"Ano ba isusuot sa party?"
Nandito kami ni Margaux sa coffee shop. Isang linggo na rin ang lumipas magsimula 'yung nangyari sa resto-bar. I haven't heard anything from Luke, anyway.
"Formal, of course." sabi niya bago sumimsim sa kape niya. Wala kami parehas pasok ngayon. Rest day namin at buti na lang ay pinayagan 'to ng Mommy niya.
"Wala yata akong isusuot." I laughed awkwardly.
Binaba ni Margaux ang kape niya pagkatapos ay tumingin sa akin. Pinakasuri-suri pa niya 'yung mukha at katawan ko. "I think, alam ko na ang dapat nating gawin ngayon."
My forehead creased. "Ano?"
"Shopping tayo, gusto mo?" She smiled.
Umiling kaagad ako. "Ayaw ko nga. Sayang pera, 'no!" pagre-react ko kaagad.
She chuckled lightly. Napakahinhin talaga nito. Akala ko ay mahinhin na ako pero mas mahinhin siya, para ngang hindi nagagalit eh.
"Of course, sagot ko."
Umiling ulit ako. "Ayaw ko nga, 'no. Baka may masabi pa 'yung Mommy mo."
"Elly, Mommy would love that. Alam mo namang gustong-gusto ka noon, right?"
Umiling ulit ako. "Ako na magbabayad ng sa 'kin. Ang bibilhin ko lang naman ay 'yung susuotin ko."
Natawa ulit si Margaux. "Elly and her pride," sabi niya bago tumayo. Kinuha niya ang bag niya sa upuan pagkatapos ay hinila na niya ako. Napatayo na lang ako at nagmamadaling bitbitin ang kape ko.
We went to the mall. Hindi ako pamilyar sa mall na 'to dahil mukhang mayayaman lang ang nagpupunta rito. Nagtitingin-tingin lang ako habang ito si Margaux ay parang alam na alam na kung saan kami dapat pumunta.
"Ayun, doon tayo." sabi niya bago kami lumakad papunta sa may mamahaling store. Parang ang hirap ngang gumalaw rito dahil kapag nakabunggo ka ng mannequin, mukhang babayaran mo kaagad. Mukha pa namang mahal 'yung mga damit.
"What can I do for you, Ms. Ruiz?" sabi noong isang babaeng nakatayo. Kilala na pala si Margaux dito.
"I want a dress for her." sabi niya sabay turo sa 'kin. Sinabi niya 'yung mga gusto niya sa dress at mga request niya. Sabi ng sales lady, titignan daw niya kung may available.
Nang lumabas 'yung saleslady, tinawag na niya ako para masukat ko na raw 'yung long dress. Naiwan tuloy si Margaux dahil pumasok na ako sa dressing room.
Binigay sa 'kin 'yung dress. Ang ganda. Color black siya tapos mayroon lang siyang spaghetti strap. V-neck din tapos may ilang parang diamonds sa itaas. Hanggang binti siya tapos mayroong kaunting slit sa kaliwang hita. Hindi naman masiyadong mataas, okay pa rin naman.
Sinukat ko na 'yon at nang matapos ako, tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
I looked so elegant. Parang hindi na ako 'yung dating Elly noong college. Although, ako pa rin naman 'to, parang ano lang, naging better.
"Oh, my gosh." Bahagyang napaawang pa ang labi ni Margaux nang lumabas ako ng dressing room.
"Okay lang ba?" nahihiyang tanong ko.
"What? Are you serious? It's perfect!" sabi ni Margaux tapos ay nilapitan ako. Pinaikot niya ako sa pwesto ko para makita niya 'yung likod. "Gosh, you're so beautiful."
Nang babayaran na namin, nagulat kaagad ako dahil 25,000 daw, dress lang naman 'yon pero napakamahal! Parang gusto ko na tuloy umatras.
"Ah, Margaux, nanghihinayang kasi ako." nahihiyang sabi ko nang pumunta na kami sa counter.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...