Thirty-Second Changed
Napamulat ako ng mata ko nung maramdaman kong may humahaplos sa pingi ko. Nakita ko si Stephen na nakatingin sa akin at pinaglalaruan yung pisngi ko. Ibinaling ko sa kabilang direksyon ang ulo ko para lumayo sa kanya, nakikiliti kasi ako dahil sa ginagawa nya.
"Stephen ano ba" angil ko. Pero imbes na tumigil ay tinawanan pa ako. Tumingin ako sa kanya ng masama kaya mas lalo syang natawa.
"Good Morning Daniela" bati nya. Umupo ako ng maayos saka tinignan nung paligid. Nandito pa rin kami sa salas at ang daming kalat. Nagyaya kasi syang magmovie marathon kagabi at hindi ko namalayang nakatulog na pala kami.
"Oy oy tanghali na. Dana ligpitan mo na yang mga kalat nyo at may bisita daw si Mam Saira, bilis" sabi ni Nanay nung dumaan sya sa may salas bago umakyat sa taas. Nag-inat muna ako at napahikab. Kung hindi ako nagkakamali ay 4 na kami nakatulog, ayaw akonh patulungin ni Stephen eh. Nood daw muna kami, pero nakatakip naman yung mga mata nya. Huli kasi naming pinanood yung Insidious 3.
Tumayo ako saka nagsimulang magligpit pero bigla akong hinila ni Stephen kaya napaupo ako sa hita nya. Naramdaman ko yung pag-angat ng dugo ko sa mukha ko kaya aalis na sana ako pero kinulong nya ako.
"Hoy! Ano ba. May bisita daw yung Mama mo oh. Maglili--"
"I don't care"
"You don't care but I care care bear. Kaya bitawan mo na ako at magliligpit pa ako" hindi lang dahil sa mga kalat namin yung dahilan ko kaya gusto ko ng tumayo, hindi kasi ako kumportable na nakaupo sa mga hita nya.
"Is that a joke?" painosenteng tanong nya. Tignan mo to, hindi talaga marunong makiramdam.
"Oo kaya bitawan mo na ako at maglilinis pa ako"
"Ok, in one condition"
"At ano naman yun?
"Kiss" nakatikim sya ng kurot sa akin dahil sa sinabi nya. Ang aga-aga ang landi-landi nya promise. Pero dahil sa kurot ay nakawala naman yung pagkakahawak nya sa akin kaya nakatayo ako. Hihilain nya sana ulit ako ng biglang may dumating. Napatingin kami sa may pintuan at nandoon si Mam Saira at may kasamang dalawang babae.
Tumayo si Stephen at nagsimula naman akong ligpitin yung mga kalat. Dali-dali akong tumakbo sa kusina para itapon yung mga kalat namin at kumuha ng panglinis.
Pagbalik ko sa may sala ay wala na sila pati si Stephen kaya naglinis na lang ako. Pagkatapos kong maglinis ay nagpunta ako sa kwarto namin para mag-ayos.
Naligo ako at nagbihis ng maayos na damit. Bumalik ako sa kusina para tumulong kay Nanay. Medyo maraming niluto si Nanay dahil dun sa bisita ni Mam Saira.
"Tita he's so handsome" rinig kong sabi nung isa sa bisita ni Mam, sa tingin ko kasing ederan lang namin sya. Maputi, matangos ang ilong, blonde yung buhok in short maganda sya.
"Of course Erika dear. Mana sa tatay nya eh" masiglang sagot naman ni Mam Saira. Nakita kong parang kinikilig na tumingin yung babaeng tinawag ni Mam Saira na Erika kay Stephen na kasalukuyan namang seryosong kumakain.
Dito kasi mananatili yung mga bisita ni Mam Saira for two days. Si Mrs. Seo at yung anak nyang si Erika. May business matters daw kasing si aasikasuhin si Mrs. Seo dito sa Pilipinas at magbabakasyon naman si Erika.
From:Stephen
Meet me at the garden.
Maghapon kaming hindi nakapag-usap ni Stephen dahil sinamahan nyang mamasyal si Erika, utos na rin ni Mam Saira. Gusto sana nya akong isama kaso ayaw ni Erika kaya sila na lang. Madilim na rin nung maka-uwi sila.
Nagsout ako ng jacket bago lumabas papuntang garden.
"I know you know the real reason why I'm here right?" napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko yung boses ng isang babae. Sumilip ako at nakita ko si Stephen na naka-upo at nakatayo naman si Erika sa tabi nya.
"That will never happen Erika" seryosong sagot ni Stephen.
"You know that impossible. What your Harabeoji wants, your Harabeoji gets." anong ibig sabihin ng pinag-uusapan nila? Anong mangyayari?
Nanatili ako sa kinaroroonan ko at pinagpatuloy ko ang pakikinig sa kanila.
Inangat ni Stephen yung mukha nya at halata dito na nalilito sya.
"Leave me alone Erika" utos nya.
"That will never ---"
"Could you please leave me alone, fuck!"
Nagulat si Erika nung sumigaw si Stephen. Kahit ako ay nagulat din, matagal na rin simula ng makita ko si Stephen na ganyan.
Tinalikuran ni Erika si Stephen at nagsimulang maglakad pabalik sa loob. Mabuti na lang at madilim sa pwesto ko kaya hindi nya ako napansin.
Ibinalik ko yung tingin ko kay Stephen at ihinilamos nya yung kamay nya sa mukha nya.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at umupo sa tabi nya. Mukhang hindi nya ako napansin, ganun ba talaga kalalim yung ang iniisip nya?
"Dana"
"Hmm?" akala ko hindi nya ako napansin, hindi kasi sya agad nagresponse nung tumabi ako sa kanya.
Imbis na sagutin ako ay hinawakan nya yung kamay ko at pinagdaop ang mga palad namin. Ayan na naman yung maliliit na kuryente na dumadaloy sa katawan ko.
"Anong pinag-usapan nyo ni Erika?" tanong ko. Tumingin sya sa akin pero umiwas din agad ng tingin.
"Kanina ka pa ba?" balik na tanong nya din sa akin.
"Hindi, narinig ko kasing sinigawan mo sya. Magkakilala ba kayo?" ayokong magsinungaling pero kailangan.
"She's a childhood friend in Korea" sagot nya. Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko saka pinaglaruan yung kamay ko.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"
"I just want to see you"
"Uhmm eh saan kayo nagpunta kanina ni Erika?" gusto ko rin syang maka-usap kaya nagopen ako ng topic. Nagkwento naman sya pero konti lang. Parang ayaw nyang pag-usapan ang bagay na yon.
"Dana what if I told you that I will leave, what would you do?" out of the blue na tanong nya. Ito ba yung sinasabi ni Erika? Yung gustong mangyari ng Lolo nya?
"Kapag pinigilan ba kita, hindi ka aalis?" tanong ko. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi sya nakasagot.
"I don't know" nakaramdam ako ng pag-iinit sa sulok ng mga mata ko nung sabihin nya yon. Aalis din ba sya? Iiwan din nya ako?
"Then I'll let you go" napaupo sya ng sabihin ko yun. Tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko at lumunok para mawala yung bara sa lalamunan ko pero nandoon pa rin. Siguro hindi kami para sa isa't-isa, hindi pa bga kami nagsisimula pinaghihiwalay na kami.
"Kung kinakailangan kitang pakawalan, edi ----"
Hindi ko natapos yung sasabihin ko nung yakapin nya ako at ibaon yung mukha nya sa leeg ko.
"No Dana, don't let me go"
--------------------------------
Lame na ang Drama pa!! Sorry po >_<
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"