Trigger Warning: Abuse
"Pa, tama na."
Hindi lang isang sampal 'yung natanggap ko, marami. Hindi ko maintindihan kung bakit lagi niya akong sinasaktan, dahil ba bunga ako ng kasalanan niya sa asawa niya? Hindi ko naman kasalanan na nabuhay ako sa mundo, hindi naman ako ang nagkasala, sila. Pero bakit ako ang pinaparusahan?
"Sinabi ko naman sa 'yo na maghain ka, hindi ba!" halos bumiling 'yung mukha ko nang isang sampal na naman 'yung matanggap ko. Biglang lumabas 'yung asawa niya at 'yung dalawa nilang babaeng anak.
"Pa, may ginawa po kasi ako sa school." humihikbi kong sagot habang hawak 'yung pisngi ko. "Pa, pasensiya na po." nagulat ako nang biglang lumapit rin sa akin 'yung asawa niya para sampalin ako. "Tita," umiiyak akong humarap sa kaniya habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.
"Sumasagot ka pa?" nang-gigigil niyang tanong. Kitang-kita ko kung paano mapangisi 'yung dalawang mas nakatatanda kong kapatid.
"Pasensiya na po, maghahain na po." umiiyak akong pumunta sa kusina para maghain. Sunod-sunod tumutulo 'yung luha ko. Hindi lang ako nakapaghain pero heto na naman.
"Dapat ganiyan ka, magkaroon ka naman ng utang na loob." sabi ng asawa ni Papa habang nakaupo na at ako ay pinaglalagay ko na sila ng plato. Yumuko na lang ako at uupo na sana sa upuan nang magsalita na naman siya. "Anong gagawin mo?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.
"Kakain po,"
"At sinong may sabing pwede kang sumabay sa amin?" tanong ng isa kong kapatid. "Mamaya ka, baka masuka ako kapag ikaw 'yung nakikita ko habang kumakain."
"Umalis ka muna, Elly." mahinahong sabi ni Papa. Napatango na lang ako.
Nang mamatay si Mama noong high school ay wala akong ibang choice kung hindi tumira kina papa. Wala akong ibang pupuntahan. Nakilala ni Papa si Mama sa isang bar at doon may nangyari sa kanila. Para kay Papa, isa lang akong pagkakamali, lagi niya akong sinasaktan pero kailangan kong magtiis. Kailangan kong makatapos.
Nakakuha ako ng scholarship sa Numero Alpha University, sobrang mahal ng tuition doon kaya sigurado akong hindi ako pag-aaralin doon ni Papa kung walang scholarship.
Umiiyak ako rito sa kwarto habang yakap-yakap ang tuhod ko at nakaupo sa kama, isang maliit na kwarto lang ang tinutulugan ko rito pero okay lang... okay lang dahil kailangan kong magtiis.
"Elly!" bati sa akin ni Addie nang makita niya ako sa gate ng school.
Ngumiti ako sa kaniya. "Hello,"
Ayokong makita nilang may problema ako sa bahay, kahit noon pa, hindi ko sinasabi dahil ayokong mag-alala sila. Ayokong isipin pa nila ako palagi.
"Pasok na ako," nakangiting sabi ko at tinanguan naman ako ni Addie.
"Hi, Miss." halos mapatalon ako nang may biglang lumapit na lalaki sa akin habang naglalakad ako palabas ng gate. Napahinto ako at napatingin sa kaniya.
"Umh, hello?" patanong kong sabi. "May kailangan ka?"
"I'm Eugo." inabot niya 'yung kamay niya sa akin. Litong-lito naman ako, bakit siya nagpapakilala?
"Bakit?"
"Nangangawit na ako, Miss. Pwede mo akong kamayan." nakangiting sabi niya. Kinamayan ko siya kahit nakakunot na 'yung noo ko. "Pwede ba kitang mayayang kumain?" Napaawang 'yung labi ko sa tanong niya, sino ba siya?
"Busy ako," lumakad na lang ako ulit para hindi na niya ako malapitan.
"Miss, ang lungkot ng mga mata mo." sinusundan niya ako habang naglalakad. "Parang gusto kitang pasayahin." hindi ko siya tinitignan at patuloy lang na naglalakad. "Miss, mabuti akong tao. Hindi kita sasaktan."
YOU ARE READING
The World Could Die (Change Series #3)
RomanceTaylor Ellery Esquivel experienced so much pain in life. She doesn't know how to love herself, how to fight for herself and how to let go on something that is consuming and draining her. She's always doing things alone. She has this wall between her...