Fifthteenth Changed

4.7K 252 66
                                    

Fifthteenth Changed

Hindi ko alam kung paano kami naka-uwi basta ang alam ko lang ay nandito na kami sa loob ng kwarto nya, nakahiga na sya sa kama samantalang ako, heto hindi mapakali kung ano gagawin. Kailangan na nyang mapalitan ng damit pero hindi ko alam kung paano. Sanay naman akong nakakakita ng mga lalaking walang pang itaas dahil sa mga pinsan kong lalaki sa probinsya pero iba pa rin kapag ibang tao.

Napayakap ako sa sarili ko dahil hindi ako makapag-isip kung paano ko sya papalitan ng damit, buti sana kung bata madali pa pero sya, hindi eh. Hindi ko makita ang sarili kong pinapalitan sya ng damit. Samahan mo pang basa rin ako at naka-on pa yung aircon sa kwarto ni Stephen. Hinanap ko yung remote ng aircon nya at pinatay ito. Mas mas lalo syang magkakasakit. Bumuntong hininga ako at pumikit. 

Kailangan ko syang palitan ng damit. Nagpunta ako sa damitan nya at kinuha yung unang damit na nakita ko dun. Kumuha ako ng isang T-shirt at panjama. Kumuha na rin ako ng towel para mapunasan sya. 

Umupo ako sa gilid ng kama nya at sinimulang punasan ang ulo nya at mga braso. Nung natapos ko na ay napalunok ako nung kailangan na talagang tanggalin yung damit. 

Isa.

Dalawa.

Tatlo

Apat

Lim---

"I'll do it". napatigil ako sa paguunbutton ng damit nya ng hawakan nya yung kamay ko at pigilan akong matapos yung polo na suot nya. 

Tumango ako at inabot yung damit na kinuha ko para sa kanya tsaka lumabas ng kwarto nya. Dumiretso ako sa kusina para gawan sya ng soup. Habang hinihintay kong maluto yung niluluto ko ay nagpalit na rin ako ng damit, baka magkasakit din ako mahirap na walang mag-aasikaso dito sa bahay.

"Come in" inuubo sya habang nagsasalita. Pumasok ako sa kwarto nya dala yung soup at mga gamot ba ipaiinom ko sa kanya. 

"Kumain ka muna" sabi ko. Inalis nya yung kamay na nakapatong sa noo nya at tumingin sa akin. Mabigat ang paghinga nya at ramdam mo ang init nya kahit medyo malayo ka sa kanya. 

Inalalayan ko syang umupo at tsaka sya pinakain. Hindi nya nakalahati yung soup na dala ko, masakit din daw kasi yung.lalamunan nya kaya hindi ko na pinilit. Pinainom ko sya ng gamot sa lagnat at sa ubo para hindi na.lumala.

"Ibababa ko lang to" paalam ko sa kanya nung makahiga na ulit sya ng maayos. Hindi pa ako nakakatayo mula sa pagkaka-upo sa may gilid ng kama nya ay hinawakan nya yung kamay ko.

"Stay here please" sabi nya. Sinipat ko naman yung noo nya at ganun parin sya kainit."Babalik ako, ibababa ko lang tong pinagkainan mo" sabi ko sa kanya. Binitawan din naman nya yung kamay ko kaya nakababa na ako. Pagkatapos kong hugasan yung pinagkainan nya ay kinuha ko yung maliit na palanggana at isang bimpo pati maligamgam na tubig. 

Umakyat uli ako tapos nilagyan sya ng bimpo sa ulo para bumaba yung lagnat nya. Habang ginagawa ko yun ay kinuha nya yung isang kamay ko at hinawakan iyon. Nagulat ako sa ginagawa nya, pero hinayaan ko na lang dahil may sakit sya. Maya-maya ay mahimbing na ang tulog nya. Ang payapa ng mukha nya habang natutulog, para syang anghel. Naalala ko tuloy nung mga panahong nakita ko sya sa ilalim ng puno doon sa nay field. Yung nakapikit sya at tinatangay ng hangin yung buhok nya. Ganun din kasi ang itsura nya ngayon. 

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon