Chapter 15

7K 148 9
                                    

"Happy New Year!"

Magka-video-call kami ngayon ni Luke. Nandito lang ako sa kwarto ko dahil hindi naman ako lumalabas kapag New Year. Ayaw kasi nina Papa na nandoon ako, family only raw 'yung manonood ng fireworks. Nandoon si Luke sa balcony ng condo niya, nasa likuran niya 'yung mga fireworks dahil gusto raw niyang ipakita sa 'kin.

(Happy New Year din, bal!) sigaw rin sa 'kin ni Luke. (Hayaan mo, darating din 'yung panahon na sabay tayong manonood ng fireworks.)

"Oo naman." I smiled.

Pagkatapos noong lunch namin kasama 'yung family niya, mas lalo akong natakot. Natatakot ako dahil kung hindi nila ako matatanggap, wala akong ibang choice kung hindi iwan si Luke. Ayaw ko naman na dumating sa point na mamimili siya kung ako o pamilya niya. Mas matagal niyang kasama 'yung pamilya niya. Iyon dapat ang piliin niya.

Nagsimula na 'yung second sem ko ng first year. Isang sem na lang, graduating na si Luke. Ahead sa 'kin si Luke ng isang taon pero parehong 5 year course 'yung course namin kaya mauuna pa rin talaga siyang gumraduate, pagka-graduate niya ay mag-a-apprentice pala siya sa company nila.

Nandito ako ngayon sa bench ng school at naghihintay kay Luke dahil Valentine's Day at mag-d'date daw kami. Ang sabi niya ay roadtrip na lang kami dahil sigurado raw siya maraming tao sa mga restaurants. Okay rin naman sa 'kin dahil mas gusto ko 'yon, mas may privacy kami.

"Uy," Tinanguan ako ni Lian nang dumaan sila ni Drew sa harapan ko. Nakaakbay pa si Drew sa kaniya, ang cute talaga nila.

"Hello, Elly." bati ni Drew.

"Hello rin, enjoy." pang-aasar ko. Napailing at natawa na lang si Lian bago nagpatuloy sa paglalakad.

Tumingin ako sa relo ko. Halos 5:30 na at wala pa rin si Luke. Ang sabi niya ay hanggang 5:00 lang siya. Tumingin-tingin ako sa paligid, napangiti ako nang makita ko si Luke na lumabas sa Archi building pero nawala 'yung ngiti ko nang makita kong sumunod si Eugo at parang may sinasabi sa kaniya.

Napatayo kaagad ako at lumapit kay Luke. Parang naiirita si Luke sa sinasabi ni Eugo. Nang malapit na ako sa kanila ay napatingin silang dalawa sa 'kin. Ngumisi pa si Eugo at kumaway sa 'kin.

"Hi, Elly." bati ng gagong si Eugo.

"Ano 'yon?" irita kong tanong.

"Bye," ngumisi na naman siya bago umalis.

Napatingin ako kay Luke na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Hinawakan ko 'yung braso niya. "Okay ka lang? Ano'ng sinabi niya sa 'yo?"

"Wala, tara na." tipid na sagot ni Luke bago lumakad paalis. Iniwan niya ako rito. Napailing na lang ako bago sumunod sa kaniya. Ano ba'ng sinabi ni Eugo? Bakit biglang ganito na ang pakikitungo sa 'kin ni Luke. Hindi ako sanay, mas sanay ako na makulit siya.

"Bal," Kinalabit ko siya pagpasok ko ng kotse niya dahil nauna na siyang pumasok. "Bal, ano'ng sinabi ni Eugo?"

Napapikit si Luke at huminga nang malalim bago tumingin sa 'kin. "Wala, bal. Happy Valentine's Day." Ngumiti siya. Hindi ako na-convince, alam kong may sinabi si Eugo.

"Sabihin mo muna sa 'kin kung ano 'yung sinabi sa 'yo ni Eugo, please."

"Wala nga," He smiled. "Tara na." Binalik na niya 'yung tingin niya sa harap at pinaandar na 'yung sasakyan. Hindi na lang ako nagtanong dahil parang ayaw rin naman niyang sabihin.

"Ano'ng gusto mo?" tanong ni Luke nang huminto kami sa Drive-Thru ng Burger King.

"Kahit ano na lang." sagot ko. Tumango na lang siya at umorder ng dalawang burger. Nang ibigay sa kaniya 'yung brown paper bag ay hindi niya malaman kung saan ilalagay. "Akin na."

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now