"Calynn or Nat?"
Nakangiting tanong ko nang makita ko na naman na mayroong box na dumating ngayong umaga. Kakagising lang namin at nang buksan ni Luke ang pinto ay may box na naman sa labas. Isa-isang nagpapadala ang mga kaibigan ko ng mga gamit pang-baby. Mukhang spoiled nga itong anak ko sa kanila.
Luke chuckled. "Steve."
Natawa ako habang nagtitimpla ng gatas ko at kape ni Luke, nakaupo lang ako sa lamesa. Lumapit sa 'kin si Luke, bitbit ang box.
"Talagang nakigaya na si Steve, ah." I chuckled.
Wala pa man si baby pero ang dami na niyang gamit. Nakakatuwa lang talaga.
"Una na akong maligo," sabi ko kay Luke pagkatapos namin kumain. Siya na raw ang maghuhugas ng plato. May schedule kami ngayon sa OB.
"Pwede naman sabay," Luke jokingly said.
Napairap ako. "Maghugas ka riyan." sabi ko na ikinatawa lang niya.
Hindi pa namin sinasabi sa magulang ni Luke. Ayaw ko kasi siyang pangunahan, alam ko naman na sasabihin din niya kapag ready na siya. Ang importante lang ngayon, alam kong safe kami ng baby.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa kwarto. Napatingin pa sa 'kin si Luke nang lumabas ako na nakatapis lang ng twalya. Inirapan ko na lang siya at pumasok na ako sa kwarto. Susunod sana siya pero mabilis kong ni-lock ang pinto.
"Elly!" pabirong sigaw niya habang kumakatok sa pinto.
I laughed. "Ligo na!" sigaw ko rin bago magbihis.
Nagsuot lang ako ng pantalon at blue blouse. Flat shoes lang din ang suot ko dahil lagi naman akong ganoon. Pagkatapos kong magbihis ay dinala ko na sa CR ang damit ni Luke para roon na siya magbihis.
"Kapag lumabas na si baby, ang cute siguro kung partner-partner tayong tatlo." sabi niya nang makalabas na ng CR. Blue polo shirt kasi ang pinasuot ko sa kaniya.
Tumango ako. "Yes po, Daddy." I joked.
Kinurot ni Luke ang pisngi ko bago ako hilahin palabas ng condo para makaalis na kami. Excited na excited siya dahil magpapa-ultrasound kami ngayon. Gusto na raw niya makita si baby.
"Sana lalaki tapos kamukha ko." sabi niya nang makasakay kami sa sasakyan.
"Wow, ano naman ang makukuha sa 'kin?" tanong ko.
Bahagya siyang natawa bago tumingin sa 'kin. "Ayaw mo bang kamukha ko?"
Napairap ako. "Sana hindi kasing-kulit mo."
Umiling siya. "Ugali ko at mukha ko ang makukuha. Mini Luke." He shrugged. Napailing na lang ako sa gusto niyang mangyari.
Pagdating namin sa clinic ni Dra. Arevalo ay bahagya pang nangangatog si Luke na para bang excited na kinakabahan na ewan.
"Good morning, misis," bati sa 'kin ni Dra. "Good morning, mister." bati niya kay Luke.
Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Good morning po." bati ko pagkaupo ko sa upuan sa harap ng table niya.
Kinamusta ako ng doktor, tinanong niya kung ano ang mga naramdaman ko noong mga nakaraang linggo. Na-excite din ako noong pinahiga na ako para sa ultrasound.
May inilagay sa 'kin na parang gel na ewan 'yung doktora bago niya lagyan ng kung anong pang-censor itong tiyan ko. Nakatingin lang kami ni Luke sa monitor habang pinapanood kung nasaan na ba sa mga itim na 'yon ang anak ko.
"That's the heartbeat of your baby." The Doctor smiled at us.
Luke held my hand and kissed the back of my palm. "Mommy, 'yun si Baby, oh." bulong ni Luke, bahagyang namumula ang mga mata.
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...