Fourth Changed

5.5K 298 88
                                    

Fourth Changed

Dana's POV

Nakanguso akong naglalakad papasok ng eskwelahan habang nakahawak sa dalawang strap ng bag ko. Nakakainis kasi si Kuya Stephen kanina. Ang aga-aga nang-aasar. Nanood kasi ako ng Empress Ki sa malaki nilang TV sa sala kagabi. Pinagalitan pa nga ako ni Nanay pero di ako nagpatinig, paborito ko yun eh!
Pasensya na, mas maliki ng sampung beses yung T.V nila kesa sa T.V namin sa bahay kaya ayun, nawili ako tapos gabi na ako nakatulog. Nagkaroon tuloy ako ng Eye bags tapos nakita nya ako kaninang umaga, ayun di na ako tinigilan.

Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Sinipa ko yung isang maliit na bato na nasa harapan ko. Hindi ko na nakita kung saan napunta.

Nagsimula ulit akong maglakad papunta ng room pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.

"Ikaw ba yung sumipa ng bato?" inis na tanong ni Kuya kaya nataranta ako. Nakita kong nakahawak sya sa noo nya at magkasalubong ang mga kilay nya. Tanda ng galit. Tinamaan pala sya?

"Hala Kuya sorry di ko sinasadya" hingi ko ng paumanhin sa kanya. Bigla nya akong hinila papunta sa kung saan kaya nagtaka ako.

"Kuya san tayo pupunta? May klase pa ako!" sabi ko sa kanya pero hindi sya nakinig, mas binilisan nya pa yung paglalakad.

"Don't care" sagot nya. Habang naglalakad kami ay maraming mata ang nakatingin sa amin. Tumigil sya sa paglalakad at tinignan yung mga nakatingin sa amin.

"What?" pasigaw na tanong nya then nagsialisan na yung mga tao at nasibalik sa mga gawin nila.

Muli nya akong hinila at nakarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin ay inilock nya yung pinto na ikinagulat ko.

"Oi bakit mo nilock?" tanong ko sa kanya, ngumisi naman sya.

"So that nobody will disturb us" sagot nya tapos dahan dahang naglakad papalapit sa akin. Nanlaki yung mga mata ko sa sinagot nya at nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko. Habang naglalakad sya papalapit at umuurong naman ako. Teka parang pamilyar sya.

"Why are you scared? You have the guts to kick a stone without knowing if someone might be hit by it then now you're scared?" sabi nya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Nakipagtitigan din naman ako at puro lungkot ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Hindi ko naman sinasadya eh" giit ko pero ngumisi lang sya.

Hindi ko namalayan na sa kakaurong ko eh may bagay na pala sa likod ko. Napa-upo ako dun. Nagtaka ako kasi malambot yung binagsakan ko kaya tinignan ko yung paligid ko. Nasa clinic pala kami at napaupo ako sa isa sa mga kama dito. Wrong move nga lang yung paglingon ko dahil napakalapit na ng mukha nya sa akin.

"Wanna go to heaven?" nakasmirk na tanong nya sa akin. Kinabahan naman ako pero hindi ko pinahalata sa kanya.

Inilapit nya yung mukha nya sa leeg ko kaya napaurong ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sa tingin naririnig nya yun. Napalunok ako nung maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko.

"Ah--" sabi ko. Nagbabakasakaling umalis na sya harapan ko. Mukhang effective naman kasi umalis sya at tumayo ng maayos. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakasmirk sya at may nakakalokong tingin.

Nanlaki ang mata ko pero pumikit din agad ng bigla sya lumapit sa akin na para bang hahalikan ako. Narinig ko ang pagtawa nya kaya iminulat ko yung isang mata ko at nakita kong tumatawa nga sya.

Umayos naman ako ng pagkakaupo.

"Haha don't worry you're not my type" nakangisi na sabi nya at may kinuha dun sa cabinet ng clinic. Nag-init naman ang ulo ko. Di dahil sa sinabi nya kundi dahil sa dinala nya ako dito para lang asarin. Late na ako sa klase ko!!

"Kung tapos ka ng mang-asar pwede na ba akong lumabas at late na ako sa klase ko." inis na sabi ko sa kanya at tumayo na para lumabas.

Malapit na ako sa pinto ng magsalita sya.

"Try to go out from this room and I'm going to rape you" sabi nya na nagpatigil sa akin sa pagbukas ng pinto. Humarap ako sa kanya at nandun pa rin sya sa harap ng cabinet at may kinukuha.

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kanya. Nakakainis sya!

Humarap sya sa akin at at itinaas ang isang bote ng alcohol at bulak.

"Better clean my wound first before you go or else" sabi nya tapos umupo dun sa kama at tinapik yung space na katabi nya.

Di ko na sya pinatapos naglakad na ako papalapit sa kanya at kinuha yung alcohol at bulak sa kamay nya.

"Ouch" daing nya tapos inilayo nya pa yung ulo nya sa akin.

"Ilapit mo. Pano kaya magagamot ng maayos, tsaka ang arte mo ha. Ang liit-liit nung sugat kung makadaing ka kala mo ang laki" inis na sabi ko sa kanya. Paano maliit lang naman yung sugat kung makadaing kala mo inooperahan.

"Aissh Be careful. My fangirls will kill you if something happens on my face" daing nya. Kumuha ako ng isang band aid tapos inilagay ko yun sa sugat nya.

"Edi sana sa kanila ka nagpagamot" sagot ko. Inipon ko yung kalat naman tapos tinapon yun sa basurahan.

Pag harap ko ay nakapikit sya. Hindi ko alam pero parang may malaki syang pinagdadaanan. Ang lungkot ng mga mata nya.

Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan nya para kunin yung bag ko. Sa tingin ko tapos na ang misyon ko sa kanya dahil nalinis ko naman na yung sugat nya. Dahan-dahan kong hinihila yung strap ng bag ko para mapalapit yun sa akin ng bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya at niyakap ako sa may bewang. Nagulat ako sa ginawa nya kaya nagpumiglas ako pero mas hinigpitan nya lang ang pagkakakapit sa bewang ko.

"Huy ano ba!" sabi ko sa kanya habang inaalis yung mga kamay nya. Naiilang ako at the same time may makakita sa amin eh kung ano pang isipin.

"5 minutes" sabi nya kaya napatigil ako sa pag-aalis ng kamay nya."Give me 5 minutes" dagdag nya. Napabuntong hininga na lang ako at ibinababa ko na yung kamay ko.

Nakamamatay ang mga tingin nya at nakakatakot ang itsura nya pero sa ginawa nyang pagyakap sa akin, para syang isang bata na kulang sa pagmamahal ng magulang.

Alam kong lampas na ng limang minuto yung pagkakayap nya sa akin pero binaliwala ko. Sa tingin ko, ito lang ang kailangan nya ngayon at ito lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng clinic kaya napalingon ako doon. May pumasok? Hindi ba ni lock nya yun kanina?

Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap nya at inalis na nya ang nga kamay nya sa bewang ko. Pinnasan nya yung mga mata nya gamit yung likod ng palad nya. Umiyak ba sya?

"You may go" utos nya sa akin pero isinantabi ko dahil feeling ko umiyak talaga sya.

"Umiyak ka ba?" tanong ko. Umiling sya at yumuko.

"Go" ulit nya. Kinuha ko yung bag ko at isinabit yun sa likod ko.

Napatingin ako sa I.D nya at nakita ko yung panglan nya.

Jimuel Jung

San ko ba narinig yung pangalan na yan?

-------------------
Updated!

Sana may nagbabasa pa HUHU TT^TT

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon