Sixteenth Changed
Nauna akong pumasok kay Stephen ngayon araw. Hindi kami nakapasok kahapon dahil may sakit sya at walang mag-aasikaso sa kanya. Noong gabi ay umayos na yung pakiramdam nua hanggang kaninang madaling araw kaya makakapasok na rin sya ngayon.
Malapit na ako sa pinto ng room ng napahinto ako dahil nakakita ang ng isang pares ng sapatos. Nakayuko kasi ako habang naglalakad. Inangat ko yung tingin ko at nakita ko si Jimuel na nakasandal sa may gilid ng pinto at nakacross arm. Nung magtama yung mga mata namin ay nakaramdam ako ng pagkailang dahil bigla kong naalala yung ginawa nyang pag-amin noong nakaraan. Yumuko ulit ako kasi nahihiya ako sa kanya, nagsimula akong maglakad papasok pero hinarangan nya ako.
"Why are you absent yesterday?" seryosong tanong nya sa akin. Nakapatingin ako sa kanya pero umiwas din agad ako kasi parang galit sya.
"Ah.. kasi" hindi ko matuloy yung sasabihin ko kasi hindi ko alam kung among isasagot, isa pa nagtataka ako bakit nya ako tinatanong ng mga ganitong bagay, sa pagkaka-alam ko wala akong utang na explanation sa kanya. "Why Dana?" ulit nya. Tumingin ako ulit sa kanya at seryosong-seryoso ang mukha nya.
"Hindi ba sinabi sa inyo ni Jin?" tanong ko. Tinawagan ko si Jin kahapon para sabihin na hindi kami makakapasok dahil may sakit si Stephen at ako lang yung pwedeng mag-alaga sa kanya. Gumawa na nga rin ako ng excuse letter namin kanina pero tumawag si Mam Saira na naka-usap na daw nya yung principal at nasabi na yung sitwasyon naman kaya excuse na kami kahapon. Umiling naman sya.
"May sakit kasi si Stephen kahapon eh hindi pa nauwi sila Mam Saira kaya ako yung nag-alaga sa kanya" sagot ko kahit na feeling ko hindi ako dapat nagpapaliwanag sa kanya. Para bang boyfriend ko sya at hindi ako nakasipot sa date namin kahapon kaya kailangan kong ipaintindi sa kanya.
"You should have call me" sabi nya. Nagtataka talaga ako sa kinikilos nya. Bakit parang may kasalanan ako sa kanya?
"Eh wala yung number mo dun sa bahay nila tsaka wala akong cellphone" nahihiyang sagot ko. Mahina na nga yung part na wala akong cellphone eh. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganyan, mas gusto kong pumunta sa iba't-ibang lugar kesa gumamit ng gadgets at magkulong sa bahay.
May kinuha sya dun sa bulsa nya at yung cellphone nya pala. May kinalikot sya dito tapos imabot nya yun sa akin. "Here, take this so that I can contact you. Don't you dare to put other numbers here or else" sabi nya habang inaabot sa akin yung cellphone nya. Hindi ko naman alam yung gagawin ko. Tawagin nyo na akong inosente or kung ano pero eto yung unang beses na mamakita ako ng ganito kagandang gadget na sobrang lapit. Umiling ako, hindi ko kailangan nyan.
"Wag na tsaka sayo yan eh. Isa pa--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng kunin nya yung kamay ko mula sa pagkakahawak nito sa strap ng bag ko at ilagay doon yung cellphone nya. "No more excuses" matigas na paalala nya. Napatulala ako, hindi ko alam kung paano gumamit nito.
"You've missed a lot Dana. Before I forgot we were partnered for a Reaction paper on Science so we must work on it. Are you free later? I think after school, in the library?" napatingin ako sa kanya nung matapos syang sabihin yan. Tumango ako kaya hinawakan nya yung ulo at pi-nat ito. Hawak-hawak ko pa rin yung cellphone na ibinigay nya at hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bagay na to.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"