang may hawak.
Bumuntong-hininga sya at saka walang ganang lumabas ng kusina at pinuntahan yung anak nya. Napailing na lang ako.
Matapos umalis ni Stephen ay naging mas mabilis yung kilos ko kaya agad akong nakatapos. Sakto naman at dumating na din sila Mama at Nanay kasama si Daphne.
Di ko ba nasabi na kambal yung anak ko? Hindi ko din naman alam eh, hindi kasi ako nagpa-ultrasound noon para surprise yung gender ng baby namin. Ayun lahat kami nasurprise nung dalawa pala sila sa tyan ko. Deniel Stephan at Daphne Samantha ang mga pangalan nila.
Kinuha nila Mama (which is si Mam Saira) si Daphne kahapon dahil gusto nilang makasama yung apo nila, nung nakaraan ay nasa kanila din si Deniel.
"Oh kamusta ang baby girl ko?" sabi ko kay Daphne ng kunin ko sya kay Nanay. Meron na naman syang headband na may kulay pink na ribbon. Mukhang maiispoil ang nga anak ko sa mga lola nila ha.
"Naku palaging nakangiti yang batang yan, mabuti nga at di nagmana sa tatay na laging akala ko pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha palagi" sabi ni Mama habang tinitignan si Stephen na nasa tabi nya ngayon.
"Mom!" saway sa kanya ng asawa ko pero tinawanan lang sya ng Nanay nya.
Lumapit sa akin si Seojin at tinignan si Daphne. "She looks like you Umma" sabi nya.
"Really, then she's pretty" sabi ko, tumango naman sya agad.
"Yes she is, were all pretty"
Nagkwentuhan pa sila ng konti at ng magyaya si Taejoon na nagugutom na sya ay kumain na kami.
Maghapon sila dito at nanood lang kami ng movies. Si Taejoon at Seojin laro sila ng laro at paminsan-minsan at sila yung nag-aalaga sa kambal.
Gabi na nung napagdesisyunan nilang umuwi, tulog na nga rin si Seojin at Taejoon. Siguro napagod, wala ddin naman gaanong kalaro yang si Taejoon dito sa bahay, ako lang o kaya si Stephen kaya sabik sya sa kalaro.
Agad akong humiga sa kama matapos kong makapaglinis. Tulog na ang kambal at si Taejoon kaya magpapahinga na rin ako.
Naramdaman kong may tumabi sa akin at niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik dahil nilalamig ako.
"Dagdagan na natin yung kambal" bulong nya kaya napamulat ako.
"Anong sundan? Three months pa lang yung dalawa tapos susundan na?. Ikaw minsan ka na nga lang magtagalog ganyan pa sinasabi mo" sabi ko sa kanya, tumawa naman sya.
"I'm just kidding. Akala ko makakalusot eh" pinalo ko sya dahil sa sinabi nya.
To talagang lalaking to ang daming alam.
--------
Sorry lame at late pa..
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"