Chapter 2

12.1K 272 90
                                    

"Salamat."

'Yun lang 'yung nasabi ko sa kaniya. Tumayo na siya sa harapan ko, nakatingin lang ako sa kaniya. Maya-maya ay inaabot ko na 'yung panyo sa kaniya pero nagsalita siya kaagad.

"Sa 'yo na muna 'yan, mukhang kailangan mo pa." ngumiti siya sa akin bago umalis.

Sino siya?

Hindi ko na muna inisip dahil baka matulad lang ulit kay Eugo, sa sobrang sabik kong mahalin ay nagmahal ako ng maling tao.

Ilang araw kong hindi kinakausap sina Calynn, linggo na nga 'yata. Hindi ako galit sa kanila, sa totoo lang ay nahihiya ako dahil sa inasal ko. Parang wala na akong mukhang maiharap.

Nang makauwi ako dahil tapos ko nang i-submit 'yung mga final requirements ko ay biglang tumawag si Addie. Kakapasok ko pa lang ng pinto ay sinagot ko na kaagad.

"Hello, Addie?" umupo ako sa couch.

(Hello, Elly. Si Calynn daw nasa presinto!) natataranta niyang sabi.

Napatayo kaagad ako. "Ano'ng nangyari?"

(May gusto raw mang-rape, ewan! Tinawagan lang ako ni Lian at natataranta rin siya kaya hindi niya naipaliwanag, pumunta ka na, papunta na kami!) hindi pa ako nakakasagot ay ibinaba na niya 'yung tawag. Halos lumipad ako papunta sa presinto. Parang gusto ko na ngang hampasin si manong jeepney driver para bilisan.

"Elly," nagmamadaling lumapit sina Addie sa akin nang makita nila ako sa labas ng presinto, mukhang kadarating lang din nila.

"Ano'ng nangyari?" tanong ko kaagad.

"Hindi ko alam, tara na." sagot ni Addie bago nagmamadaling pumasok sa presinto.

"What happened?" tanong ni Addie kay Calynn.

"That..." hindi makapagsalita si Calynn. "That Eugo." napalingon silang lahat sa akin nang marinig 'yung pangalan ni Eugo.

"Anong... anong ginawa niya sa 'yo?" nang-gigilid na 'yung luha ko. Kilala ko na ngayon si Eugo, wala siyang ibang gusto kung hindi mang-abuso ng babae.

"He..." umiiyak siya. "He tried to..." hindi niya masabi, hindi siya makapagsalita. "He tried to rape me." sunod-sunod na bumagsak 'yung luha niya at ganoon din ako.

Pakiramdam ko ay ako ang naglagay sa kaniya sa sitwasyon na 'to, ang gusto niya lang ay ipagtanggol ako pero siya pa 'yung napahamak. Anong klaseng kaibigan ako?

Nanghina ako sa nangyari, takot na takot si Calynn lalo na noong hindi naipakulong si Eugo dahil inareglo raw noong tatay. Nakakaawa.

Tinanong ko si Calynn kung pwede kaming mag-usap, gusto ko lang magsorry. Gusto ko lang malaman niya na nagsisisi ako sa mga nangyari.

"What is that, Elly?" umupo siya sa harapan ko.

"Calynn," naiyak na kaagad ako kahit wala pa akong nasasabi. Nakaka-guilty!

"Why are you crying?" hinawakan niya 'yung kamay ko.

"Sorry, Calynn." napahikbi ako. "Sorry sa lahat. Alam ko namang pinagtanggol mo lang ako kaya nangyari 'yon sa 'yo." napahawak ako sa bibig ko para pigilan 'yung paghikbi.

"Stop it, Elly. It's not your fault." Kahit sabihin niya 'yon ay hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko.

"Sorry, Calynn. Ngayon ko lang na-realize na gusto mo lang akong protektahan. Pinili ko pa siya kaysa sa inyo noon. Ngayon, alam na alam ko na 'yung tunay niyang kulay." iyak lang ako nang iyak.

"If anything good happens sa nangyari sa akin," panimula niya. "Iyon ay natauhan ka na at bumalik ka na sa 'min." bigla na lang siyang naluha. "Okay na na ako 'yung nakaranas kaysa ikaw Elly." tumabi siya sa akin at niyakap ako.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now