Chapter 7

8.1K 209 16
                                    

"Wala."

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi pero mas hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot ni Luke. Binalik ko na lang 'yung tingin ko sa harap at hindi na nagsalita.

"Nandito na tayo." biglang sabi ni Luke kaya tumingin-tingin ako sa labas at nandito na nga kami.

"Bye." Tipid akong ngumiti bago lumabas ng kotse niya.

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko. Mabuti na lang wala sina Papa rito kaya hindi na ako naharang. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ko ay sinara ko na kaagad 'yung pinto. Sumandal ako sa pinto na hinahabol 'yung hininga.

"Hindi ka dapat magselos." I said to myself. "Walang kayo, Elly." Umupo ako sa kama. "Walang kayo." I keep on reminding myself.

Last week na ng pasok ngayong sem tapos 3rd yeard na ako next sem. Mahaba-haba pang lakbayin.

"Bal," Bigla na lang nanggulat itong si Luke paglabas ko ng room kaya muntikan ko pang maihampas sa kaniya 'yung hawak kong libro.

"Bored ka ba?" tanong ko habang naglalakad.

"Nag-aaya kasi mag-coffee si Celine." tanong niya, napahinto ako sa paglalakad. "Tingin mo, papayag ako?"

Humarap ako sa kaniya. "Oo naman." I smiled.

Inakbyan niya ako at tinangay papunta sa isang bench dito sa department ko. "Sigurado ka ba?"

Umupo ako at umupo naman siya sa tapat ko. "Oo, bakit hindi? Malay mo, 'di ba?" I wiggled my brows.

"Malay ko ano?" Tinaas niya 'yung kilay niya.

"Malay mo may comeback na, yie!"

He rolled his eyes. "Comeback comeback."

Nilapag ko 'yung mga libro ko sa lamesa. "Ayaw mo 'yon?"

"Ewan." He shrugged.

"Bakit, hindi mo ba siya hinihintay?" seryosong tanong ko.

"Bakit ko siya hihintayin?"

"Siyempre, wala naman ibang naging reason ng break-up niyo kung hindi 'yung pag-alis niya, 'di ba?"

"Oo." tipid niyang sagot.

"Oh, e 'di, may chance pa." I said, standing up.

Tumayo si Luke nang makita niyang tumayo ako. "Saan ka pupunta?"

"Uuwi?" patanong na sagot ko.

Isinukbit niya ang backpack niya sa kanang braso niya. "Hatid na kita."

"Hindi na, kaya ko na." Ngumiti ako at tumalikod na sa kaniya. Naglakad na ako. I didn't even bother to look back at him.

"Hahatid kita." Halos mapatalon ako noong nagsalita si Luke sa gilid ko, sumunod pala.

"Bahala ka nga." Napairap ako. Kapag may gusto talaga siya, ipipilit niya.

"Hindi pa tapos klase niyo?" tanong ko pagpasok namin ng kotse niya.

"Submission of final requirements na lang." sagot niya habang nag-s'seat belt. "Seat belt." He reminded me, tumango ako at nag-seat belt na.

"Malapit na birthday mo, 'di ba?"

"Yup." sagot niya habang pinapaikot 'yung manibela. Nag-iwas ako ng tingin dahil ayaw kong makita kung gaano siya kagwapo habang ginagawa 'yon.

"Ano plans mo?" tanong ko habang nakakapit sa seat belt at nakatingin sa labas.

"Wala, baka celeb lang kasama teammates. Sama ka?"

"Hala, hindi na." sagot ko kaagad.

"Okay." He chuckled. "Chill,"

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now