Chapter 17

7K 152 17
                                    

"Thank you."

Inabutan ako ni Luke ng maraming bulaklak, binili niya roon sa batang nagtitinda. Inubos na niya 'yung tinda para raw makauwi na 'yung bata dahil gabi na. Pumunta kami rito saglit sa park after namin sa resto-bar.

"You're welcome." He smiled.

Nasa parking na kami ng park. Nauna na akong maglakad papunta roon sa kotse niya. Huminto na ako sa tapat ng kotse. Pagharap ko sa kaniya, nahuli ko siyang pini-picture-an ako.

"Ano 'yan?"

He immediately hid his phone. "Wala,"

Natawa ako at napailing. He opened the car using his car key alarm. Pumasok na kaagad ako sa passenger seat. Pagpasok ni Luke, nag-cellphone siya kaagad kaya napatingin ako sa kaniya.

"Tara?" I asked.

"Wait lang," he answered, not looking at me.

"Ano ba 'yan?" Sumilip ako sa phone niya pero tinago na kaagad niya, parang ayaw niyang ipakita. Pilit akong ngumiti at umayos ng upo habang siya ay nagsimula nang mag-drive.

I was just quiet the whole ride. Palaisipan sa akin kung ano ang ginagawa niya sa phone niya kanina. Nag-cellphone na lang ako kaysa mag-isip ng kung ano-ano.

Nagulat ako nang may mag-notify sa akin noong binuksan ko ang data ko. Tinignan ko kaagad 'yon.

lukegreyson tagged you in a post.

Napangiti ako nang makita ang picture ko. Iyong nahuli ko siya kanina na pini-picture-an ako. Bitbit ko ang mga bulaklak sa kaliwang kamay ko tapos nakasukbit sa akin 'yung bigay niyang Louis Vuitton na bag.

May caption din pala.

'Nag-iisang tiyak sa isang libong duda.'

Tumingin ako kay Luke at nakangisi na siya ngayon. Nakakainis! Akala ko pa naman kung ano ang ginagawa niya kanina. Muntik pa akong magtampo.

"Akala mo kung ano, 'no?" nakangising tanong niya habang nag-d'drive.

Napairap ako. "Ewan ko talaga sa 'yo," Tumingin na lang ako sa bintana para maitago ang ngiti ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako uuwi sa bahay na natatakot sa mga pwedeng mangyari, hindi naman umabot sa point na muntikan na akong ma-ospital. Hindi pa rin nakakahanap ng trabaho si Papa kaya sa 'kin pa rin siya galit. Over-age na rin kasi siya kung hahanap pa siya ng bagong trabaho.

"Elly," Nginitian ako ni Lara pagpasok ko ng room namin.

"Uy," Nginitian ko rin siya bago umupo sa tabi niya.

"Nag-aaya sila mag-group study, kung sino raw gusto." Tinuro niya 'yung isang group of friends sa mga kaklase namin. Hindi ko naman sila sobrang close pero okay naman sila, mas okay siguro 'yon para mas maintindihan ko 'yung mga lessons, malapit na rin kasi 'yung finals.

"Okay, sama ako." I smiled.

Naghintay lang kaming matapos 'yung klase. Next week ay final exam na namin, matatapos na 'yung sem. Nang matapos 'yung klase namin ay nagka-ayaan na kami. Inayos ko na 'yung gamit ko sa bag ko pagkatapos ay sumabay na ako kay Lara paglabas.

"Uy, sama kayo?" tanong sa 'min ni Joana paglabas namin ng room.

"Oo," I smiled.

She giggled. "Okay, bet."

Nag-text na lang ako kay Luke na gagabihin ako, ang sabi ko ay mag-g'group study kami. Hindi naman na niya tinanong kung saan. Nag-text din ako kay Papa pero gaya ng dati, wala naman siyang reply.

The World Could Die (Change Series #3)Where stories live. Discover now