"Anong nangyari?"
Umiiyak ako nang pumunta sa presinto. Hindi ko alam kung ano ang nanyari, hindi ko na tinanong si Steve sa phone dahil nang marinig ko ang sinabi niya ay nagmamadali akong bumalik sa presinto.
Unti-unting nadudurog ang puso ko nang makita ko si Luke sa clinic ng kulungan na puro pasa ang labi at mga braso. Nakaupo siya sa hospital bed. Naka-yellow shirt na rin siya na may nakalagay na 'detainee'. Nailipat na ba siya ng kulungan? Paano siya nabugbog, dapat makikita ng mga pulis dahil sa bungad lang ang pinagkulungan sa kaniya.
"Mahal," umiiyak na tawag ko habang unti-unting lumalapit sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis niya akong niyakap kahit nakaupo pa siya.
"Huwag kang umiyak, please," he said. Paano akong hindi iiyak? Hindi ko na alam kung anong nangyayari. One moment, I was almost raped and then next minute, Luke almost died.
Ano ba'ng gustong gawin sa amin ng mundo?
"Okay lang ako," he said, still hugging me. "Ikaw? Okay ka lang ba?"
Kumawala ako sa yakap sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. His eyes mirrored so much pain. Hindi siya sanay rito, hindi siya sanay na ganito.
"Okay lang ako." pagsisinungaling ko.
Gustong-gusto kong magsumbong. Gustong-gusto kong sabihin ang nangyari sa akin kanina pero ayaw kong mas mag-alala pa siya. Ayaw kong isipin niya pa ako. Ayaw kong mas mahirapan siya.
"How did this happen?" tanong ni Steve sa pulis, kanina pa siya nakatayo sa gilid at nakatingin kay Luke.
"Dito na lang po tayo mag-usap." sabi ng pulis kay Steve at inaya na niyang lumabas si Steve ng clinic.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko kay Luke, nakaupo pa rin siya habang nakatayo ako sa harapan niya.
"Nagpunta akong CR tapos pinag-initan na nila ako dahil mayaman daw." sabi niya. Parang pinipilit niyang maging casual lang kahit alam ko na hirap na hirap siya. "Bakit namumugto ang mata mo? Umiyak ka ba?" tanong niya sabay punas ng panibagong luha ko na tumulo.
Umiling ako. "Okay lang ako," tinignan ko ang mga pasa niya sa gilid ng labi niya at maingat na hinawakan. "Masakit ba?"
He smiled. "Hindi na."
Inirapan ko siya. "Nakukuha mo pang magbiro!" Pinunasan ko ang panibagong luha ko.
Nasasaktan akong nakikita siyang ganito. Ang hirap.
He chuckled. "Hindi naman 'yun joke, eh." sabi niya pero mas lalo lang lumakas ang iyak ko.
Gusto ko na talagang sabihin na muntik na mawala ang baby namin kanina dahil sinuntok ako ng muntikan mang-rape sa akin, gusto kong sabihin na, 'Luke, hinang-hina na ako.'.
Pero hindi ko magawa... nakakapagod ang buhay.
"Luke," panimula ko. "What if... sumunod ka na lang sa Mommy mo para makalabas ka na rito?"
Kumunot ang noo ni Luke. "Na ano?"
I pursed my lips. Bahagya rin akong lumayo sa kaniya. "Na iwan mo na ako."
Sunod-sunod ang naging iling ni Luke. "Ayaw ko, hindi ko gagawin 'yon."
I sobbed. "Baka mamatay ka pa rito," umiiyak na sabi ko at nagpunas na naman ako ng luha.
"Ganoon din naman ang mangyayari kapag nawala ka, mamatay rin ako, Elly." he whispered. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. "We'll get through this, mahal. Just hold on. We're in this together."
Yumakap ako sa leeg ni Luke at doon humikbi nang humikbi, naghiwalay lang kami nang bumalik na ang doctor. May mga binilin siya kay Luke bago pabalikin sa kulungan.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...