Thirteenth Changed
"Dana pili ka!" masayang sabi ni Vincent sa akin sabay lahad ng dalawang puting papel sa harapan ko. Nagtaka naman ako kung anong meron dun.
"Ano yan?" tanong ko pero hindi pa rin ako napili. Malay ko ba kung ano yung nga yun, knowing Vincent he's the 4D Prince kaya malamang galing na naman sa planeta nya tong mga nasa harap ko.
"Basta pili ka" sabi nya. Tinuro ko na lang yung nasa kanan para matigil na sya. Inangat nya yun at biglang ngumiting tagumpay. Ayan na naman sya sa pagiging 4D nya, minsan nga natatakot na ako eh.
"Hehehe" tawa nya kaya parang kinabahan ako. Mukhang napasubo ako sa Alien na to ah?
"DaPhen yiee" sabi nya tapos iniwan sa akin yung pinili ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong picture namin to ni Stephen nung nasa Tagaytay pa kami. Yung kasakay kami sa kabayo at nasa likuran ko sya. Namula agad ako nung maalala ko yun. Kinuha ko yung picture at ipinasok sa bag ko. Baka may iba pang makakita.
"Ayun Dana?" tanong ni Cherry kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ah.. eh wala yun" sagot ko. Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan si Cherry, nahihiya kasi ako.
"Talaga? Oh sige kain na tayo gutom na ako" buti naman at hindi na sya nangulit. Pumunta kami ng Cafeteria para kumain. Lunch Break na kasi namin kaso tong si Vincent nangulit pa.
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng umuwi kami. Masaya naman yung pangalawang araw namin sa Tagaytay. Kung saan-saan kami napunta at kumain. Ang saya nilang kasama, naisip ko nga sana kasama ko si Cherry baka mas maging masaya. Ako lang kasi yung babae kaya minsan ako yung target nilang pagtripan.
Nalaman ko rin na alam pala na Mam Saira yun at sa kanya galing yung damit na ibinigay sa akin ni Stephen. Tinanong rin nila kung bakit ako nandun sa bahay nila syempre sinabi ko yung totoo, wala namang dapat itago at wala akong ginagawang masama.
Binilhan nga ako ni Vincent ng damit eh, pareho kami. Naiingit daw sya nung makita nyang pareho kami ng damit ni Stephen kaya ayun noong sumunod na araw kami naman ni Vincent ang magkapares ng damit. Tapos lagi syang nakadikit sa akin,dapat daw kunyari magshota kami since pareho naman kami ng damit.
Bumalik kami sa classroom pagkatapos nun. Nagdisscuss lang at ilang quiz.
"Una na ako ha?" paalam ni Cherry sa akin. Kanina pa sya nagpaalam na mauuna sya umuwi kasi Birthday daw ng Nanay nya, yung yaya na palagi nag-aalaga sa kanya. Ayun susupresahin daw nya.
Inayos ko yung mga gamit ko at saka naglakad palabas. Wala pa rin sila Mam Saira kaya kailangan kong umuwi ng maaga para makatulong sa paghahanda ng pagkain.
"Dana" napatigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Jimuel. Nandun sya sa isa sa mga bench at nakatayo. Sinenyasan nya ako lumapit sa kanya kaya lumapit ako.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
FanfictionBangtan Series No.1 "He's Stephen, the Silent Prince"