Chapter 33

7K 197 19
                                    

"Kaya ko na mag-isa."

Ngumiti ako sa mga kaibigan ko bago lumabas ng kotse. Desidido na ako. Sa bawat gabing mag-isa ako sa ospital ay ito lang ang iniisip ko. Wala akong ibang choice. Wala kaming choice pare-parehas.

O baka may choice ako, pero ito lang ang pinili ko. Kailangan ko lang talagang piliin ang kapakanan niya.

Lalakad na ako papasok pero biglang lumabas si Calynn sa driver's seat. "Pakikiusapan mo ba silang tulungan si Luke?" tanong ni Calynn na nakatayo sa labas ng pinto ng kotse niya. Hindi ako sumagot at ngumiti lang. "Whatever the choice you're going to make, I hope it's worth it. Good luck, Elly." Ngumiti siya bago pumasok sa loob ng kotse.

Huminga ako nang malalim at muling humarap sa building. Nanginginig ako habang pumapasok sa loob. Alam ko dati ko pa dapat 'to ginawa pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil may anak kami, magkakapamilya na kami.

Pero wala na 'yung baby. Baka ito na talaga ang sinasabi sa amin ng mundo, na tama na muna. Sobra na.

"Saan po ang office nina Mr. and Mrs. Valdez?" tanong ko sa front desk.

"May appointment po?" tanong niya.

"Wala po, eh."

"Nako, pasensya na po. Kailangan niyo po muna magpa-appointment."

Napaisip ako. Aalis na sana ako pero muli akong humarap sa kaniya. "Pakisabi na lang si Elly, iyong girlfriend ni Luke."

"Sorry po, hindi po talaga pwede, eh."

"Please, pakisabi importante lang." pakiusap ko.

Parang nagdalawang isip pa siya pero kinuha rin niya ang telephone niya. Tumalikod ako at tumingin-tingin sa mga taong naglalakad. Ganito lang dapat ang nararanasan ni Luke. Iyong malayang naglalakad sa office nila ng pamilya niya. Dapat maayos ang buhay niya pero ngayon, nakakulong siya at pinag-iinitan pa sa loob dahil lang sa mayaman siya.

"Miss," tawag sa akin ng front desk kaya napalingon ako sa kaniya. "Pwede na raw po kayong umakyat. 14th floor po." She smiled.

Tipid akong ngumiti. "Salamat po."

Nangangatog ang buong katawan ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay sa bawat hakbang ko papunta sa office nila ay siya ring unti-unting paghakbang ko palayo kay Luke.

Pagbukas ng elevator ay hinanap ko kaagad ang office ng magulang ni Luke. Nang makita ko ang isang malaking office ay doon ako lumapit at hindi nga ako nagkamali dahil nandoon ang pangalan nilang dalawa. Unti-unti akong lumakad. Kumatok ako sa transparent na pinto.

"What do you need?" bungad ng Mommy ni Luke. Wala ang Daddy niya.

"Tungkol po kay Luke." tipid na sabi ko.

Tumayo siya mula sa swivel chair niya. Umupo siya sa mahabang sofa ng office niya. "Make it quick, I'm busy."

Tipid akong tumango bago pumasok. Hindi na ako umupo dahil hindi naman niya ako pinapa-upo. Nakatayo lang ako sa harapan niya.

"Iyong tungkol po sa kaso ni Luke." panimula ko. "Uhm, iyong sa pyansa po."

Tinaas niya ang kilay niya. "What? Nakapag-isip-isip ka na ba?"

Tumango ako.

Napatayo siya at lumapit papunta sa akin. "Na-realize mo na ba na walang-wala ka kung para sa anak ko?"

Tumango ulit ako.

"Handa ka na bang iwan siya para sa buhay at kalayaan niya?" Matalim ang matang tumingin siya sa akin.

Yumuko ako. Hindi ko na napigilan ang hapdi ng mata ko kaya tumulo na ang luha ko. Unti-unti akong tumango.

"Finally," sabi niya. "For once in your life, hindi ka rin naging selfish."

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now