Forty-Third Changed
"Dana" agad akong yumakap sa kanya ng makita ko kung sino sya.
"Bakit ganun sya? Hindi ba sya aware na mahal ko pa rin sya? Na hindi naman nawala yun kahit na umalis sya ha? Ang sakit sakit na na dito oh" sabi ko sabay turo sa dibdib ko. "Gusto kong kumapit, ayoko syang bitawan pero sya mismo ang nabitaw. Hindi ko na alam kung anong gawin ko."
"Shh stop crying." alo sa akin ni Jimuel. Ramdam ko ang paghaplos nya sa likod ko. "You don't need to do anything Dana everything will be ok soon, I promise"
"Dana" pareho kaming napatigil nung may magsalita. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Jimuel at humarap dun sa nagsalita habang pinupunasan yung mga luha ko.
Dahan-dahan syang lumapit sa amin.
"Is everything that you just have said ear---"
"Listen Stephen, me and Dana were not in relationship. Yes, you can see us together but it doesn't mean that were married. She's the one who's taking care of Seojin that's why she's always with me." paliwanag ni Jimuel kay Stephen. Samantalang ako kinakalma ko pa rin ang sarili ko, tumingala ako para hindi na bumagsak ulit ang mga luha ko pero nabagsak pa rin sila.
"Dana" narinig ko muli ang pagtawag nya sa pangalan ko pero bigla na lang may nagpatong sa akin ng kung ano tapos hinila ako patakbo.
Pumasok kami sa isang sasakyan at pagtanggal ko ng nakapatong sa ulo ko ay nakita ko kung paano dinagsa si Stephen ng mga reporter at kung sino-sino pa.
"We better go" sabi ni Jimuel at inistart yung kotse nya.
"Pero si Stephen" angal ko. Baka kung mapaano sya dahil sa damo ng tao.
"He can handle it" sagot ni Jimuel at pinaandar na yung sasakyan nya.
Laganap ngayon sa social media yung pagwawala ko sa concert ni Suga Min. Madaming nagsasabing ang delusional fan ko daw para sabihin yung mga sinabi ko at kung ano-ano pa. Pero ang pinagtataka nila ay kung bakit daw ako hinabol ni Stephen nung tumakbo ako palabas at marami pang kung ano-ano pero hindi ko na lang pinansin.
"Umma! Annyeonghaseyeo!" bati sa akin ni Seojin habang nasabay sa akin sa paglalakad papasok ng school.
"Good morning too Seojin-ah" bati ko pabalik.
Inihatid ko muna si Seojin sa room nya at nung pabalik na ako sa faculty ay nakasalubong ko naman si Erika kasama si Taejoon na naglalakad sa may pathway.
"Uhmm good morning!" bati nya kaya binati ko rin sya pabalik.
"Hinahanap ko yung room ni Ms. Angeles, sya kasi yung home room teacher ni Taejoon eh" sabi nya at doon ko lang napansin na nakasuot nga ng uniform ng school namim si Taejoon.
"Seojin's Umma!" biglang sabi nya at humiwalay ng hawak kay Erika.
"I miss you Seojin's Umma! Where have you been?" sabi nya sabay yakap sa binti ko. Napatawa naman ako dahil sa ginawa nya. Inalis ko yung pagkakayakap nya sa binti ko at umupo para maging makalevel kami.
"Taejoon right?" tanong ko tapos tumango-tango sya. "You're cute" dugtong ko na naging dahilan ng pamumula ng pisngi nya.
"Come, I'll send you to your room" sabi ko sabay lahad ng palad ko sa harapan nya. Tumingin sa sa kamay ko tapos kay Erika. Tumango naman si Erika tapos inilagay nya yung maliit nyang kamay sa kamay ko saka kami naglakad papunta sa room nya which is room din ni Seojin.
Pagkalabas ko ng room nila Seojin ay nasa tapat na si Erika.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko. Umiling naman sya. "Hindi na"
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"