Thirtieth Changed

4.6K 259 145
                                    

Thirtieth Changed

Nakatayo ako sa tapat ng isang bukas na napakalaking gate. Kasalukuyan kong tinitignan yung mga rooms mula sa labas. Actually malayo sila pero kita pa din. Marami rin ang nakapark na kotse. Tinitignan ko din yung mga kapwa ko estudyante namasayang napasok sa loob habang nakasout ng iba't-ibang magagarang damit na pinapatungan ng isang puting tela.

Toga

Ngayon ang araw ng pagtatapos namin sa high school. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung masaya ba ako o kinakabahan. Masaya dahil tapos na kami ng sekondarya at kinakabahan dahil ito na ang simula ng totoong buhay. Malayong-malayo ang eskwelahan na ito kesa sa eskwelahan na pinapasukan ko dati. Sobrang layo. Pero kahit ganun marami akong natutunan sa eskwelahan na ito.

"Aray!" Daing ko, may nakatabig kasi sa akin na lalaki, nagulat naman sya ng makita ako.

Sorry Miss yan yung nakasulat sa isang papel na ipinakitanya sa akin, hindi nya ako tinulungang tumayo dirediretso lang sya papaksok sa loob.

"Stephen!" tawag ko sa kanya. Baliw talaga yung lalaking yun, alam ng puti yung suot ko tatabigin pa ako.

Timigil sya sa paglalakad papasok at nagsulat sa sketch pad nya. Nainis kasi ako sa kanya kahapon kaya ayan nagdadrama. Sabi ko kasi ang ingay nya tapos kinagabihan dala-dala na naman nya yung sketch pad nya.

Do I know you?

Yan yung nakasulat at tinignan pa ako na para bang hindi nya ako kilala. Inilabas ko yung cellphone kong nilagyan nya ng sticker na 'The owner of this phone was Stephen Min's Property'. Hindi naman sya masyadong possesive sa lagay na yon eh. Mangani-ngani ko ngang ibato sa kanya yung cellphone nung ipakita nya sa akin kung anong nakalagay. Minsan nya di ko inilalabas pero ai Stephen ay si Stephen, palagi ba naman akog tawagan para mailabas ko yung cellphone ko -_-

"Oh Jimuel! Kamusta na? Ano uuwi ka na? Gusto mo sunduin kita? Alam mo ba miss-- akin na yang cellphone ko. Teka sino ka ba?" tanong ko sa kanya. Ayaw pa rin nya kasing kinaka-usap ko si Jimuel, pero syempre kaibigan ko yun kaya kakausapin ko.

"I'm your FUTURE boyfriend" sagot nya. "Talaga? Sa pagkaka-alam ko -- oo na FUTURE boyfriend na kita" pagsuko ko. Ngumisi na kasi sya kaya kailangan ko ng sumunod. Hindi nyo alam ang ginagawa nya kapag ngumisi na sya at hindi pa ako sumunod sa gusto nya.

"Good future girlfriend" sabi nya sabay pat sa ulo ko. Inalis ko naman iyon. "Ano aso?"

Kinuha nya yung kamay ko and he intertwine our fingers together.

2 buwan.

2 buwan na syang nanliligaw sa akin. Bakit porket hinalikan ko sya nun ay kami na? Ano sya chicks? Sabi ni Nanay manligaw daw muna sya. Ayun si Nanay ang nililigawan nya hindi ako, kaya nga nagtataka ako bakit sa akin sya nakadikit ngayon eh.

"Nice, kelan ba magiging official?" tanong ni Jimin nung makarating kami sa labas ng auditoruim. Hinihintay nila kami para saby-sabay pumasok sa loob.

"Hindi pa sya sinasagot ni Nanay eh, mamaya tatanong ko" sagot ko sa kanya. Nagtaka naman sila. Napatingin ako kay Stephen at ganun din ang makikita sa mukha nya.

Pagtataka.

"Di ba si Nanay yung nililigawan mo hindi ako? Palagi mo syang binibigyan ng kung ano-ano eh" sabi ko. Tinulak naman nya yung ulo ko gamot yung hintuturo nya.

"Selos ka?"

"Asa ka naman"

"Tara pasok na tayo sa loob. Magsisimula na naman ang Digmaang pandaigdig este Digmaang PUSUAN" sabi ni Jin at nagsimula na silang maglakad papasok ng gym.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon