Chapter 44

9.6K 197 9
                                    

"I'm home."

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Luke. Oo, iba ang pakiramdam na nandito ako sa Condo ngayon. Akala ko ay malulungkot ako pero hindi pala, I somehow felt comfort... pero alam ko namang hindi itong condo ang tahanan ko kung hindi siya. Kahit naman nandito ako, kung wala siya ay wala rin.

"Nandito ka na kasi sa condo." He chuckled.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya kung posible pa ba 'yon. "I'm home," I looked up to him. "Nandito na kasi ako sa yakap mo."

He looked at me. I saw how his eyes twinkle. Pinipigilan pa niya ang ngiti niya pero kitang-kita naman sa mga mata niya. "Ikaw talaga," nahihiyang sabi niya. Natawa ako bago hilahin ang maleta ko tapos dumiretso na ako sa kwarto.

"Huwag mo na munang ayusin 'yan. Kain muna tayo." sabi ni Luke nang makapasok ako sa kwarto.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang inaayos na sa lamesa 'yung binili namin sa Drive-Thru kanina, malamig na siguro 'yon.

"Init ko muna." Kinuha ko ang burger sa brown paper bag at inilagay sa microwave.

After preparing the food, we ate. Wala namang huhugasan na plato kaya naglinis na rin kami kaagad ng katawan. Nauna na ako maglinis, nakahiga na ako ngayon dito sa kama at hinihintay si Luke.

It was so overwhelming, laying here in the bed where I spent my best days in my entire life. Mas lalo pa siguro kapag katabi ko na si Luke mamaya. He really calms my heart.

"Nakakamiss naman," Napatingin ako kay Luke na nakatayo sa tapat ng pinto habang nakangiti. "Nakakamiss kang makitang naghihintay sa 'kin diyan sa kama."

I tapped the space beside me. "Halika na, pahinga na tayo."

Napakamot si Luke sa ulo niya. "Eh, marami pa kasi akong tatapusing trabaho, eh."

I smiled sadly. "Ganoon ba? Sige, ako magpapahinga na." sabi ko bago tumalikod sa kaniya at pumikit. Gusto ko nang matulog, parang ang daming nangyari ngayong araw.

Nakapikit na ako nang may biglang yumakap mula sa likuran ko. Nararamdaman ko ang hininga ni Luke sa batok ko.

I held his hand that is hugging me. "Akala ko marami ka pang work?" tanong ko, nakatalikod pa rin sa kaniya.

"Mamaya ko na lang gagawin kapag nakatulog ka na, tatabihan muna kita." he said. His breath that I'm feeling on my neck gave me goosebumps.

Humarap ako sa kaniya. Pinakatitigan ko ang buong mukha niya. Napangiti ako at hinawakan ang pisngi niya.

"Bakit?" he asked when he noticed that I'm staring at him.

"Wala," I answered, still smiling. "Hindi ko lang inakala na mangyayari pa pala 'to."

Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya tapos hinalikan niya. "It's been a long time... but we're here."

"Na-miss kita, alam mo ba?" pag-amin ko.

"Ako rin." He hugged me. "Sobra."

"Noong oath taking mo," I suddenly said. Bumitiw siya sa yakap niya at humarap sa 'kin.

"Hmm?"

"Nagpunta ko para tuparin 'yung promise ko. Na nandoon lang ako kapag tinutupad mo na 'yung pangarap mo... kahit malayo, kahit hindi mo 'ko makita, nandoon lang ako.

He hugged me again and caressed my hair. "Thank you," he whispered with so much sincerity. "Thank you, Elly."

Yumakap din ako sa kaniya at pinikit na ang mata. "Good night, I love you."

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now