Chapter 41

8.9K 175 19
                                    

"Hindi naman ganoon kadali 'yon, Luke."

Bumitaw ako kaagad kay Luke nang ma-realize ko na maraming dapat i-consider, unang-una na roon ang mga magulang niya. Alam kong ayaw nila sa 'kin at hindi ko alam kung paano ko sila haharapin ulit.

"Hindi ko naman hinihiling na balikan mo 'ko kaagad, Elly. I'm just asking for a chance. A chance for me to prove myself to you this time."

I wiped the tears in my cheek. "Halos apat na taon na ang nakalipas, Luke. Marami nang nagbago."

"Pero hindi ang pagmamahal ko sa 'yo." he answered.

I closed my eyes and stayed silent. I know I've been waiting for him to tell me that he still loves me, pero ngayon, nauna sa 'kin ang takot. Takot sa mga magulang niya, takot na baka masaktan kami ulit, takot na baka maulit ang mga nangyari noon.

"Iyong mga magulang mo,"

"I'm old enough to make a decision for myself. I'm trying my best to be a better person now, Elly. Just... just please, give me a chance." nanghihinang sabi niya, parang nawawalan na ng pag-asa.

I nodded. "But, I'm not promising anything,"

"I'll take my chances," he replied, pulling me closer to him to give me a hug. "Oh, God, I miss you." he whispered while caressing my hair. I just hugged him back.

I miss him, too.

-

It was already lunch when I decided to go to the cafeteria. Hindi ko makita sina Mylene kaya naman mag-isa na lang akong bumili ng food.

Habang naghahanap ako ng table, nakita ko si Margaux sa isang table na kumakain kaya napagdesisyunan ko na lang na roon umupo.

"Ano? Kayo na ba ulit?" tanong ko pagkalapag ko ng tray sa lamesa. Umupo na ako sa upuan sa tapat niya.

She shook her head. "Anong nangyari sa 'yo? Sinong naghatid sa 'yo?"

Tinanggal ko sa tray ang plato at cup ng juice ko pagkatapos ay nilagay ko ang tray sa gilid ng table. "Si... Si Luke." pag-amin ko.

"Right," she said. "Akala ko imagination ko lang na nakita ko siya. What happened?"

Tinikom ko ang bibig ko habang naglalagay ng sabaw ng Adobo sa kanin ko. I chose Adobo today. "Uhm, ano raw."

Pinagdikit ni Margaux ang kutsara at tinidor niya dahil tapos na siyang kumain pagkatapos ay uminom siya sa bottled water niya. Tinaasan lang niya ako ng kilay, naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Nanghihingi ng chance."

Margaux almost spit out her water. Tinakpan niya ang bote ng tubig niya bago humarap sa akin. "Chance?"

I nodded. "Ang bilis, 'no? Ilang beses pa lang kaming nagkikita ulit."

She put down her bottle on the table. Pinagkrus niya ang braso niya bago tumingin sa 'kin. "May girlfriend ba siya or naging girlfriend simula noong naghiwalay kayo?"

I shook my head. "Wala raw. Hinihintay raw niya ako."

"Then, what's your problem?"

"Iyong magulang niya. Iyong trauma ko. Natatakot ako na baka mauwi kami ulit sa hiwalayan. Ayaw ko ng bumalik sa psychiatrist."

Tumingin sa itaas si Margaux, nag-iisip. "Hindi mo naman siya babalikan kaagad. Tignan mo muna kung saan ka mas sasaya, kapag kasama mo siya kahit natatakot ka, o kapag wala siya pero panatag 'yung loob mo na hindi ka masasaktan."

Napaisip ako. Uminom ako ng juice ko bago tumango. "Oo nga, chance lang naman daw."

After we ate lunch, bumalik na kami ni Margaux sa trabaho. Nang pauwi na ay nakita ko si Mylene sa cubicle kaya bumati muna ako sa kaniya bago umuwi.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now