Seventeenth Changed

5.2K 235 269
                                    

Seventeenth Changed


"Dana sweetie, don't worry I'm here and Stephen, he will accompany you" kanila pa nagpapaliwanag si Mam Saira na wag akong kabahan pero habang papalapit kami sa pupuntahan namin ay mas lalo akong kinakabahan. Isinama lang naman nya ako sa isang party with her 'AMIGAS'. Kakauwi lang daw kasi nung anak nung kumare nya kaya ayun may paparty. Hindi ko nga alam kung bakit ako napasama dito eh. 


Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula noong maka-uwi sila ni Nanay mula sa Probinsya. So far Ok naman na yung Mama nya at successful ang operasyon na ginawa dito. Alam na rin nya na nagsasalita na ulit si Stephen, nagka-iyakan pa nga nung marinig nya si Stephen na magsalita. Alam mo yung parang first word ni Baby? Ganun yung naging reaksyon nya! Well hindi ko naman sya masisisi kasi Nanay sya at masakit sa kanyang hindi magsalita yung anak nya kahit alam kong may dahilan sya. 


At napatunayan kong tama si Jimin, BULLY si Stephen! Palagi ba naman akong asarin? Syempre ako si pikon maasar kaya lalo pa nyang aasarin.. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya lalo na kapag nakikita ko syang nakangiti, hindi man yun kasing ganda nung mga ngiti nya dun sa picture nilang dalawa ni Maybel pero alam mong tunay naman yun. 


"Amanda! Kamusta na? Tagal na nating di nagkita ha?" bati ni Mam Saira dun sa babaeng sumalubong sa amin. Feeling ko nasa Mount Olympus na naman ako dahil sa mga nakikita kong magagandang babae at lalaki dito sa loob ng isang malaking mansyon. Nagbeso-beso sila nung babae at nagtanungan ng kung ano-ano. 


"Is this Stephen? Wow ang laki mo! Lalo kang pumogi" bati kay Stephen nung babae kaya nagbeso rin sya dito. Pagkatapos nyang magbeso ay naramdaman kong hinawakan ni Stephen yung kamay ko. Napadako yung tingin nung babae dun sa kamay naming nagkahawak.


"And who this lovely girl?" tanong nung babae at tinignan ako. Pilit akong ngumiti para hindi naman nakakahiya. Tumabi sya sa akin at tinignan akong mabuti. 


"Oh she's Dana" sagot ni Mam Saira at tinginan din ako, naramdaman kong pinisil ni Stephen yung kamay kong hawak nya. 


"Ahh Good evening po" bati ko dun sa babae kaya mas lumaki yung ngiti nya. Tumingin sya kay Stephen at hindi ko inaasahan yung sunod na sasabihin nya.


"She's my girlfriend" sabi ni Stephen. Napagasped naman yung babae pero agad din syang nakabawi. 


"Really? She's beautiful. I like her" sabi nito kaya Stephen. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango si Stephen. Nagpaalam si Mam Saira at yung babae na doon muna sila kaya naiwan kami ni Stephen. Pinunta nya ako sa isang table at umupo kami dun. 


Napakaraming tao ang nandito, puro mga mayayaman base na rin sa mga damit nila at alahas. Feeling ko hindi ako nababagay dito. 


"Are you hungry?" napatingin ako laya Stephen ng marinig ko yung tanong nya. Actually wala akong tanghalian dahil kinulit na ako ni Mam Saira na mag-ayos tanghali pa lang. Kesyo kukulutin daw yung buhok ko para bumagay sa damit ko pero, too bad si tumalab yung curler at gamot sa buhok ko. Naging wavy lang -_-. Pero kahit nakakaramdam na ako ng gutom ay umiling ako, parang hindi ko ata kayang kainin yung mga pagkain dito. Nakakahiya, sampid lang ako dito kakain pa ako. 

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon