Twenty- Sixth Changed
"Help her Maybel please. I don't want to lose her again. Just like what happen to you" pagkalabas ni Stephen ng ospital ay agad syang dumiretso dito. Sa puntod ni Maybel. Madalas sya noon dito dahil hindi pa sya tuluyang nakakamove on pero simula noong makilala nya si Dana ay nakakalimutan na nyang magpunta dito.
"Maybel please save her" patuloy sa paglabas ang mga luha ni Stephen. Yung sugat na matagal bago naglihom at unti-unti ng nagsasara ay muli na namang bumukas. Nagagalit sya sa sarili nya dahil hindi nya naprotektahan si Dana. Masyado kasing matigas ang ulo ng dalaga para sa kanya. Ilang beses na nyang sinabihan itong huwag lalapit kay Mark pero hindi din naman nya ito masisisi dahil pala-kaibigan si Dana.
"She's hard-headed like you, a nagger, a slowpoke but her eyes. I was always lost whenever I look at them." kusang nalabas mula sa bibig ni Stephen ang mga salitang binibitawan nya. Parang bang kaharap nya lang si Maybel habang nagkukwento sya.
"I am I inlove again Maybel? Am I?" nung mga oras na nakikita ni Stephen na magkasama si Dana at Jimuel ay may kung ano sa loob nya. Para bang sumasakit yung mata nya at na ngangati yung mga kamao nyang sumuntok. Hanggang sa magalit sa kanya si Dana. Nung mga oras na iyon ay sising-sisi sya sa ginawa nya. Marami syang naramdamang bago simula noong magkakilala sila na hindi nya naramdaman kay Mayvel.
Pero natatakot sya, natatakot syang kapag nasagot ang tanong na matagal ng nasa isip ay may makalimutan nya si Maybel. Makalimutan lahat ng tungkol kay Maybel.
"Takot ka lang iho." napa-angat sya ng tingin nung may nagsalita. Isang matandang babae ang nakatayo sa harapan nya. Hindi naman sya natakot dahil isa ito sa mga nag-aalaga sa puntod ni Maybel.
"Bakit ka ba natatakot? Hindi mo sya makakalimutan. Magiging isa pa syang dahilan kung paano mo maaalagaan yung susunod mong mamahalin." nagulat si Stephen nung malaman nyang alam nung matanda yun nararamdaman nya.
Umupo ito dahilan para magkatapan sila.
Inalis ng matanda yung mga dahon na nakakalat sa lapida ni Maybel.
"Masaya sya para sayo. Masaya syang may mag-aalaga na muli sayo. " tumingin ito sa kanya at ngumiti. " Huwag kang matakot dahilkapag pinairal mo yang takot mo ay mas mawawala sya sayo" tumayo ang matanda at kinuha yung supot na dala nya.
"Tama sya iho, mas magiging masaya ka kahit wala na sya. Iwan mo na ang nakaraan at huwag kang matakot na harapin ang kasalukuyan" sabi nito bago tuluyang umalis.
***
"Ok na ba sya?" tanong ni Cherry kay Jungkook na kasalukuyang katabi ni Stephen. Hindi makapunta si Cherry sa ospital dahil maraming requirements ang kailangan aasikasuhin dahil malapit na yung graduation nila.
"Hindi pa sya nagising" malungkot na sagot ni Jungkook. Tatlong araw na ang nakakalipas at hindi pa rin nagising si Dana.
"Gusto ko syang puntahan" ani ni Cherry pero alam nyang hindi pwede.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"