"Hala, bakit ka umiiyak?"
Napadilat ako, nagmamadali si Luke na lumapit sa akin para punasan 'yung luha ko. Natawa ako nang bahagya at lumayo sa kaniya. Ako na 'yung nagpunas ng luha kong walang pakikisama at bigla-bigla na lang tumutulo.
"Wala, sige na kain na tayo." I faked a laugh. Umupo na rin ako sa upuan. Ginulo pa niya 'yung buhok ko bago umupo sa tapat ko.
"Nakaka-guilty. Pakiramdam ko pinaiyak kita." biglang sabi niya.
"Baliw!" Tumayo ako para kumuha ng plato at kutsilyo. Cake lang pala 'yung nandito sa table. "Happy birthday." Nilapag ko 'yung plato sa tapat niya.
"Akala ko talaga nakalimutan mo." Naiiling-iling pa siya habang pinaglalagay ako ng cake sa plato ko.
"Pwede kaya 'yon," bulong ko. "Saan ka nga pala galing?"
Napatingin siya sa akin. "Saan?"
"Wala ka bang ibang pinuntahan?" tanong ko habang inaayos 'yung tinidor sa plato ko, nag-iiwas ng tingin.
"Mayroon, sa mall." sagot niya. Hindi na ako nagsalita at tumango na lang ako. Ilang minuto kaming tahimik bago siya nagsalita ulit. "Bakit?" biglang tanong niya kaya napangiti ako.
"Wala naman." I smiled a bit.
"Sure?" Tinaas niya 'yung kilay niya.
"Oo naman."
Hindi na siya nagsalita kaya kumain na kami. Nang matapos na kami kumain ng cake ay kumuha si Luke ng baso at tubig. Pinaglagay pa niya ako.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong niya habang naglalagay ng tubig sa baso niya.
"Wala naman akong sasabihin." tipid na sagot ko bago uminom ng tubig.
"Hindi ako sanay." He chuckled. Napailing ako at tumayo. Kinuha ko na 'yung pinagkainan namin at nilagay sa lababo. "Uy, ako na." Bigla na lang sumulpot si Luke sa gilid ko.
"Ako na, birthday mo, eh." I laughed.
"Hay nako!" Ginulo na lang niya 'yung buhok ko bago umalis, hindi na pinilit ang kaniya. Nilingon ko pa siya at umupo na siya sa couch, mukhang manonood dahil kinuha 'yung remote.
Habang nag-iisip ako ay hindi ko maiwasan isipin 'yung mga sinabi nina Calynn at Lian. Paano nga kaya kung magkabalikan sina Celine at Luke? Ano ang mararamdaman ko?
Gusto ko ba si Luke o natatakot lang ako na mawala siya sa buhay ko? Gulong-gulo na ako.
Hindi ko namalayan na tapos na pala 'yung hinuhugasan ko. Masiyado akong kinain ng pag-o-overthink. Napabuntong-hininga na lang ako bago pumunta sa couch para tumabi kay Luke.
"May gusto kang panoorin?" tanong niya habang naghahanap ng papanoorin sa netflix.
"Wala naman."
"Ito na lang." Bigla niyang pinlay 'yung She's The One. Iyong kay Bea Alonzo at Dingdong Dantes.
Abala kaming nanonood. Parang gusto kong itigil 'yung pinapanood namin nang ma-realize ko na mag-best friend pala 'yung dalawang bida. Napatingin pa ako kay Luke.
"Hmm?" tanong niya habang nanonood pa rin. Nakita niya siguro sa gilid ng mata niya na nakatitig ako.
"Wala." Binalik ko na lang 'yung tingin ko sa TV.
Kumuha ako ng unan at niyakap 'yon noong part na nagki-kiss na sina Bea at Enrique. Grabe, ang akward naman. Sumulyap ako ng tingin kay Luke na nakasandal lang sa couch. Wala man lang reaksyon.
"Bal," bigla akong tinapik ni Luke.
"Ay, kiss!" Napatakip ako sa bibig ko at napatingin ako kay Luke. Nag-iwas kaagad ako ng tingin at tinago ko 'yung mukha ko sa unan.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...