Daphne Samantha Min
"But Umma I wan't Mr. Bunny!!" iyak ni Daphne habang nakasalampak sa sahig at nagpadyak-padyak. Napailing naman ako dahil 4th birthday celebration nila ngayon ng kakambal nya pero kung makapagwala sya ay wagas. Take note nasa gitna kami ng party nila at pinagtitinginan sya ng mga bisita at ng mga kalaro nya habang naglulumpasay sa may garden namin.
Umupo ako para magkalevel kami at pinilit syang tumayo dahil nadudumihan yung gown na dinesign at tinahi pa ng lola nya para sa araw na ito. "Shh stop it na baby, Mr. Bunny can't attend your party because her mother was sick" dahilan ko sa kanya pero mas lalo syang umiyak. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Stephen pero wala sya. Saan napunta yung lalaking yun samantalang nandyaan lang sya kanina?
Nilapitan ni Taejoon si Daphne at inakay pero walang epekto. "I'm Mr. Bunny come on" yaya sa kanya ng kiya nya pero nagcross-arm si Daphne "You're not Mr. Bunny! You don't have big and cute ears!!" sigaw nya habang nakapout.
Dapat talaga ay may maskot na nakasuot ng Bunny na mageentertain sa mga bisita ng kambal pero unfortunatelly ay kakatawag lang sa akin kanina na may emergency daw kaya hindi na sya makakarating. Ok lang sana kaso matagal na nyang nirerequest na magka Mr. Bunny sa birthday party nila ni Deniel at masyadong stubborn si Daphne kaya hindi mapakiusapan. Manang-mana sa Tatay -_-
Lumapit na rin sa kanya yung mga kalaro nya at si Deniel pero walang makakapigil sa kanya.
"Nasan na? Akala ko ba ay may inarkila ka?" tanong sa akin ni Nanay pagkapasok ko ng bahay para hanapin si Stephen na kanina pa nawawala.
"Meron Nay kaso nagback-out. May emergency daw kaya nagback-out. Ewan ko ba dyan sa apo nyo sobrang tigas ng ulo, kung anong gusto yun ang masusunod." sagot ko. Pumasok ako ng kusina pero wala si Stephen doon.
"Aba'y iniispoil nyo kasi" sagot din sa akin ni Nanay. Tumingin ako sa kanya at "Aba, wag ako ang sisihin nyo, yung manugang nyo ang sisihin nyo at konting paawa ng lang ng anak nyang babae ay ibibigay agad" aba, hindi ko iniispoil yang mga batang yan. Kung may gusto sila dapat paghirapan nila kaso yang si Stephen konting iyak lang bigay agad. Imagine, inaway pa ako nung isang beses na pinatay ko yung T.V dahil ayaw pang matulog ni Daphne. Keso hayaan na lang daw at yun ang gusto nung bata, kesyo ganyan. Hindi ata pwede yun, hindi sila dapat masanay na palaging maginhawa ang buhay at kung anong gusto nilang makuha o mangyari ay yun agad ang masusunod. Buti pa yung dalawang lalaki eh, mabait. Sabagay di ko rin sya masisisi kasi Only Girl nya yon pero kahit na!
Habang naakyat ako pataas ay idinadial ko ang cellphone ni Stephen pero walang nasagot. Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay sa labas kaya dumiretso ako doon.
Nakita kong nagpapalakpakan sila at may dalawang parang tenga ng kuneho na nangingibabaw sa kumpol ng mga tao. Lumapit ako at nakita kong may isang maskot na nakabunny at pinapatawa si Daphne na nakaupo na ngayon sa upuan nila, yung upuan na parang sa debut. May ganun silang magkapatid sa gitna ng garden namin. Wonderland kasi ang theme ng party nila kaya hinahanap hanap nya yang Mr. Bunny na yan.
Nagtaka naman ako dahil kakasabi lang na nagbackout yung taong magsusuot ng maskot pero ay hayaan mo na nga! Ang mahalaga ay matutuloy na yung party nung kambal dahil nakakatawa na si Daphne.
Nagstart na ulit yung party at sinimulan sa games syempre children's party nga eh. Maraming baong games yung naka Mr. Bunny kaya tuwang-tuwa yung mga bata lalong-lalo na si Daphne. Habang nakatawa si Daphne ay naalala kp si Stephen, kamukha nya kasi lalo na kapag nakangiti si Daphne.
Muli akong pumasok ng bahay at hinanap sya pero wala talaga sya, ilang beses ko ding sinubukang tawagan sya pero nagriring lang. Baka inuna na naman yung trabaho nya at iniwan yuung mga anak nya dito, naku lagot sa akin yun mamaya. Sa labas sya matutulog!
Bumalik ako sa party at kasalukuyang nagsasayaw sila ng paper dance. Bigla naman akong hinila ni Daphne at itinabi sa nakasuot ng Mr. Bunny.
"Dance with Mr. Bunny please Umma" ayan na naman ang pamoso nyang boses at tingin na akala ko talaga inaapi sya. Inilahad ni Mr. Bunny yung kamay nya sa harapan ko at parang pinipilit akong pumayag samahan pa ni Daphne kaya pumayag na ako. Naghiyawan yung tao at nagsimula na yung laro.
Nung una madali lang dahil malaki pa yung papel pero nung lumiit na ay nahirapan na kami. Pasayaw-sayaw lang kami at yung kalaban namin. Dalawa na lang yung natira, yung Classmate ni Taejoon at sya tapos kami ni Mr. Bunny. Sobrang liit na rin nung dyaryo namin. Biglang huminto yung music kaya binuhat ako ni Mr. Bunny ng pabridal style tapos pamilyar sa akin yung amoy nya. Amoy pabango ni, makalimutan ko. Isa ata sa Bangtan, basta pamilyar.
"Ahh tapos na po yung laro, pwede na kayong tumigil sa pagtititigan dyan" sabi nung MC kaya bumaba na ako. Parang kilala ko kung sinong nasa loob nitong maskot.
"Yay! It's ok Mr. Bunny. Even though you didn't won, you're still the winner for me" sabi ni Daphne habang nakayakap sa binti nung maskot.
Naglaro pa sila ng naglaro, nagpicture-picture na lang ako pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin dun sa maskot na kanina pa kinaaaliwan ni Daphne.
"Happy Birthday to you! Oh make a wish muna bago magblow ng candle" sabi ko habang hawak-hawak yung kambal at nakahawak sa malaking cake na may dalawang candle.
Pumikit yung kambal at sabay niblow yung candles nila. Nagpalakpakan naman yung nga bisita at nagstart na ang kainan.
Habang busy yung dalawa sa pagkain ay iniwan ko muna sila para tawagan si Stephen ulit kaso gay kanina ay walang nasagot. Naku wag na talaga sya uuwi kapag napatunayan kong inuna na naman nya yang trabaho nya kesa sa birthday party ng mga anak nya.
Matapos yung kainan ay ibinigay na nung mga bisita yung gift nila sa kambal at masaya naman itong binuksan nung dalawa. Nandoon pa rin si Mr. Bunny at nakakandong sa kanya si Daphne. Nagkaroon pa ng ilang palaro bago nag-uwian.
"Salamat, salamat sa pagdating" sabi ko habang inihahatid sa may gate namin yung mga bisitang umattend ng party. Medyo madilim na rin kaya nag-uwian na.
Pagkapasok ko ng bahay ay nakahiga na sa sofa si Daphne at natutulog sa lap ni Taejoon na nanonood ng balita. Ganun din si Deniel na nakasandal naman sa sa balikat ng kuya nya. Lumapit ako sa kanila at binuhat si Daphne" Akyat ko lang to" sabi ko at tumangi naman sya. Pinalitan ko ng damit si Daphne at inayos sa kama nya. Mukhang napagod sila ni Deniel dahil sa party. Bumaba ulit ako at kinuha naman si Deniel saka inakyat sa kwarto nila ni Daphne.
Muli akong bumama at wala na si Taejoon sa salas. Umupo ako doon at pumikit, maski ako ay napagod ngayon.
Maya-maya ay may narinig akong ng yabag kaya napamulat ako at nakita ko si Stephen na dahan-dahang naglalakad sa may salas at may dala-dalang malaking paper bag na agad nyang tinago dahil napansin nya ako.
"Ano yan? San kagaling" agad na tanong ko. Lumapit ako sa kanya pero naatras sya. Pawis na pawis sya at namumula.
"Ah it's nothing" sagot nya. Napatingin ako dun sa may hawa nya at may nakita akong kung ano.
"Sa pagkaka-alam ko si Stephen Min ay isang Professional singer at Ceo ng isang kumpanya, kaya kelan pa sya nagpart time as maskot, Mr. Bunny" sabi ko. Nakita ko kasi yung tenga nung dala-dala at kagaya yun ng tenga ng maskot kanina.
"What! What are you talking about?" deny nya pa.
"Sige lang tanggi pa, sa labas ka matutulog mamaya" sabi ko saka sy nilampasan at umakyat na sa hagdan. Sabi ko na, pabango nya yung naamoy ko kanina at yung hawak nya sa akin nung maskot at hawak nya. Napailing na lang ako, para talaga sa anak nya, kahit hindi nya ginagawa, gagawin nya.
-----------
*le sings Butterfly*
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"